Kabanata 56 - Control

1527 Words

Ano ba ang inaasahan mong sagot, Mara? Ano ba ang gusto mong marinig mula sa kaniya? Pumikit ako, hindi na naman maintindihan ang kabog ng aking dibdib. Akala ko ay hindi siya magtatagal, kaya noong hindi naman siya nagmamadali sa pag-alis, lalo tuloy hindi maawat ang nakakabinging ingay sa aking sistema. At habang pinagmamasdan ko siyang buhat ang pusang tila hindi rin naninibago sa kaniyang presensya, hindi ko mapigilan ang pamilyar na tuwa sa aking dibdib. Napangiti na lang ako sa kabila ng lahat. Tuyo na ang suot kong panibagong bestida, ngunit basa pa rin ang buhok paglabas ng banyo. Nag-angat siyang muli ng tingin. Sa magkahawak kong mga kamay, pilit akong tumayo nang tuwid at ipakitang ayos lang ako. Tumayo na rin siya kung kaya’t hindi ko maiwasang mas mapuna ang kaniyan

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD