“Thomas ang pangalan ko?” he asked curiously. Naging marahan ang pagnguya ko sa kanin at hindi maiwasan ang pangamba. Baka naalala niya na ang pangalan niya at ngayon ay alam niya nang nagsisinungaling lang ako? “Wala ka ba talagang naaalala?” Kung may naaalala na siya, then that’s good for him. Makakatulong iyon sa kaniya para kahit umalis siya at mag-isa, magagawa niyang protektahan ang kaniyang sarili tutal ay alam niya ang pinag-ugatan ng paghahanap sa kaniya ng mga lalaking iyon. Saka lang din siya napaseryoso nang maayos dahil sa tanong kong iyon. Tumikhim siya. “Bakit? May dapat ba akong maalala? Mga bagay na ikinagalit mo?” Iniisip niyang kaya ako malamig ay dahil may nangyari na ikinagalit ko bago ang aksidente. Napanguso ako at hindi na sumagot pa. Nagpatuloy na lang

