7th Sale
[Sydney’s POV]
Nagising ako sa kama ko dahil sa sinag ng araw. Ano bang problema ng araw na to’t ginising ako? Nagmamagaling eh, daig pa ang alarm clock ko.
“Ms. Sydney?”
Napatingin ako sa pinto ng may kumatok.
“Bakit?”
“Bumaba na daw po kayo sa kusina. Nandun na po silang lahat.”
“Sige, bababa na ko.”
Bumangon ako sa higaan ko tsaka tiniklop ang kumot. Kahit papano naman ay lumaki akong may alam sa buhay.
Lumabas ako ng kwarto at bumaba ng hagdan. Ang aga naman ata nilang mag umagahan.
“Oh Sydney, halika na rito sa upuan mo..”
Napatingin naman ako kay Dave na seryosong seryosong nakatingin sa’kin. Matatakot na ba ko?
Lumapit ako tsaka umupo sa tabi ni Dave. Binaling ko ang tingin ko sa kanya tsaka ngumiti.
“Good morning!” bati ko sa kanya.
Tumango lang sya kaya nagkatinginan ang mga magulang ko, si Ate Lorraine naman ay wala lang. Pero si Ate Kath? Ayun, mamamatay na sa kangingisi.
“Oh Sydney.. kawawa ka naman! Hindi ka pinansin ng boyfie mo? Haha! Ikaw na nga ang unang bumati, nai-snob ka pa.”
Hindi na ko nakasagot pa dahil totoo naman. Medyo napahiya ako dun sa turn kong yun.
“Girlfriend..”
Napatingin naman kaming lahat kay Dave. Excuse me, ako lang yung girlfriend nya, hindi kayong lahat.
“B-bakit?”
“Pwede ba tayong magdate mamaya?”
Bigla namang nalaglag ang panga ko dahil sa sinabi nya. Date? As in date?
“S-syempre naman.”
“Whatever. Pasalamat ka Sydney dahil marunong magligtas sa khihiyan yang syota mo. Tss!” sabay irap ni Ate Kath.
Humarap na lang ako sa plato ko at hindi na sya pinansin. Hinintay kong lagyan ako ni Dave ng pagkain pero wala ata syang balak. Nalagyan na kasi nya ang plato nya ng pagkain at nag-umpisa ng kumain.
“Oh Sydney? Bakit hindi ka pa kumukuha ng kanin?”
“ah, wala naman po.”
Ano bang problema nitong si Dave. Dapat eh umaasta sya na parang perfect boyfriend. Pero anong ginagawa nya? Parang wala lang ako eh.
Pagkatapos kong kumain, hinintay kong matapos si Dave para naman makapag-usap kami mamaya.
Nung nakita kong naubos na ang pagkain nya sa plato ay tumayo na ko para umalis.
“Tapos ka na Sydney?”
“Opo, tapos na po.”
Napatingin ako kay Dave at napasimangot na lang ako ng bumulos pa sya ng kanin. Tsk! Nananadya ba sya? Nakakainis ah.
Lumabas ako ng kitchen at nag intay sa guest room. Pumasok ako sa loob at umupo sa kama. Galit nga kaya sya sa’kin dahil sa nasabi ko kahapon?
Hindi ko naman yun sinasadya eh.
Eh kasi naman! Wala pa naman talaga kaming mutual feelings sa isa’t isa.
Biglang bumukas ang pinto kaya napatayo ako.
“Anong ginagawa mo dito?” sabi nya gamit ang kanyang cold voice. Hindi ko alam kung matatakot ba ko o kung ano.
“Uhm. A-ano, yung date kasi natin?”
“Ah yun ba? Sabihin na lang natin hindi natuloy!”
Inirapan ko naman sya dahil naasar ako ng sobra. Ang dali daling sabihin para sa kanya yun dahil hindi naman sya ang mapapahiya kay Ate Kath.
“Bakit ba ang cold cold mo sa’kin ngayon?”
“Ano naman?”
“Sumagot ka nga ng matino, nakakainis ka na hah!”
Napailing sya dahil sa sinabi ko.
Akala ko pa naman eh hindi ako nagkamali na binili ko sya sa tindahang yun. Argh.
“Ano bang matinong sagot ang gusto mo?”
“Hindi ka naman ganyan kahapon!”
Bigla naman syang umakto na parang nag-iisip. Nilagay pa nya ang hintuturo nya sa ulo nya.
“Ah! Yun bang kagabi? Yung tinabihan kita dahil nilalambing kita?”
Aba! Sya pa talaga ang may ganang magalit sa’kin? Ang kapal ng mukha ah!
“Umayos ka nga Dave. Kung nasaktan kita, sabihin mo!”
“Hindi mo ko nasaktan, ok?”
“Ahh, hindi ka nasaktan kaya ka umaakto ng ganyan? Matapos mong i-open ang topic na s*x kagabi ikaw pa ang may ganang magalit?”
“Eh ano bang ikinakagalit mo dun? College ka na kaya dapat maging open minded ka na sa ganun!”
Nanlaki naman ang mata ko dahil sa sinabi nya. Hindi naman porke’t college ka na eh maging open minded ka na sa usaping s*x. Baka mamaya nyan eh mabuntis ka pa.
“Eh ano bang gusto mong mangyari ngayon?”
Oo nga noh? Ano nga bang ipinaglalaban ko?
“Bakit ka ba ganyan? Sumunod ka nga sa utos ko dahil bin—“
“dahil binili mo ko. Ano ngayong gusto mong gawin ko?”
Tumingin ako sa mata nya ng diretso.
“I-date mo ko!”