Alam kong hindi dapat pero hindi ko mapigilan. Kumirot nang husto ang dibdib ko at naiwan na lamang ang tingin sa kaniya. Parang may nabasag sa puso ko. Kumalma rin siya at unti-unti, nakabalik sa marahang tulog. “T-Thomas?” I whispered, watching him breathe. Napalunok ako at napahinga na lamang kahit ramdam ang kirot sa aking dibdib noong nakitang tulog na ulit siya at maayos na ang kaniyang paghinga. He was dreaming… at may tinatawag siyang pangalan sa kaniyang panaginip. Nahiga ako sa banig kahit ang isip ko ay tila puno pa rin. Tumagilid ako at kahit nakakumot, pakiramdam ko ay malamig ang paligid. At kahit malambot ang unan ay hindi rin ako makatulog. Inunan ko ang aking mga palad at tinitigan ang kawalan habang nakatalikod sa gawi niya. Kinagat ko ang labi ko at pilit na

