He’s probably joking! Bakit niya ba ako kailangang tawagin ng kung ano-ano kung may pangalan naman? Pagtapos naming magtanghalian, nagsimula na rin akong magsampay. Nangangalay na naman ang aking balakang, tipong gusto ko na lamang magpagulong-gulong. Napangiwi ako at isa-isang pinipigaan ang mga damit para mas mabilis matuyo kapag sinampay na. Noong una, nagkakasakit pa ako tuwing naglalaba kami nang maramihan kapag maaga. My body was not used to it. Back then, we had a pretty decent number of maids. Isa-isa nga lang nanlagas noong wala nang maipasahod si Daddy, at hanggang sa namatay siya, halos iisa na lang ang natira. Noong sina Tita Hilde na rin ang namamahala sa bahay, binago na rin nila ang mga kasambahay. She wanted a maid who will follow all her orders, sinisiguradong hind

