Episode 9

821 Words
May gaganaping masquerade ball mamayang gabi kaya nagpaalam na ako kay Ethan na hindi muna ako papasok . Mga isang buwan na ring ako nagtatrabaho sa kanyang bar bilang waitress kasama si Hannah . Tuwing weekends lang ako nagpapartime roon. Ayaw ko sanang umattend sa gaganaping ball dahil wala naman akong gagamiting damit kaso hindi raw puwede. Mabuti nalang pinahiram ako ni Hannah . "Oy mga beshy nabalitaan niyo ba ? Si sir Patrick ay sasali rin daw sa ball! " tili ng isang empleyado "Sana maisayaw ako ni sir Patrick o kaya ni sir Emman pareho naman silang hot at pogi !" dagdag pa ng isa "Excited na talaga ako!" "oy asa naman kayo? baka may mga girlfriend na ang mga yon" .saway ng isa " Bakit masama ba ang umasa?! " cheee!! epal mo !!" Napangiti nalang ako sa mga narinig ko . Marami talagang may crush kay sir Patrick at Emmanuel dito sa company .Lahat yata ng mga single ay umaasang sila ang magustuhan ng dalawa .Kahit nga ang may mga asawa na ay parang mga lintang nilagyan ng asin pagnakita ang magpinsan. Mga isang buwan na ring hindi kami nagkita ni sir Patrick at ni Emman . Todo iwas kasi ako sa kanilang dalawa .Ang totoo namiss ko si Emman , namiss ko ang pagpatawa niya sa akin.Wala naman sana siyang kasalanan sa akin eh kaso ayaw ko na magpakita pa at baka magalit naman si sir Patrick . Ngayong gabi na magaganap ang ball .Suot ang maskara at kulay pulang backless na damit ay sigurado akong hindi ako makilala ng karamihan .Mas lalo rin akong tumangkad sa suot kong pulang high heels.Lumalabas rin ang aking cleavage kaya makikita ang aking birthmark sa taas ng aking kaliwang dibdib. Tama si Hannah na pagtitinginan ako ngayon ng karamihan dahil sa suot kong damit na humuhubog sa aking katawan . Naririnig ko pa sa mga madaanan ko ang mga katanungang " sino siya?" .Kahit nga ang mga malapit kong kaibigan ay hindi nila ako nakilala.Narinig ko pa ang usapan nila tungkol sa akin. Akala nila hindi ako dumalo ngayon. Red and black ang theme. Maganda ang combination ng mga lights .Medyo maingay na rin ang tugtog at marami na ang umiinom at sumasayaw sa gitna . Umupo nalang muna ako sa gilid at humingi ng drinks sa bartender.Nakita ko pa si Margarette at iba kong kasamahang masayang sumasayaw at nagtatawanan .Panay sulyap nila sa kinaroroonan ko . Nagtataka sila siguro kung sino ako.Mabuti nga kung ganon na kahit ang mga malapit kong kaibigan ay hindi ako nakilala kaya sigurado akong hindi rin ako makilala ni sir Patrick at Emman. Hindi ko namalayan naparami na pala ang nainom ko .Naramdaman ko na ang pag init ng aking katawan . Umiikot na rin ang aking paningin , nalasing siguro ako dahil hindi ako sanay sa alak at ang totoo first time kong uminom ngayon. Biglang huminto ang masayang pagsayaw nang tumugtog ang sweet music . Nakita ko ang paglapit ng isang lalaki sa kinaroonan ko . "Hi miss" bati niya Tiningnan ko lang siya "Btw Im Jade Salvacion " You are ?" tanong niya "Leah" pakilala ko "Ms Leah puwede ba kitang maisayaw?" Nang akma na akong tatayo ay may biglang tumawag kay Jade kaya napalingon ito at siya ring mabilis na paghawak ng isang lalaki sa kamay ko at dinala ako sa gitna upang maisayaw. Hindi nagsasalita ang lalaki kaya nagtataka ako kung sino ba itong kasayaw ko ngayon. Pilit ko siyang tinitigan sa mata , parang si sir Patrick o Emman , tiningan ko naman ang buhok , sunod naman ang pangangatawan , medyo payatin ang kasayaw ko kaya si Emmanuel Rodriguez ang lalaking ito .Imposible namang isayaw ako ni sir Patrick . "Emman?" tanong ko, gusto ko sanang marinig ang boses niya para masiguradong si Emman talaga ang lalaking ito ngunit hindi parin siya sumasagot. "Imposible namang isayaw ka ni Patrick Leah" bulong ko sa sarili. Kaya sigurado na akong si Emman talaga ito base sa pangagatawan at mata. " Emman , I miss you " niyakap ko siya ng mahigpit " Galit ka rin ba sa akin ? Bakit hindi mo ako kinakausap ? " "Alam mo namiss ko na ang mga pagpatawa mo sa akin .Sorry kung hindi kita pinapansin natakot kasi ako sa supladong pinsan mo baka magalit na naman" . Hindi parin siya umiimik. "Emman alam mo ba mahal kita.Matagal na" .hindi ko na namalayan ang mga salitang lumalabas sa bibig ko dahil sa kalasingan . Nagulat ako ng bigla niya akong hinatak palayo . "Emman saan mo ako dadalhin?" Bakit parang galit na galit ka ? Okay rin lang naman sa akin kung hindi mo ako mahal , huwag kana magalit" Dinala niya ako sa isang madilim na silid at linock ang pinto . "Emman , ano gagawin mo sa akin? " Please huwag" . "Shut up Leah!!!" sigaw niya "Sir Patrick ?!!!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD