Tingin ko talaga ay playboy ang isang ito. Well, I think I am sure now. Pagtapos naming kumain sa karinderya ay sumaglit na rin kami sa grocery dahil wala na rin namang stock doon sa bahay. Buhay na buhay pa ang palengke kahit dumidilim na. Inabutan na kami ng gabi at nagbukas na ng ilaw ang mga tindahan. Hindi ko mapigilang sulyapan ang isang tiyangge kung saan maraming panindang laruan na makukulay. Naalala ko agad si Daddy. When I was a kid, sa tuwing may okasyon o kaya holiday, dinadala niya ako sa perya. Bibilhan niya ako ng lahat ng magugustuhan ko. Dad poured all he had into giving me the world. Kaya kahit kailan, hindi ko naramdamang mag-isa ako dahil nariyan siya. I didn’t grow up feeling the absence of a mother. Dad’s presence had always been more than enough. Maybe wh

