6th Sale

1371 Words
6th Sale   “Hmmm. Ako naman ang ama ni Sydney.” Nag-isip ng itatanong si papa at muling bumalik ang tingin nya ng naka isip na sya. “Eh saan naman kayo nagkita ng anak ko?”   Napanganga naman ako.   Sasabihin ko ba na binili ko sya sa isang tindahan kung saan available ang mga boyfriend? Hala. Baka madisqualify ako sa laro ni papa pag nalaman nyang binili ko lang toh.   Tumingin ako kay Dave na ngayon ay nakatingin din sa akin. Naghihintay siguro sya sa isasagot ko sa tanong ni papa.   “Ahh, nagkita po kami sa... sa... sa... sa...sa... MALL! Tama! Sa mall po kami papa nagkita”   “Mall? Pano naman kayo nagkakilala nito sa mall?”   Bakit may back up question si papa? Andaya, hindi nya naman binigyan nun sina Ate Kath at Ate Lorraine ah!   “Sa National Book Store po.. Uhm, nag agawan kami sa libro! Tama! Nag agawan kami ng libro tapos, naging magkaaway kami, tapos nabuo yung feelings namin sa isa’t isa. Alam nyo yun pa? Yung enemies to lovers? Hahaha!”   Nakisabat na si Dave.   “Pagkatapos po ng insidenteng yun, niyaya nya kong makipagdate!”   “Kaya ko po sya niyayang magdate eh para makuha ko yung libro!”   “Kaya pala binigay mo din sa’kin ang no. mo?”   “HOY! Hindi ko yun ginawa!”   “Niyaya mo pa nga ako sa banyo ng mall, nagtataka nga ako ee, anong gagawin natin dun?!”   Binatukan ko nga. Ano bang sinasabi ng luko-lukong toh?! Pinapahiya ako kina mama ee. Nakakainis!   “Tama na yan Sydney! Wag mong babatukan yang bf mo. Baka ibreak ka nyan, tandaan, patagalan ng relasyon ang challenge kong tatlo sa inyo. Sige, umuwi na kayo mga ijo. Gabi na”   Tumayo naman si Gerome at Wardz. Nagmano si Wardz kay mama at papa bago umalis pero si Gerome, dire-diretso lang na umalis. Mukhang kilala ko na kung sino sa’ming tatlo ang unang matatalo.   “Ikaw Dave? Hindi ka pa ba uuwi?”   Napatingin ako kay Dave. Wala nga pala tong uuwian.   “Ah papa! Dito muna po sya titira.”   Nanlaki ang mata ni mama at papa pero nabawi naman din agad nila. Syempre, kababae kong tao ako pa talaga yung nagsabi nun.   “Bakit naman?”   “Uhm, desisyon po namin? Hehe.”   “S-sige, pero sa guest room sya matutulog, hindi kayo pwedeng magsama sa isang kwarto!”   “Syempre naman po! Thanks pa!”   Tumayo si Dave at nagpasalamat din. Hindi ko alam kung swerte ba ko oh ano. Haaay! Baka mabuking kami ee.   Umakyat kami ng hagdan at dumiretso na sa kwarto ko, itinuro ko kay Dave ang guest room at dumiretso naman agad sya. Dala dala nya ang maleta nya at ako naman ay pumasok na.   Pagod na pagod na ko ngayon.   Pumasok ako sa CR at naligo. Kailangan kong maging fresh ngayon, ang layo kaya ng binyahe namin. Hanep naman kasi ang tindahan na yun, talagang konting konti lang tao ang makakaalam kung saan yun. Maswerte ako dahil kahit papano nakatuklas ako ng ganun, teka, maswerte nga ba?   Binuksan ko ang shower at unti unting dumaloy sa katawan ko ang malamig na tubig. Ang sarap talagang maligo!   Pagkatapos kong magsabon at mag shampoo, pumunta ko sa bath tub para maipahinga ko naman ang katawan ko.   Nakakahaggard yun.   Matapos ang ilang minuto, lumabas na ko ng banyo ng nakatapis. Syempre, nagbihis na ko. Nakarinig ako ng tatlong katok mula sa pinto ko.   Lumapit ako at binuksan ko toh. Tsk. Istorbo naman! Inaantok na ko eh!   “Bakit ba?”   Napatalikod ako dahil sa gulat. Ano bang naisipan nitong si Dave at pumunta sa kwarto ko ng nakaboxer lang with tuwalya sa balikat?   “Uhm,  pwede makiligo dito sa kwarto mo? May banyo ka naman ee!”   Bumalik ang tingin ko sa pinto at tinignan kung may tao sa labas, CLEARED. Wala. Hinigit ko sya sa loob bago pa may makakita na pinapasok ko sya sa kwarto ko.   “Dahan dahan naman! Kung makahigit ka naman, kala  mo may gagawin tayo. Makikiligo lang ako, ok?”   Pumasok sya sa banyo at humiga na ko sa kama ko.   Nakatingin lang ako sa kisame at hinihintay na dalawin ng antok. Napapapikit na ko ng –   “Girlfriend!”   Napatayo naman ako dahil sa gulat. Ang tanga naman nitong Patay Gutom na toh! Makakatulog na ko ee!   “Bakit ba?”   “Halika rito!”   “HOY! Tigil tigilan mo nga ako dyan sa kamanyakan mo! Bwisit na toh!”   “Tsk. Wala akong balak manyakin ka ngayon noh!”   Lumapit ako sa pinto ng banyo at nakasilip naman sya sa konting siwang ng pinto.   “Bakit ba?”   “Ikuha mo naman ako ng damit at short tsaka boxer!”   “At bakit ako pa?”   “Edi sige, lalabas na lang ako dito sa banyo mo ng nakahubad!”   Nanlaki naman ang mga mata ko dahil sa sinabi nya.   “IKUKUHA NA KITA!”   “Hahaha! Salamat girlfriend!”   Lumabas ako ng kwarto at pumunta sa guest room. Binuksan ko ang maleta nya at OMG. Grabe! Hindi man lang marunong mag tiklop ng damit ang PG na yun! Kainis!   Hinalwat ko ang bag nya at kumuha ng damit, short at err... boxer.   “So, tagakuha ka na pala ng boxer ngayon?”   Napatingin ako sa pinto at nakita ko si Ate Kath, ang kontrabida ng storya ko.   “Ano naman ngayon sa’yo?”   “Wala lang. Did you guys have s*x? Hahaha!”   Pinapainit nito ang ulo ko ah. Eh wala pa ngang isang araw kaming magkakilala tapos s*x agad? Sya siguro ang ganun.   “Kung nakipagsex man ako sa kanya, at least, sya ang namilit sa’kin. Eh ikaw? Mukhang ikaw pa ang nagpupumilit sa mga lalaki mo na mag toot kayo!” tsaka ako ngumisi. Akala nya hah!   “Whatever! b***h!”   “Whatever! Slut!” tsaka ko sya inirapan.   Lumabas ako ng guest room at bumalik sa kwarto. Nakaka HB ang isang yun. Pero wala na talaga kong magagawa dun, ganun talaga kami. Buti pa si Ate Lorraine.   Pagpasok ko ng pinto, ini-lock ko na. Baka pumasok bigla yung haliparot na yun. Mawawalan pa ko ng alas, yun ngang lalaking yun ang naka ubos ng pera ko ee.   “GIRLFRIEND! ASAN NA?!”   Aish. Oo nga pala!   “OH!”   “Salamat! Mahal mo talaga ko noh? Hahaha!”   “Ang kapal talaga ng pagmumukha mo!”   “Kung gano kakapal ang mukha ko, ganun din kakapal ang pag ibig ko para sa’yo. Yieee, kinilig ka naman sa’kin! Ang gwapo ko talaga!”   Gwapo?   “Ansabi mo? Gwapo ka? Saang banda?”   “Kaw talaga. Bakit ang in denial mo pagdating sa’kin?”   Tss! Nonsense ang pakikipag usap ko sa lalaking toh. Bahala na nga sya! Matutulog na ko.   Pumunta ko sa kama ko at nahiga na. Humarap ako pagilid, bale nakaharap ako sa dingding para makatulog agad ako.   Maya maya pa, nakaramdam ako ng taong humiga sa kama ko tsaka yumakap sa’kin. Humarap ako sa kanya para makilala ko sya.   Sabi na nga ba!   “DAAAAAVE! LUMAYO KA NGA SA’KIN!”   Itinulak ko sya kaya nalaglag sya sa kama.   “Aray! Bakit mo ba ko tinulak! Kainis ka naman oh, ang sakit tuloy ng puwit ko! Hilutin mo!”   “Kasalanan ko pa ngayon? Huh?”   “Eh sino bang tumulak sa’kin?”   “Eh sino bang tumabi sa’kin?”   “Anong masama dun?”   Napahilamos ako sa mukha ko dahil sa kaabnormalan nitong lalaking toh.   “Hindi mo ba talaga alam? Hindi. Pwedeng. Magtabi. Sa. Isang. Kama. Ang. Lalaki’t. Babae” sabay hinga ng malalim.   “Hah? Bakit naman? May relasyon tayo! Anong masama dun?”   “ARGH!!! Ewan ko sa’yo! Basta lumabas ka ng kwato! Shoo! Shoo!”   “Ang arte naman neto! Yung iba nga nagsesex pa ee!”   Sinipa ko nga sa likod! Napaka engot, tama bang magsalita ng mga ganung bagay? Hindi na nahiya ee!   “Napakasadista mo naman girlfriend! Minamahal kaming mga lalaki!”   “HOY! BINILI KITA!”   “Oo nga pala. Sige, balik na ko sa guest room” sabi nya tsaka nagdire-diretso sa labas.   Medyo, nagalit ata? Hindi naman di ba?  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD