9th Sale [Sydney’s POV] “Kadiri ka naman Sydney eh. Para kang bata! Punasan mo nga yang bibig mo!” ARGH. Pigilan nyo ko. “Umuwi na nga lang tayo.” Kinuha ko ang notebook ko na wala pang kasulat sulat. Kinuha ko din ang ballpen ko tsaka nagsulat. FactsAboutDave#101 – Hindi sya marunong makipagdate. “Hah? Bakit tayo uuwi? Ang saya saya nga ng date natin. Sayang naman ang effort natin papunta dito. Wala pa nga tayo ditong isang oras eh.” Nginitian ko sya ng sweet at pinandilatan ng mata. “Ang saya saya mo kasing kadate. Alam mo yun? Mamamatay ako sa kilig dahil sa’yo..” “Talaga? Pero parang hindi ka naman kinilig eh. Teka, may tanong ako...” Hinintay ko syang magsalita pero wala. Aish! “Oh ano na?” “Ipromise mo munang hindi ka sa’kin magagal

