“Pre, the best ka talaga! Ang angas!” bulalas ni Mark habang manghang-mangha sa ibinigay na relo ni Thomas. Nilagpasan ko sila nang nilapitan si Aling Carmen na ibinigay sa akin ang dalawang plastic tupperware na may pagkain. Kahit gano’n, hindi pa rin maalis ang tingin ko kay Thomas na kausap sina Mark. Patingin-tingin ako sa kaniya at ganoon din siya sa aking gawi ngunit ibabalik niya rin sa mga kausap ang tingin at ngingiti na lalong nagpabilis sa t*bok ng puso ko. “Mukhang masugid ang manliligaw mo, Mara, ah?” Nabigla pa ako sa tanong ni Ate Corine na sumilip habang nakatingin ako sa gawi ni Thomas. Maaga pa. Wala pa ngang tanghalian. Tapos nandito na siya sa isla?! W-Wala ba siyang pinagkakaabalahan ngayon? Ngumiti na lang ako kay Ate Corine, ngunit kunot-noo pa ring binali

