“Ayos ka lang ba, Mara?” Lumapit sa ‘kin si Alvaro. Napaangat naman ang tingin ko at ganoon din si Annie na hinahaplos ang aking mga balikat para pakalmahin ako at damayan. My hands are still shaking, at basa pa rin ako sa ulan. Sa aming lahat ng nandito ay ako ang basang-basa dahil nawala na rin sa isip ko ang ulan noong nakita si Thomas. Mabuti na lang at dumating agad sina Alvaro. Tumango ako kay Alvaro, sumusulyap doon sa kwarto kung saan dinala si Thomas. “Anong sabi ng doktor?” nag-aalala kong tanong. “Titingnan na siya. Mukhang wala namang malubhang sugat,” sabi ni Alvaro at bakas din ang pag-aalala. Ang tanging mainit lang sa mga pisngi ko ay ang luha. Hindi ko iyon mapigilan habang inaalo pa rin ako ni Annie at panay ang hagod sa aking balikat. “Magiging maayos din a

