Kita ko ang hesitasyon sa kaniyang tingin nang sinabi kong hindi na ako magpapahatid sa ilog lalo pa’t kaya ko naman. Nagdadalawang-isip pa siyang iwan ako. Napakibit-balikat na lamang ako at binuhat na ang basket saka nagpatuloy. Pagdating sa ilog, iilan na lang ang naroon para maglaba dahil mukhang natapos na ang lahat kahapon. Habang abala ako, hindi mawala sa isip ko ang estrangherong ‘yon. Iniisip ko rin kung ano ang ipapasuot sa kaniya lalo pa’t wala na akong damit na kakasya sa kaniya. Inisa-isa ko ang mga damit na meron ako sa desperasyong makatipid pero puro bestida. Wala ring shorts o kahit anong pang-ibaba na maaari niyang suotin. Sa huli, ako na rin ang sumuko. “Mara? May bisita ka raw?” malakas na tanong ng ale mula sa umpukan habang nagbabanlaw na sila at nagpipiga

