10th Sale [Sydney’s POV] “Good morning Girlfriend! Kamusta ang tulog mo?” Napamulat ako ng di oras at nakita ko si Dave na nakaupo sa gilid ng kama ko. Hanep talaga ang lalaking toh, ginawa nya na ata tong bahay nya. “Aish. Bakit ka ba nandito?” “Dinalhan kita ng breakfast” Napatingin ako sa dala dala nga nyang breakfast na nakapatong sa lamesa ko. Hotdog at itlog lang naman ang ulam, medyo sunog pa. “Ikaw ang nagluto nyan?” Tumango tango sya na akala mo eh professional. “Ako nga girlfriend. Ang galing ko noh? Ang bilis kong matutong magluto. Wala pang isang araw nung tinuruan ako ni manang lorna.” “Sus. Ang dali dali lang nyang lutuin, ipiprito lang eh.” “Meron yang special ingredient. LOVE.” Napatawa naman ako sa kanya, may feelings p

