“You rogue…” hirap na hirap kong bulong sa hangin at pinagtutulak siya sa dibdib pero hinuli niya ang pulsuhan ko. “Rogue, I like that,” ngiti niya na nasasabik sa insulto na halos ikareklamo ko. “Calling me names except baby.” Napangisi siya at naisingit pa talaga ang isang ‘yon! Pareho na kaming pawis dahil sa ginawa niya. At dahil ayaw ko na ring maghapon kaming nasa bahay na kaming dalawa lamang, pumayag na lang akong sumama sa pamamangka. Hindi ko mapigilang ma-distract at isipin ang kaniyang sinabi na hindi lang iyon sa gabi ginagawa. Hindi na ako nagbihis at suot ang isang puting bestida noong tinungo ang tabing-dagat. Pinauna ko na siya dahil nahihiya ako sa lakad ko, kaya noong abala na siya roon sa bangka ay pasimple akong lumabas. Sinara ko ang pinto at patingin-tingin s

