4th Sale
“Oh? Sydney? Anyari dyan sa mukha mo? Para kang napagsakluban ng langit at lupa ah!”
Napatingin ako sa pumasok sa computer lab ng tindahang toh. Si Zia. Mukhang nang-iinis pa.
“Eh kasi naman!”
“Eh kasi naman, ano?”
Humarap uli ako sa computer bago ko ipinagpatuloy ang pagsasalita.
“Isa lang yung kaya kong bilhin sa kanila...”
“What? Eh isa lang naman talaga dapat ang bilhin mo, alangan namang lima di ba? Edi nabatukan ka ng tatay mo..”
Sa bagay, may point sya. Pero gusto ko kasi eh madami. Para sosyal!
“So, who’s the lucky guy?”
Lumapit sya sa computer at tinignan ang mukha ng lalaking kaya kong bilhin. Bakit naman kasi wala pa kong trust fund? Eh hindi pa din naman kasi kalaki ang ipon ko sa bangko.
“OMG!”
“What?” anong OMG ang isinisigaw nito?
“He’s so gwapo kaya! Anong inirereklamo mo dyan?” tumalon talon pa si Zia para lang mapigilan ang kilig.
“Magkano Syd? Ako na lang kaya ang bumili kung ayaw mo sa kanya..”
Napataas naman ang kilay ko.
“Dinala nyo ko dito para makabili ng boyfriend tapos, yung kaisa isang lalaki na kaya kong bilhin eh bibilhin mo?”
“Oh oh, tama na insan. Hindi ko na sya aagawin sa’yo, ok? Sa’yo na sya! Sa’yo na..”
“Hayst! Hindi nyo naman sa’kin sinabi na ganito kamahal ang mga lalaki dito. Kainis!”
“magtigil ka na nga dyan. At least di ba? May chance ka pa din para manalo sa mga kapatid mo..”
“whatever. Baka nga pumalpak pa ko dahil sa lalaking yan”
Napatingin uli ako sa screen ng computer. Pinagmasdan kong mabuti yung lalaki.
Gwapo naman pala sya. Medyo macho din pero slight lang. Matangos din ang ilong nya, yung tipong pag nagkahalikan kayo eh lalapat yun sa mukha mo.EH! ano ba tong mga naiisip ko? Tsk. Totoo naman ee! Ang tangos ng ilong nya. Yung labi nya, mate-temp kang halikan. Ang ngipin, hindi uso sa kanya ang cavity tsong! Ang height, 5’10. Higante!
“Tsk. Hindi ka papalpak dyan. Trust him!”
Lumabas kami ng computer lab at pumunta sa isa pa uling kwarto para kausapin ang manager. May gusto pa kong malaman.
“So, tapos ka na ba ija? Nakapili ka na ba?”
“P-po? Wala pa po ee.”
“Hmmm, so, bakit lumapit ka agad sa’kin eh hindi ka pa pala nakakapili?”
Huminga ako ng malalim. Kailangan ko toh.
“May gusto lang po akong malaman?”
“Tell it to me darling..”
“Uhmmm.. b-bakit po ang mura nung last men sa website nyo? $5000 lang?”
Napangiti naman sya.
“Alam mo ija, hindi ikaw ang unang nakapagtanong nyan. Madami dami na din. Pero pagkatapos nilang malaman kung bakit, inayawan nila ito. Bakit ba gusto mong malaman?”
Napakamot naman ako sa ulo.
“sya lang po kasi ang kasya sa budget ee!”
“Hahaha! Sa totoo lang, mga hopeless romantic ang pumupunta dito para makabili ng ideal man nila. Dahil yung iba eh teenager pa lang din, yung lalaking tinutukoy mo ang kaya lang din nilang bilhin. Pero nung nalaman nila na...”
“NA ANO PO? MAY AIDS PO SYA? OMG! SAYANG NAMAN!” Napatingin kami kay Zia na napatayo pa dahil sa ewan.
“Hindi ija. Hindi kasi sya ganun ka ideal man gaya ng iba. Minsan, immatured pa pero minsan serious. Alam mo yun? May araw na dinadalaw ng PMS. Hindi kasi sya masyadong natrain para maging isang boyfriend.”
“natrain?”
Ang dami naman atang ginagawa dito. Hmp.
“Oo ija, may training ang mga lalaki dito para mapasaya nila ang mga babae na magkakagusto at bibili sa kanila. Some are train para magpakilig, some are train to satisfy girls on the bed, iba iba. May training silang pinagdadaanan at pag alam na ng trainor na ready na sya para ipagbili, dadalhin na sya dito”
“Ahhh. So? Ano po talaga yung point kung bakit mura sya?”
“Hindi sya natrain pero gusto nyang maipagbili agad sya. Pinilit nya kami”
“Ah ganun po pala..”
“Oh ano ija? Bibilhin mo pa din ba sya kahit hindi sya marunong magpakilig, kahit hindi pa nya alam ang mga dapat gawin sa isang date, kahit hindi ka pa nya kayang paligayahin sa kama? Bibilhin mo pa din ba sya?”
Hindi ko alam pero, may nagtutulak sa isip ko na bilhin ko na sya. Bukod sa wala akong choice, hindi pa daw sya magaling sa kama kaya no worries ako. Hindi nya ko gagalawin dahil pag aaralan nya pa yun. Hihihi. Ano ba yan! Ang p*****t ko na.
“Bibilhin ko po sya.”
Lumawak ang ngiti nung babaeng medyo matanda na at kinamayan ako.
“Alam kong ikaw ang makakapagpabago sa kanya. Ikaw ang huhubog sa kanya para maging best ever boyfriend mo sya. Congrats! So, bago mahuli ang lahat, ako nga pala si Madam Gina”
Tinawag ni Madam Gina ang utusan nya at sinabing papuntahin daw dito yung lalaking nabili ko.
Ilang minuto pa lang ang nakakalipas eh dumating na ang lalaking napili ko. Hingal na hingal sya at humarap agad kay Madam Gina.
“MAY. HOO! MAY BUMILI NA DAW SA’KIN?”
Kitang kita sa mukha nya ang saya. Ano kayang meron?
“Yes Dave, may bumili na nga sa’yo”
“Sino? Maganda ba? Sexy? Anong itsura?”
Kaya naman pala. ARGH. Ano bang naisipan ko’t binili ko tong lalaking toh? Humarap ako sa kanya at tinignan sya sa mata.
“AKO.”
“Ikaw? Ikaw yung sinungitan ko di ba?”
“Yeah. Ako nga.”
“Sabi ko na nga ba ako ang bibilhin mo eh!”
Napataas naman ang dalawang kilay ko.
“WHAT?”
“Nagpaturo kasi ako sa mga natrain dito ng mabuti. Sabi nila, pag mataray daw ang babae, sungitan ko.”
“At sinasabi mo pa ngayong masungit ako? Sinabihan mo pa ko kanina ng stupid. Tss!”
“Apparently. Ang hina din naman ng common sense mo noh? Hindi mo agad nagets yung sinabi ko, Hahaha!”
Naku! Kung wala lang kami sa harap ni Madam Gina eh nahampas ko na toh sa ulo.
Humarap ako kay Madam at ngumiti.
“Let’s talk na po about the payment”
“NO. Wag ka ng magbayad. Sa tingin ko, destiny na talaga ang nagsasabi na ikaw ang makakabili sa kanya.” Sabay ngiti.
Ngumiti din ako pero pilit nga lang. What the fvck! Destiny kami? Yuck to the highest power!
“Uh, sigurado po ba kayo na hindi na ko magbabayad?”
“Oo ija. Ikaw lang naman ang dalagang tumanggap dyan sa binatang yan.”
“G-ganun po? Hehe. Salamat po!”
“Oh sige, umalis na kayo. Balita ko ee mahaba ang byahe nyo. Dave, magready ka na. Aalis ka na dito. Magpakabait ka ok?”
Bago sya sumagot ay umakbay muna sya sa’kin.
“Sus! Ako madam? Eh sadya naman akong mabait eh. Paparamdam ko dito sa girlpren ko kung gano ko sya kamahal. Magki-kiss lagi kami ng torrid!”
Hindi ko na napigilan ang sarili ko, nabatukan ko na.
“ARAY! BAKIT MO NAMAN AKO BINATUKAN?”
“ANONG TORRID TORRID KA DYAN?”
“Turo yun sa’kin nung mga natrain na. Torrid na daw dapat ang kiss kapag magsyota na!”
“At sino naman ang may sabi sa’yo na syota mo na ko?”
Bigla namang tumawa si Madam at si Zia.
“Ija, boyfriend ang binili mo dito at dahil ikaw ang bumili sa kanya, automatic na ikaw ang magiging girlfriend nya.”
“Ah, hehe. Ganun po ba?”
“Ganun nga ija. Sige na, baka abutin pa kayo ng dilim. Delikado din dito pag gabi.”
Lumabas kami ng tindahan at naabutan namin si Ian na tulog sa sofa ng waiting area. Ginising namin sya at pinainom muna namin ng kape para mawala yung antok.
Sumakay kami ng sasakyan at kami ng BOYFRIEND ko ang nasa likudan.
Napatingin ako sa tindahan ng boyfriend, malaki din pala ito. Parang corporation na to oh kaya ay company. Hindi ko nakita kanina dahil tulog ako ee.
“So? Sya pala yung nabili mo Sydney?”
“Yes. Sya nga!” sabay irap ko kay Ian.
“Wag ka ngang magtaray dyan, baka maturn off yan sa’yo! Di ba ..? ano nga pala pangalan mo?” sabay tingin kay Dave.
“Dave. Ako si Dave.”
“Hmmm. Alagaan mo tong si Sydney hah?”
Ramdam ko naman na tumingin sa’kin si Dave bago sumagot.
“Syempre naman! Girlfriend ko ata toh!” sabay akbay sa’kin.
Tumingin naman ako sa kanya at binigyan sya ng tanggalin-mo-ang-kamay-mo look.
“Masanay ka na ...? Ano nga pala name mo?”
“Sydney? Wow! Parang sisid? Magaling ka bang sumisid?”
Binigyan ko ulit sya ng batok. Kung ano anong kabastusan ang tinatanong ee! Nagkamali ata ako sa nasabi ko kaninang no worries ako dito. #MedyoManyakDinPala.
Nakarating kami sa bahay ng mga alas otso na. Idinaan lang kami nina Ian.
Si Dave naman, nakatingin sa bahay namin. Naliliitan siguro toh?
“Dito na din ba ko titira girlfriend?”
“Tsk. Saan pa nga ba?”
Humarap sya sa’kin at pinisil ang cheeks ko. Ang sakit nun ah!
“Wag ka laging magsungit girlfriend, pumapangit ka ee!” ramdam ko naman na medyo namula ako. Ibig sabihin ba nyan, maganda ako? Hihihi.
“SINO KA?” Napatingin ako sa sumigaw. O_O Si PAPA!!!