“Sasamahan na kita,” seryosong sabi niya matapos isara ang zipper ng itim na jacket. Hindi nga pala siya dapat lumabas lalo pa’t may mga naghahanap sa kaniyang masasamang tao. Ayaw niya naman akong payagang umalis mag-isa. Kung mag-isa lang daw ako, mabuti pa ay huwag nang bumili at wash and wear na lang! Bumuntonghininga ako at hindi makapaniwala sa kaniya. Kasalanan mo rin naman iyon, Cassandra. Ikaw rin ang may kagagawan ng lahat ng ito nang sinabi mong asawa mo siya. Unless he wants to wear a dress, which I’m sure he doesn’t, wala na siyang masusuot. Nagbihis siya ng pants at dahil wala nang t-shirt, jacket na lang ang kaniyang sinuot kaya kahit pa mainitan siya, hindi niya iyon mahuhubad. Kung binaba niya ang zipper, lalantad ang kaniyang pang-itaas na katawan at nakakaeskan

