“Iba talaga ang ngiti ni Thomas kapag dumarating na ang asawa niya,” tukso ng isa noong paalis na kami. Nahihiya pa rin ako sa mga iyon kaya siya lang talaga ang kumakausap. Ngumiti na lang ako. “Nagugutom ka ba?” tanong niya at dinala ako sa mga nagtitinda sa gilid. Kumalam ang tiyan ko noong nakita ang paboritong noodle stall doon. Noong tinanong niya ang gusto ko, iyon na lang ang aking tinuro. Nilabas ko ang wallet ko pero bago pa mabuksan iyon, narinig ko na siyang nagbayad! “A-Ako na, mayroon akong—” “Ayos lang, Mara. Itago mo na lang ‘yan.” Napanguso ako. He really earned his own money. Pinaghirapan niya rin ‘yon tapos ipanglilibre niya sa akin! “Oh, mainit pa…” saad niya noong naluto ang binili. Natusok niya na iyon sa stick at inihipan, saka nilapit sa bibig ko. Na

