3rd Sale
Hinila ako ni Ian papasok sa kotse nya, kasunod din namin sa likod si Zia na mukhang excited na excited. Itinulak ako papasok ni Zia nung papasok na ko sa pinto ng kotse. Muntik na kong masubsob! Grabe!
Kaming dalawa ni Ian ang nakaupo sa unahan at ang walangya kong pinsan ang nag-okupa ng upuan sa likod namin. Ang ngiti nya, abot hanggang tenga. Samantalang ako, kinakabahan.
Ano ba talagang meron sa tindahan na yan?
Malakas talaga ang t***k ng puso ko eh, ang bilis bilis. Dinaig pa ang tigidig ng isang kabayo. Nagmumukha naman akong desperado nito ee! Pero sabagay, desperado na talaga kong makahanap ng boyfriend. Ikaw ba naman ang tanggihan ng lalaking gusto mo, ewan ko lang kung hindi ka masaktan.
Pero sa totoo lang, hindi sya masakit dahil sa hindi nya ko gusto. Masakit kasi, inalis ko ang pride ko para sabihin yun sa kanya pero tinanggihan nya ang isang dyosang tulad ko. Kainis naman!
“Hoy Bruha! Excited ka na noh?”
Napatingin naman ako sa babaeng humigit ng buhok ko sa likod. Ngising ngisi sya at halatang excited ng makarating sa pupuntahan namin.
Sumandal na lang ako sa bintana. Magpapahinga muna ko.
***
“INSAN! GUMISING KA NA DYAN!”
Napamulat naman ang mga mata ko dahil sa pagyugyog na ginagawa sa’kin. Ano bang akala nitong si Zia? Namatay na ko? Kainis!
“Gising na nga oh, tigil na sa pagyugyog..”
“Sus! Alam ko namang kinakabahan ka kaya ka ganyan!”
“HINDI. AKO. KINAKABAHAN!”
“Oo na, hindi daw pero guilty naman”
Tsk. Bumaba ako ng sasakyan at sumalubong sa’kin ang isang malaking bahay na parang tindahan na malapit sa dagat. Wala actually itong kalapit na bahay o iba pang tindahan, nag-iisa lang talaga. Hindi ko alam kung bakit, pero natatakot ako.
Baka naman kasi ma wrong turn kami o kaya naman ay final destination, pwede ding mashake rattle and roll kami dito. Iba naman kasi yung aura ng place.
“Ang ganda dito insan noh?”
Tumingin ako sa paligid. Maganda nga, hindi ko lang agad napansin kasi puro horror movies yung iniisip ko. Asul na asul ang langit at ang madadaanan namin bago makarating sa pinto ng tindahan ay punong luntian at mga bulaklak. Parang kumakaway ang mga ito sa amin dahil sa nadadala ang mga dahon ng ihip ng hangin.
Napatingin ako sa parking lot, hindi ganun kadami ang mga nakapark.
Bibili din kaya sila kaya sila nandito?
“Ready?”
Tumingin ako kay Ian at inirapan ko na lang sya. Kaasar ee! Tanggihan ba naman daw ako at dalhin sa place na toh?
“Tsk! Haha. Sinabi ko naman sa’yo Sydney eh, hindi ako pwede. Na explain ko na di ba?”
“Yeah, ayaw mo kasi mahal mo yung girlfriend mo!”
“RIGHT! I LOVE HER VERY MUCH!”
“IDC. I. Don’t. Care!”
Duh. Bagay lang sa kanya ang pagsusungit kong toh. Sarap naman kasing iumpog sa sahig ee! Baka naman mukhang tambay sa kanto ang mga nanditong lalaki. Gusto ko naman syempre yung may manners at maihaharap ko kay papa at sa dalawa kong ate.
“Tama na nga yang pagtataray mo, tara na sa loob!”
“Ano pa nga ba!”
Mga dalawang minuto din kaming naglakad bago makarating sa pinto. Nung papasok na kami, isang magandang babae ang lumabas at kasunod nya ay isang super duper hot na papa. Kumapit sya sa braso nito at hindi man lang pumalag yung lalaki.
Hindi ko alam kung may love bang meron sa kanila pero mukha silang perfect couple.
“Oh Sydney, namangha ka na dyan eh hindi pa tayo nakakapasok sa loob, baka naman mahimatay ka pagpasok mo. Haha!”
“Tawa ka dyan!”
Grabe lang ah! Ang galing galing ng tindahan na toh!
Itinulak ni Ian ang pinto at pumasok kami ni Zia, naglalakad kaming tatlo ng may sumalubong sa’ming saleslady. Saleslady nga ba toh?
“Ahh Sydney, dun muna kami sa lounge. Dun mo na lang kami puntahan mamaya.” Sabi ni Zia habang naka evil grin.
Ibinalik ko ang tingin ko sa saleslady na nakangiti pa rin sa’kin.
“Tara miss sa loob, wag kang matakot. Mababait ang tao dito, hindi nangangain ng tao”
Pumasok kami sa pinaka entrance ng tindahan ng boyfriend. Hindi ganun kadami ang tao pero may mga nakikita pa din naman ako kahit papaano.
Puro babae yung mga nag-uuli sa loob.
Madami sa kanila eh hindi kaaya aya ang itsura. In short, pangit. Hindi nakasalo ng kagandahan nung nagsaboy si God.
Nagsimula na kong maglakad para makita ko ang mga lalaking sinasabi nilang pwedeng bilhin.
“Ms, kailangan mo ng boyfriend? Meron pang available dito.. For Sale pa din sya.”
Napatingin ako sa babaeng nagsalita malapit sa’kin. Seriously? Parang damit lang ang ipinagtitinda nila. Ganito ba talaga sa shop na toh?!!
“Ano bang tipo miss sa isang lalaki? Meron kami nyan dito.. Halika! Pasok ka sa store namin”
Ang sabi pa nung isang babae sa isang stall. Hinawakan nya ko sa braso tsaka hinila papasok sa stall nya.
Hindi ko alam kung bakit pero hindi ko na sya napigilan para hilahin ako sa loob. Anong klase bang tindahan tong kinalalagyan ko ngayon. Panaginip lang ba lahat ng toh?
Kakaiba kasi ee. First time lang akong nakakita na isang boyfriend ang ipinagbebenta.
Pag bumili ba ko dito eh nasisigurado nilang magiging akin lang sya?
“Oh ano miss? Ano bang gusto mong boyfriend, Gwapo? Macho? Matalino? Magaling sa kama? Gentleman? Ano miss? Sabihin mo lang sa’kin..”
Kinakabahan ako sa nangyayaring toh.
Bakit ba ko napunta sa lugar na toh? Tama ba tong gagawin ko?
Argh. For the sake of money, I’m being desperate to have a boyfriend. Like DUH~
“Wag kang mag-alala miss, magiging sulit ang bayad mo.”
“P-pero..”
Another thing. Magkano ba tong mga lalaking toh?
“Bili ka na, tara! Madami kang pagpipilian..”
Tama sana tong pagpasok ko sa tindahang toh.
Teka nga.. bakit ba nandito ko?
Dahil gusto kong maranasan ang magkaron ng isang boyfriend? Dahil ayoko ng mag isa? Dahil gusto ko ng makakasama? HINDI. DAHIL SA MANA.
Napa buntong hininga na lang ako.
Tumingin ako sa sales lady na ngayon ay nakangiti sa’kin ng pagkalapad lapad.
“Oh ano po Mam? Nakapag decide na po ba kayo?”
Huminga ako ng malalim tsaka tumingin sa kanyang mata..
“Dalhin mo ko sa section ng store nyo kung nasan ang mga lalaking magbibigay sa’kin ng saya.”
Sinuklian nya ako ng isang ngiti at sinabing sundan ko sya. This is it! Ito na talaga.
“Dito po Mam, pumili na lang po kayo. Tsaka natin pag-uusapan kung magkano ang presyo.”
Pumasok kami dito sa isang kwarto kung saan puro lalaki ang makikita mo. Nakangiti lang sila sa akin at tinitignan ang bawat galaw ko. Inisa isa ko silang tinignan at sinuri ang mga katawan este, itsura. Kayo naman!
Lahat sila gwapo.
Lahat sila mukhang mapagkakatiwalaan.
Lahat sila mukhang mapapakinabangan.
Pero sino dapat sa kanila?
“Hi Miss! Bilhin mo na ko, sasaya ka sa’kin~”
Sabi nung kamukha ni Daniel Padilla. Pwe! Di ko type, masyadong payat.
“Miss, bilhin mo lang ako, puso ko’t katawan ko, iyong iyo~”
Napatingin naman ako sa lalaking nagsabi nun, nakasando lang sya at kitang kita sa katawan nya ang tinatago nyang pandesal. Ayoko pa din. Hindi ko sya type, baka masapak ako neto, pihadong tulog ako.
“Hey Sexy Lady, try me and you’ll be happy..”
Happy happy ka dyan?! Kay senator enrile na lang ako noh!
Mukhang manyak yung pagkakasabi nila pero in a good way naman nila ito sinabi. Nakangiti nga ako habang pinapanood sila. Minsan lang pagkaguluhan ng mga lalaking gwapo noh! Hihihi. Pakiramdam ko tuloy, sobrang gorgeous ko.
Napatingin ako sa mga nakasulat sa damit nila. Duon pala nakasulat kung anong uri ng lalaki sila.
Merong Gangster, Cassanova, Jerk, p*****t, Genius, Gentleman, Sporty, Hunk, Artista, Delinquent, Vocalist, Dancer, Weird, Ice Prince, Artist, Baby Maker, Playboy, Prince Charming, at Heart fixer.
Hala! Kung alam ko lang na may ganito pala sa pinas, edi sana matagal na kong bumili ng isang Genius para tuturuan ako palagi sa mga homework ko, o kaya naman artista para kahit isang beses lang eh lumabas ako sa tv. Pwede din naman ang playboy para papaiyakin nya ko tapos bibili naman ako ng Heart Fixer para naman may spice yung life ko.
Nagulat na lang ako ng may lumapit sa’king lalaki, matangkad ito kaya medyo tumingala ako.
“Bilhin mo ko.”
Napatingin ako sa t shirt nya na may nakatatak na, BOYFRIEND: FOR SALE.
Wala man lang description? Baka naman manyak toh kaya walang nakalagay?
“At bakit naman kita bibilhin? Hah? Aber?”
“Tsk! Tinatanong pa ba yun? Basta bilhin mo na lang ako..”
“Ayoko nga. Yung gentleman ang gusto ko, hindi ikaw. Tsupi! Tsupi! Shoo! Shoo!”
“STUPID.” Tsaka naglakad paalis.
Aba’t sumusobra na sya hah! Ako? Stupid? Excuse me lang hah, mula nung High School, hindi na ko nawala sa honor roll tapos sasabihan nya ko ng stupid? How dare he!!!
May kumulbit sa likod ko kaya naman tinignan ko ito.
Yung saleslady lang pala! Akala ko naman isang gwapong nilalang. Tsk! Mukhang mag eenjoy ako sa tindahang to ah!
“May napili na po ba kayo Mam?”
“Wala pa ee. Hindi ko pa din kasi alam kung magkano yung mapipili ko. Pwede bang alamin ko muna kung magkano?”
“Ah sige po mam, tara po sa price section!”
Umalis kami sa kinatatayuan namin at pumasok sa isang kwarto na punong puno ng computers.
“I scroll down nyo na lang po yan Mam para malaman nyo kung magkano ang presyo ng bawat isa sa kanila”
Nginitian ko na lang sya bilang sagot.
Umupo ako sa pinakadulong upuan para hindi nakakahiya pag may pumasok. Hinawakan ko ang mouse at tsaka sinimulang ibaba para makita ko ang price ng bawat isa sa kanila.
Napanganga ako sa presyo ng ‘MOST IDEAL BOYFRIEND OF THE MONTH”
$250,000 lang naman. San naman kaya ako kukuha ng ganun kalaking kahalaga! Take note, dollar pa! Baka naman hindi pa ko makabili kahit isa dito. Kainis naman.
Tinignan ko ang itsura ng lalaking ipinagbebenta ng tindahang toh at tinanghal na Most Ideal Boyfriend. Kulang pa ang word na gwapo para idescribe sya, naka pang americana sya sa 1st picture nya at swimming wear sa ikalawa. Grabe! Sobrang hot pa! Sayang toh! Yung ilong, ang tangos tangos. Yung lips, mas mapula pa sa labi ko. kaloka naman tong lalaking toh. May 6 pack abs pa. San ka pa?!!
Muli kong ini-scroll ang web page at nanlalaki lang ang mga mata ko sa presyo.
$45,000 dollars yung ikalawa sa pinakalast.
Nakakainis naman toh!
Last page na ng website nila at wala pang kayang bilhin ang budget ko. Sa last click ko na toh, sana kayanin na ng ipon ko.
Grabe naman kasi! Ang mahal pala dito.
Clinick ko ang last page at lumabas ang picture nung lalaking nagsabi sa’kin na bilhin ko sya. Gosh! Napatingin ako sa price at wow lang. Insert the sarcasm tone. Sya lang yung kaya kong bilhin.
$5,000 lang sya.
So, pag kinonvert sya into peso, mahigit kumulang 200,000 pesos ang mawawala sa bank account ko.
Sya na ba ang bibilhin ko?