Nagmadali na ako sa paghuhugas ng mga plato. Habang naririnig ang lagaslas ng tubig sa loob ng banyo, pakiramdam ko rin ay nakikipag-unahan ako roon. “Salamat po, Mang Ric…” sabi ko kay Mang Ric noong natapos na ako sa paghuhugas ng mga pinagkainan. Pakanta-kanta lamang ito habang kumakain ng hinog na mangga at nanonood sa TV hawak ang remote. “O, salamat, neng!” sabi ni Mang Ric kaya tumango ako at nagpunas ng mga kamay para makaalis na. “Kumuha ka muna nitong mga mangga. Bilin pala ‘yan ni Carmen,” dagdag nito sabay turo doon sa nakaumpok na mga mangga sa ibabaw ng babasaging table. Napatingin ako roon at gusto ko rin sana, kaso para akong nakikipaghabulan sa kung anong halimaw at gustong-gusto ko nang makaalis! “Ayos na po ako—” “Damn, s-s**t!” Isang mahina ngunit medyo malu

