Hindi pala si Emman ang lalaking nakasayaw ko kanina at kaharap ko ngayon.Akala ko talaga siya dahil sa pangagatawan niya .Nagkasakit kaya si sir Patrick bakit ang laki ng pinayat niya?. Ang payat niya kumpara noong nakaraang buwan.
"Ganyan kana ba kadesperada Leah ? !" panimula niya
"Wala namang masama sa pagconfess ng feelings , at tsaka ano ba pakialam mo?!" nainis na ako sa kanya.Dinala niya ako rito para lang pagsabihang desperada.
"So totoo lahat ng narinig ko ? Namiss mo ang pinsan ko at mahal na mahal mo? " .
"Oo anong masama don SIR PATRICK? " diniin ko talaga ang pagkasabi
"Hindi ka ba nahiya sa sarili mo MS DELOS SANTOS ?"
"Bakit naman ako mahiya? Dahil ba hindi ako nababagay sa pamilya niyo? Ganon ba SIR PATRICK? O dahil babae ako at ako pa ang unang nagsabi ng naramdaman ko sa isang lalaki? Hindi naman ako umaasang mahalin rin ng pinsan mo eh , ang sa akin lang nasabi ko ang totoo , yon lang at kung hindi niya ako gusto ayos lang sa akin. Ang mahalaga nagpakakatotoo ako sa naramdaman ko !"
Natahimik siya .
"Dinala mo ba ako rito para lang pagsabihang desperada ? Kung ganon pwede na ba akong makaalis SIR? "
"Hindi !" singhal niya
"Bakit? Akala ko ayaw mo na ako makita pa. Malas mo talaga sir Patrick at hindi mo ako nakilala kaya ako pa ang naisayaw mo. "ngisi ko
Natahimik siya .
"Aalis na ako" at dali dali akong pumunta sa pintuan .
"Layuan mo ang pinsan ko Leah!" .pahabol niya kaya napahinto ako at hinarap siya ulit.
"Sa anong rason?" tanong ko
" Dahil ayaw ko ".
"Yon lang ? Dahil lang sa ayaw mo.? "
Hindi siya sumagot
"Ang totoo medyo matagal ko na ring iniiwasan si Emman dahil takot ako na magalit ka pero wala naman siyang kasalanan eh at isa siya sa malapit na kaibigan ko , kaya sana sir huwag mo na pakialaman ang pagkakaibigan namin. "
Tumalikod na ako sa kanya at tinungo ulit ang pintuan. Ngunit mabilis niya akong hinatak at ikinulong sa kanyang mga bisig .Sa ngayon wala na siyang suot na maskara.Dahil sa sinag ng buwan sa bintana kaya kahit patay ang ilaw makikita ko pa rin ang kanyang gwapong mukha .Dahan dahan niyang inalis ang aking maskara .Hindi ko maintindihan ang naramdaman ko .Hindi ako makakilos at nagmistulang paralisado.
Tinitigan niya ako sa mukha .Hinahawakan niya ang aking mga labi at unti unting inilapit ang kanyang mukha .Dilat na dilat ang aking mga mata nang dumampi na ang kanyang malambot na labi sa nakaawang labi ko dahil sa pagkabigla .