8th Sale [Sydney’s POV] “I-date mo ko!” Lakas loob kong sinabi. Pero sya naman ang nagsabi na ide-date nya ko. Tinignan ko sya ng diretso sa mata pero nagiwas lang sya ng tingin. Bakit ba ang laki laki ng sapak nito sa buhay? “H-hindi ako marunong makipagdate” sabi nya ng mahina. W-what? Hindi sya marunong makipagdate? “Anong sabi mo?” “Narinig mo naman di ba? Hindi ako marunong.” Bumalik naman sa alaala ko ang sinabi ng pinagbilhan ko sa kanya, kaya mura sya, hindi sya natrain bilang isang worthy boyfriend. Pano kaya toh? “Tsk. Pero kung hindi ka makikipagdate, pano ka matututo?” Ibinalik nya naman ang tingin nya sa’kin. “Sinasabi mo bang ituloy natin ang date natin kahit hindi ako marunong?” “Um! Syempre naman. Binili kita kasi, ala

