Kabanata 20 - Confident

1936 Words

Hindi ko alam kung bakit ganoon na lamang siya makatingin kay Alvaro. Masiyadong seryoso at… nakakatakot. Ang lamig ng mata niya at malayo sa ekspresyong iniwan ko kaninang umaga. “Pre, ikaw pala! Kumusta?” masayang tanong ni Alvaro na hindi niya naman agad sinagot kaya napakamot ito sa batok. Hawak ko pa rin ang lagayan ng kalamay. Bumaling siya sa dala ko bago nagtama ang paningin namin at ang malamig niyang tingin ay naging marahan. “Ayos lang naman, pare. Salamat sa paghatid kay Mara,” he said casually but still without smiling. “Ah, oo naman! Oo nga pala, birthday ko at may handaan diyan mamaya sa bahay. Konting inuman lang naman at videoke! Punta kayo, ah? Ano nga ulit ang pangalan mo, pre?” Umangat ang kaniyang kilay at lalong napaseryoso. “Thomas…” “Alvaro nga pala.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD