“But, Mr. De Alba, it’s Mara’s working hours. Hindi siya kabilang sa mga entertainer o hostess. Kung gusto ninyo ay—” Naputol ang sinasabi ni Sir Remy nang umangat ang kilay ni Santel. Nilabas niya ang isang itim na card. Wala si Joanne at nagsasayaw. Kung nandito lamang iyon, talagang kanina pa ako nakatanggap ng mga tinging hindi maipipinta! Tumikhim si Sir Remy at inangat ang kamay upang sabihing hindi siya madadaan doon, kahit kita ko rin ang alangan dito at pagkamangha sa kaharap na lalaki. Para namang nagdidiwang ang aking buong sistema sa manager. That’s right… h-huwag n’yo pong hayaan ang lalaking ito na gamitin ang kayamanan niya para makagawa nang masama. Hawak ni Santel ang pulsuhan ko kung kaya’t hindi ako makatakbo nang basta-basta. Naiisip ko rin ang sinabi niya kanin

