Kabanata 58 - Nakakahumaling

2240 Words

Halos matatapos na ang gabing ‘yon pero hindi ko pa rin alam ang sadya ni Thomas sa kaniyang pagbabalik. Ilang kanta pa at tuluyan na ngang bumagsak sina Yasmin, kaya pagdating nina Aling Carmen at Mang Ricardo ay halos tapos na ang kasiyahang iyon. Pareho pang gulat ang mag-asawa nang malamang nandoon si Thomas. Halos walang katumbas ang ngiti ni Mang Ric nang makita itong muli. Ganoon din si Thomas kaya hindi ko maiwasang mapalingon palagi sa kaniyang kinaroroonan habang nag-uusap sila ni Mang Ric. Napagtanto kong kahit ano palang suotin niya… para sa ‘kin ay siya pa rin si Thomas. O siguro, iyon lang ang gusto ko. Napanguso ako dahil alam kong hindi dapat ganoon. Hindi dahil binigyan ko siya ng pekeng pagkakakilanlan ay iyon na siya habang buhay, lalo na rito sa mga taga-islang napa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD