5th Sale

1358 Words
5th Sale   [Sydney’s POV]   “SINO KA?” Napatingin ako sa sumigaw. O_O Si PAPA!!!   “Pwede ba, wag po kayong sumigaw?”   Napatingin ako kay Dave. Ang tanga lang. Baka hindi magustuha ni papa ang ugali nya! Edi, minus points na agad ako? Kainis!   “EH BAKIT NAMAN AKO HINDI SISIGAW? BAKA NIRE-r**e MO NG ANAK KO?”   “Unang una po sa lahat, hindi ko sya gagahasain, parang ito pa ngang si girlfriend ang balak manggahasa sa’kin. Hehe, so kayo po ang papa nya?”   “Ako nga.”   Lumapit sya kay papa at nagmano.   “Ako nga po pala si Dave, boyfriend ng anak nyo. Nice to meet you po!”   Medyo lumaki ang mga mata ko. Akala ko ba eh untrained toh? Para namang alam nya na ang mga dapat nyang gawin.   “A-ah, ganun ba ijo? Ikaw naman Sydney, bakit naman hindi mo pinapasok ang boyfriend mo sa loob? Hala, tara na at malamig dyan sa labas!”   Nang makapasok na si papa sa loob, siniko ko naman si Dave sa braso nya.   “Ayusin mo nga yang pagiging boyfriend mo. Sasapakin kita!”   “Inaayos ko naman ah! Napakasadista mo!”   “Aba’t! Ako pa ang sadista ngayon? HAH?”   Hinampas ko sya sa dibidib nya. Hinampas ko ng hinampas, ganito ang sadista! Napaka engot nitong nabili ko.   “ARAY! ARAY! TAMA NA!”   Hinawakan nya ang dalawang kamay ko para pigilan ako sa paghampas sa kanya.   “Ikaw girlfriend hah, kunyari ka pa! Gusto mo lang mahawakan ang katawan ko eh. Dinahilan mo pa talaga na hindi ako magaling na boyfriend. Hahaha! Ikaw talaga!”   “ABA’T!”   Akmang hahampasin ko na sya ulit dahil sa kayabangan nya pero umiwas ang loko. Napaka abnormal talaga.   “Tara na lang girlfriend sa loob ng bahay nyo. Wag mo na kong saktan, ok?”   “Ikaw naman kasi ang may kasalanan ee! Ang yabang yabang mo.”   “Sus. Kilig ka naman dyan! Tara na lang girlfriend sa loob, bilis! Baka pakainin ako ng tatay mo.”   “PG.”   “Ano yun?”   “Ikaw yun! PG!”   Nagkamot naman sya ng batok. Hihi. Ancute! Kahinaan ko yun ee.   “Ano nga yun? CS mo ba yun sa’kin? Huh? Girlfriend?”   “Oo nga no! Yun na lang ang CS ko sa’yo. PG.”   “Ano nga yun?”   Medyo naiinis na sya kaya lumakad na ko. Papasok na lang ako sa loob, mamaya nyan eh sapakin pa ko. Hahaha! PG!   “Girlfriend! Ano nga kasi yun? Sabihin mo na!”   Sige na nga, sasabihin ko sa kanya. Humarap ako sa kanya na hanggang ngayon ay nasa tapat pa rin ng gate.   “PG as in, PATAY GUTOM! Hahaha!”   “ANONG?! Hindi naman ako patay gutom ah?”   “Whatever!”   Pumasok ako sa loob ng bahay at dumiretso sa kusina. Habang papalapit na ko sa kusina, nakarinig ako ng boses ng lalaki. Hindi yung boses ni papa, iba. Ngayon ko lang narinig.   Mas binilisan ko ang paglalakad para malaman ko kung sino ang bisita.   Nang makarating ako sa kusina, sumalubong sa’kin ang dalawang lalaki na nakaupo sa dining table namin na nakikipagkwentuhan kina mama at papa.   “Oh? Sydney? Kanina ko pa kayo pinapasok ng boyfriend mo ah? Tara na dito!”   Kumunot naman ang noo ni Ate Kath at tumayo.   “What? May boyfriend ka na din? Wow! Wala pa talagang imposible sa babaeng desperada! Hahaha!”   “Anong tinatawa tawa mo dyan? Di bale nang desperada, hindi naman luka luka!”   “OH SYA! TAMA NA YAN! TUMIGIL NA KAYONG DALAWA! Sydney, tawagin mo na yang boyfriend mo para makakain ka na din!”   Humarap ako sa likudan pero dibdib lang naman ni PG ang sumalubong sa’kin. Tsk. Nauntog pa tuloy ako. Nag g-gym ba toh? >.< Ang tigas kasi ee!   “Nandito na po ako pa!”   What? Pa? Kailan nya pa naging ama ang papa ko?   Napatingin naman ako kay papa na tumatawa. Whoo! Buti na lang at good mood si papa. Tawagin ba naman daw agad na pa? Feeling naman neto eh kinasal na kami.   “Oh sya! Nakakatuwa kang bata ka! Umupo na kayo dito ni Sydney!”   “Sige po. Tara na dun girlfriend!”   Hinawakan nya ang kamay ko at hinila papunta sa kainan. Magkatabi kami sa upuan.   “Oh girlfriend, andami nyo naman palang pagkain dito ee! Anong gusto mo? Ipaglalagay na kita sa plato.”   Medyo gentleman din naman pala ang taong toh. Whoo!   “Kaldereta na lang tsaka kanin”   Nilagyan nya naman ang plato ko at sa totoo lang, punong puno. Maubos ko kaya toh?   “Ang payat payat mo na girlfriend! Dapat magpataba ka!”   Hinampas ko naman sya sa braso. Hindi ako payat! Sexy ako. Period.   Napatingin kaming dalawa sa mga matang nanonood sa’min. Sina mama at papa ay nakangiti lang, ganun din si Ate Lorraine at ang dalawang lalaki na kasama namin, si Ate Kath naman ay umuusok na ang ilong at tenga.   Belat! Inggit ka noh?   “Ang cute nyong tignan dalawa! Haha, naaalala ko tuloy ang teen age life ko.” sabi ni mama.   Ngiti na lang ang sinukli ko sa sinabi nya. Cute daw kaming dalawa. Ayieee! Pero mas maganda kung sinabi na lang nya, ang cute cute talaga ng anak ko!!! Eh hindi naman kasi cute si Dave noh. PG SYA!   “Salamat po ma!” sabi ni Dave.   Bigla namang naibuga ni mama ang tubig na iniinom nya. Ano ba naman kasing naisipan nitong si Dave at kung ano ano ang sinasabi!   “Ha-ha! Nakakatuwa ka talagang bata ka!”   “Kaya nga po ako nagustuhan ng anak nyo ee!”   “Hahaha! You’re such a great guy for my daughter hah!”   Bigla namang tumingin sa’kin si Dave at hinawakan ang kamay kong may hawak na tinidor.   “Syempre naman po. Para po talaga ako sa anak nyo.”   Bigla naman akong namula, ano bang sinasabi nitong lokong toh sa mama ko? Ang lakas mang asar ee!   Inapakan ko sya sa paa kaya binawi nya agad ang kamay nya na nakahawak sa kamay ko. Kita ko naman na napangiwi sya sa sakit.   Napadako naman ang tingin namin kina Ate Kath na ngayon ay sinusubuan ang boyfriend nya. Pero yung syota nya, ayaw magpasubo. Hahaha! Si Ate Kath naman, tuloy pa din ang pilit na isubo yung kanin na walang ulam. Haha!   “Sige na Gerome, kainin mo na to oh! Say ah~”   “Tsk. Kath, hindi na ko bata. Ok?”   “But you’re my baby, ok? Now, say ah~”   Wala ng nagawa ang boyfriend nya kaya ngumanga na lang ito.   “So ijo, ikaw ang napiling boyfriend ni Lorraine. Anong pangalan mo?” tanong ni Papa.   “Ako po si Wardz. Bestfriend nya dati.”   Wooo! So ito pala ang bestfriend ni Ate, buti na lang at pumayag sya. Hihi. Pano kaya tinanong ni ate toh, eh di ba? Pag mag bestfriend, nagkaka-ilangan pag nagkakaron ng feelings? Yieee. Pero may feeling kaya sila sa isa’t isa?   “Bestfriend, ngayon ay Boyfriend. Not bad!” sabi ni Pa. “Ikaw naman ijo, ikaw si Gerome hindi ba? Pano kayo nagkakilala ng anak ko?”   “Blockmate ko po yan sa ibang subject. Buntot ko po yan, sunod na lang lagi sakin ng sunod. Tss!”   Hindi ko napigilan ang sarili ko kaya napahagalpak ako ng tawa. Si Ate? Stalker? Hahaha! Grabe, hindi ko maimagine.   “That’s interesting! Haha, hindi ko na aalamin kung pano ka nya napilit!”   “PA! HINDI KO SYA PINILIT NOH, SYA ANG PUMILIT SA’KIN NA MAGING BOYFRIEND KO SYA!!!”   “Sige na, sige na! Umupo ka na Kath. Tumayo ka pa talaga!”   Napatingin naman ang tingin ni Pa kay PG. Tsk. Kinakabahan ako sa itatanong nya ee. Magsasalita pa lang si Papa pero umimik na si PG.   “Ako po si Dave. Dave Ramirez.”   “Hmmm. Ako naman ang ama ni Sydney.” Nag-isip ng itatanong si papa at muling bumalik ang tingin nya ng naka isip na sya. “Eh saan naman kayo nagkita ng anak ko?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD