Kabanata 10 - Questions

1995 Words

“Mag-asawa tayong dalawa. H-Hindi mo ba talaga naaalala?” Natigilan siya at hindi agad nakasagot. Ganoon din ako na agad kinabahan, saka lang din nag-sink in sa akin ang sinabi ko. Nagtagal ang tinginan naming dalawa habang marahan kong iniling ang aking ulo, in an attempt to take back what I had just said, ngunit tumiim na ang kaniyang tingin at para nang hinahalukay ang aking tiyan. Hindi siya nagsalita pero biglang pumungay ang mga mata niya at kumalma ang kaniyang ekspresyon. “Uhm… n-nagbibiro lang ako—” “Grabe ka naman, hijo. Kaganda-gandang babae nitong asawa mo, paanong hindi mo siya maalala?” naiiling na tanong ng taxi driver na mukhang hindi na napigilan ang maki-chismis at dismayado. Umiling akong muli ngunit dahil sa amusement sa kaniyang mga mata, parang hindi na si

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD