Nagkakasiyahan ang lahat para sa kaarawan ni Alvaro. Ang dami ring niluto ni Aling Carmen para sa mga bisita. Puno ng kwentuhan at tawanan. Hindi pa rin nila ako tinantanan ng mga tanong at masiyadong naintriga sa aking kasama! “Seryoso ba talaga, Mara? Mag-asawa kayo? Kasal kayo?” tanong ni Yasmin. Dinaan ko na lamang iyon sa tahimik na pagtango dahil limitado ang sagot. Alam kong masama ang pagsisinungaling, pero hindi ko na rin alam kung ano pang sasabihin ko! Hindi ko alam kung gaano katagal namin itong gagawin, but I have faith it won’t be that long. Naniniwala ako na gagaling siya agad at babalik ang kaniyang alaala. At sa pagkakataong iyon, tatanggapin ko kung anong mangyayari. This all just for his safety. Iyon lang at wala nang iba. Habang kumakain, hindi ko maiwasang

