Kabanata 36 - Hindi Magsasawa

1622 Words

Panay ang tama ng paningin naming dalawa. Sa tuwing nag-iiwas ako, siya naman ang panay ang titig, at kapag tiningnan ko siya, nangingiti niyang iniiwas ang mga mata. Ang hirap din palang kaaway ng isang ito. Sinungitan mo na nga’y ngingitian ka pa! Naligo kami at dahil maganda rin naman ang panahon at tila nang-aakit ang tubig, hindi na ako tumanggi pa. Mababaw lang ang niliguan namin noong pabalik. Marunong naman akong lumagoy at sadyang ayaw lang. Kaya ngayon, hindi ko rin alam kung paano niya ako naengganyo. Tiningala ko ang sumasabog na kulay kahel sa langit. Nakahanay ang mga ulap at ang dumaraang mga ibon ay napakalayang tingnan. Humahalik ang lamig sa aking mga pisngi noong mabasa ang buong katawan. “Hindi ka talaga sweet, huh?” bulong niya noong naramdaman ko ang kaniyan

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD