Episode 8

1377 Words
Leah POV " f**k!!!" malakas na sigaw ni sir Patrick Unti unting pumatak ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan "Ngayon iiyak ka? Diba dapat masaya ka dahil pinagbigyan na nga kita eh , bakit kulang pa ba?" ngisi niya Lalo akong napahikbi . "Ikaw ang may gusto sa nangyari Leah kaya huwag ka na mag inarte pa riyan .Ayusin mo na sarili mo at lumabas ka na rito". Inayos ko ang buhok ko at pinunasan ang aking mga luha . "Simula bukas ayaw ko na makita yang pagmumukha mo " . "Please huwag mo naman akong sesantehen sir Patrick" .pagmamakaawa ko "Bakit sinabi ko bang hindi ka na puwedeng magtrabaho rito ?Hindi mo pa nabayaran ang utang mo Leah kaya hindi kita puwedeng sesantehen . Ayaw ko lang makita yang pagmumukha mo kaya simula bukas si Margarette na ang papalit sa puwesto mo !" "Bakit sir ano ba ang kasalanan ko sayo? " "Inaakit mo ako , diba sinabi ko na sayo na ayaw ko sa sekretaryang MALANDI?" diin niya Inipon ko naman ang aking lakas para bigyan sana siya ng isang napalakas na sampal ngunit mabilis niyang nahawakan ang kamay ko . " Sasampalin mo naman ako?! hahahahaah , bakit hindi ba totoo ang sinabi ko ? " ngisi niya "Walang hiya ka !! !! " sigaw ko habang umiiyak .Sobra na akong nasaktan sa mga sinabi niya . "Huwag mong sabihin sa akin yan Leah dahil una una ikaw ang pumasok rito para halikan ako , so sino ngayon sa ating dalawa ang walang hiya?? Ano ba ang plano mo ? Mahulog ako sa bitag mo ? yan ba? Pwes hindi ko na hahayaang mangyari yon Leah.Dahil ayaw ko ng babaeng pinagsawaan na ng iba !!" "Ano?! , ? Ano ba pinagsasabi mo ?" "Nagmamaangan kapa Ms Delos Santos , kilala na kita" ngisi niya "Sir hindi kita maintindihan !" Ano ba ang kasalanan ko at ganyan ka na sa akin ? Ano ba ang nagawa ko sayo ? " Hindi nya sinasagot ang mga tanong ko.Hindi ko na siya maintindihan .Ano ba ang nagawa ko sa kanya para ganon nalang ang galit niya sa akin. Akala ko mabuting tao siya , akala lang pala . Patuloy pa rin ako sa pag iyak . "Sige sir mauna na ako. Sorry hindi ko napigilan ang sarili ko kaya nahalikan kita kanina at kasalanan ko rin naman kung bakit nangyari yon. Pangako gagawin ko ang lahat para hindi mo na ako makita rito sa building mo .Hindi ko tatakbuhan ang utang ko sayo magtatrabaho pa rin ako ng libre rito hanggang mabayaran ko yon ng buo. Paalam sir Patrick" . umagos na ang luha sa aking mga mata . Hindi ko na nagawang ipagtanggol ang sarili ko .Hindi ko na rin kailangang linisin pa ang pangalan ko .Kung sa tingin niya isang malnding babaeng at pinagsasawaan ng iba si Leah Delos Santos doon siya nagkakamali.Bahala siya kung ano ang tingin niya sa akin basta alam ko sa sarili ko ang totoo . Hindi ko na hinintay ang sagot niya .Lumabas na ako sa opisina at sumakay sa elevator. Nang makarating na ako sa baba ay doon ko lang nalamang napakalakas pala ng ulan. Wala akong dalang payong at gabi na rin at punuan na ang mga jeep , siguradong mahihirapan akong makasakay . Basang basa na ako ngayon .Nagtyaga akong mag abang ng jeep .Nakita kong dumaan ang sasakyan ni sir Patrick sa harapan ko ngunit hindi manlang siya naawa sa kalagayan ko .Hindi siya nag abalang pasakayin ako . Mayamaya pa ay may bakanteng jeep na dumaan kaya nakasakay na rin ako . Basang basa ako nang makarating sa aking inuupahan .Naligo agad ako at naghanda na ng hapunan .Alas nuwebe na ng gabi kaya nakaramdam na rin ako ng gutom. Pagkatapos maglipit ay humiga na ako sa kama.Hindi ko pa rin mapigilan ang pag iyak .Sobra talaga akong nasaktan kanina . Hanggang nakatulog na ako sa sobrang pag iyak . Kinaumagahan ... "Leah ano na? bakit naman ipinagpalit pa tayo.?" tanong ni Margarette Hanggang ngayon naguguluhan pa rin siya sa nangyari " Hindi ko alam marg , baka ayaw sa akin ni sir Patrick " tanging nasagot " Kakainis naman eh , masaya na sana ako sa trabaho ko Leah eh , okay lang sana na paminsan minsan lang ako doon kapag wala ka , pero ngayon araw araw na ako sa 4th floor .Ang boring doon Leah.Ang suplado pa naman ni sir Patrick" .pinapdyak niya na ang kanyang paa sa sobrang inis "Sorry Marg , kay sir Patrick desisyon yan, wala na tayong magawa" .ang sabi ko habang nakayuko.Nahiya ako kay Margarette dahil sa ginawa ko kaya ito ang nangyari . Nagpaalam na siya sa akin .Aakyat na siya sa 4th floor. Ako naman ay itetrain ng isang kasama niya . Alas tres na ng hapon at nakaramdam ako ng antok at dahil break time naman , pumunta ako ng canteen para bumili ng kape . Bumalik ako sa opisina bitbit ang isang tasang kape nang biglang may nabangga akong matigas na bagay. Hindi ko namalayan na may nakasalubong pala akong tao dahil sa lalim ng aking iniisip . "f**k!!!!" sigaw niya "Ay sorry ,sorry !! hindi ko po sinasadya" tarantang sabi ko habang pinapahiran ang kanyang polong natalsikan ng kape "s**t ! Kahit kailan ang tanga tanga mo!" isang pamilyar na boses ang narinig ko kaya tiningnan ko siya sa mukha at laking gulat ko na si sir Patrick pala ang lalaking nabangga ko . Nakasalubong ang kanyang mga kilay at makita sa kanyang mga mata ang matinding galit "Sorry talaga sir Patrick Hindi ko po sinasadya" .halos mapaluhod na ako sa harapan niya "Sa susunod tumingin ka sa dinadaanan mo naintindihan mo!? Ayaw ko ng isang tanga dito sa kompanya ko!" sigaw niya. pinagtinginan na ako ng ibang empleyado ngayon .Sinasabihan niya akong tanga sa harap ng maraming tao.Halos matunaw na ako sa hiya . "Sorry sir" .tumulo na ang luha ko . "Ms Delos Santos , please get out of my sight!" .sigaw niya Kaya dali dali akong tumayo at patakbong pumunta sa comfort room at doon ko ibinuhos ang mga luhang kanina pa gustong lumabas sa mga mata ko . Pagkatapos ng halos kalahating oras na pag iyak bumalik ako sa aking mesa .Pinagtitinginan pa rin ako ng mga empleyadong madaanan ko . " Kakayanin ko to " .bulong ko sa sarili habang pinupunasan ang mga naiwang luha sa aking pisngi Kailangan ko pang bayaran ang perang nautang ko sa kanya kaya wala akong magawa kahit gusto ko nang umalis rito.Natatakot naman akong takbuhan ang utang ko dahil ang sabi niya ipapakulong niya ako pag ginawa ko iyon . Isang linggo na rin ang nakalipas .Mabuti nalang at hindi na ulit kami nagkita pa ni sir Patrick. Dahil alam ko ang oras ng pagpasok at paglabas niya sa building na to kaya nagawa kong makaiwas sa kanya. Binago ko narin ang aking haircut at hairstyle .Sumusuot na rin ako ng fashionable eyeglasses at palaging nakamask .Binago ko rin ang aking pananamit para kung magkataong makasalubong ko siya hindi niya ako makilala at hindi siya mababadtrip. Araw ng sweldo ngayon kaya nagyayaan silang kumain sa labas . Nakita ko si Margarette na panay tingin sa kinaroroonan ko . " Hello Marg" nilapitan ko siya "Leah?!!! Anong nangyari sayo bakit ganyan ang mukha mo ? Nakaeyeglasses ka na nakamask kapa!" Para ka nang ewan ! " at natawa siya " Wala gusto ko lang ang ganitong porma" . "Sayang ang ganda mo gurl ! Alam mo kung ako ang may ganyang mukha , iflex ko talaga ng bonggang bongga " . Natahimik nalang ako " Tara sama ka sa amin Leah, kain tayo sa labas minsan lang naman to." yaya niya " Ai sa susunod nalang ako may pupuntahan akong importante ngayon eh " pagdadahilan ko Ang totoo wala talaga akong pera.Wala daw akong natanggap na ni pisong sweldo dahil ipinakaltas daw lahat yon ni sir Patrick. Wala talaga siyang puso.Hindi manlang siya naawa sa akin na kahit pambili ng pagkain wala siyang may tinira. Tatawagan ko mamaya si Hannah baka pwede akong magpart time don sa bar ni Ethan bilang isang waitress para may pagkukunan ako ng panggastos araw araw.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD