Hindi ko na alam kung paano ko pa nagawang ihakbang ang aking mga paa. Kung paano ako nakalayo sa kaniya at lumabas sa kwartong iyon nang hindi bumibigay ang mga tuhod ko. Hindi na siya sumagot sa aking sinabi. Hindi ko na rin kayang manatili at tumayo nang mas matagal. Hindi ko na siya matingnan sa mga mata. Paglabas ko ay roon lang lalong nahulog ang aking luha. I didn’t expect for him to call me again, na tawagin ulit ako at mag-usap kaming dalawa. Napatayo si Alvaro sa labas nang makita niya ako. Nanatili akong nakayuko at pilit tinataboy sa aking isip ang nararamdamam. “Mara… ayos ka lang?” nag-aalala at seryosong tanong ni Alvaro. Hindi ako makasagot. At kung saan ko nakuha ang lakas na manatili roon ay lagpas na rin sa aking pang-unawa. Nakikipag-usap ako sa doktor, suma

