Episode 15

1208 Words
PATRICK POV Kinapa ko sa tabi ko si Leah ngunit wala na siya kaya mabilis akong bumangon .Inilibot ko ang aking paningin sa buong silid ngunit hindi ko siya matagpuan .Mabilis kong tinungo ang banyo nagbabasakaling baka nandon lang siya ngunit bigo ako kaya bumalik nalang ako at umupo sa kama .Nadapo ang aking tingin sa naiwang mantsa ng dugo sa puting bedsheet .Napamura ako " Shiit ! Virgin si Leah ! Ang laking pagkagago mo Patrick ! "sigaw ko sa aking sarili Ibig sabihin hindi totoong may relasyon sila ni Ethan.Hindi totoong s*x slave siya .Pero bakit nandon siya sa bar ni Ethan at bakit nakita ko rin si Ethan sa inuupahan niya ? Gulong gulo ang isipan ko ngayon , maraming katanungang tanging si Leah at Ethan lang ang makakasagot. Kung sana tinanong ko na sa kanila noon pa hindi na sana umabot pa sa ganito . Nang akma na akong tatayo nasagi ng aking kamay ang nakatiklop na papel kaya mabilis kong binuklat at binasa kung ano ang nakasulat "Sir Patrick Sa oras na mabasa mo na ang sulat na ito ay wala na ako sa tabi mo . Sir kahit sinaktan mo ako ng sobrang sobra labis pa rin akong nagpapasalamat sayo .Dahil kung hindi kita nakilala siguro wala na akong tatay ngayon. Salamat sa isang linggong pagparamdam mo sa akin ng iyong pagmamahal kahit peke man yon .Alam mo bang labis ang saya ko sa loob ng isang linggong yon? Sir Patrick ikaw ang lalaking una kong minahal .Alam mo ba nong umalis ka na hindi nagpaalam sa akin labis akong nasaktan , hindi ako makatulog kakaisip sayo sir .Araw araw kong hinihintay ang pagbalik mo .Masaya ako noong nalaman kung bumalik kana kaya halos paliparin ko ang elevator para makarating agad sa opisina mo .Alam mo ba sa araw na yon gusto sana kitang yakapin ng mahigpit kahit nagtatampo man ako sa ginawa mo ay miss na miss kita non.Ngunit hindi ko na nagawa yon dahil may kasama ka na palang iba .Siya pala ang tunay mong girlfriend at hindi pala ako .Laking tanga ko sir Patrick! Hindi ko alam kung bakit sa pagbalik mo ay diring diring ka na sa akin .Gusto kitang tanungin ngunit hindi mo ako binigyan ng pagkakataon .Iniwan mo ako sa ere sir. Pero ngayon siguro napatunayan ko na sayo na malinis akong babae . Ito ang tandaan mo sir Patrick kahit minsan hindi kita niloko. Sa pag alis ko iiwan ko rito ang mga masasakit na alaala.Kakalimutan na kita ,ituturing kong isang masamang panaginip lang ang nangyari .Tanggap ko na hindi mo ako mahal sir at hindi mo rin ako naging girlfriend. Panaginip lang yon lahat. Pasensya na napahaba na ang aking sulat .Marami pa sana akong sasabihin ngunit alam kong hindi naman yon importante sayo . Kung magkikita man tayo muli siguro pareho na tayong masaya sa piling ng ating minamahal. Paalam sir Patrick LEAH DELOS SANTOS " Shiit !" mura ko at sinipa ang gilid ng kama " Ang gago ko ! sinaktan ko ang babaeng mahal ko at walang ginawa kundi mahalin ako ng tunay!" Hindi ko namalayan tumulo ang aking mga luha .Oo lalaki ako pero umiiyak ako ngayon . Kung puwede lang ibalik ang lahat . Pupuntahan ko ngayon si Leah sa inuupahan niya . " Ay naku iho wala na si Leah rito umalis na " kausap ko ngayon ang matandang nagmamay ari ng bahay na inuupahan ni Leah " Saan daw po pupunta Lola?" tanong ko sa kanya " Hindi ko alam , baka umuwi na sa kanilang probinsya " . " Sige Lola .Maraming salamat po Aalis na po ako " paalam ko sa matanda . Wala na daw ang mga gamit ni Leah .Kailangan ko siyang hanapin. Puntahan ko siya sa kanilang probinsya bukas ng umaga . Kakaalis ko lang sa kanila ngunit hindi daw umuwi si Leah .Saan kaya siya pumunta .? Hindi kaya umalis ng bansa.? " Leo puwede mo bang ipacheck kung may pasaherong "Leah Delos Santos"na umalis ng bansa ?" .utos ko kay Leo, isa sa taong maasahan ko pagdating sa pag imbestiga " Okay sir ". " Pakibilisan mo Leo ,iupdate mo ako agad pag may balita ka na .Alamin mo rin kung saang bansa siya pumunta". Tatlong araw na pero wala parin akong update mula kay Leo " Leo ano na ? May balita na ba?" " Kwaan sir oo tatawagan na rin sana kita" " Ano ? Saan siya pumunta ?" " Sa Amerika ang destinasyon niya sir at may kasama daw siyang isang babae noong umalis siya nangangalang Hannah Jane Alegre". " Okay thank you ". Binaba ko na ang tawag. Sa linggo puntahan ko si Leah sa America .Hahanapin ko siya kahit saang sulok man siya ng bansa .Nandoon si Emman , hihingi ako ng tulong sa kanya .Marami siyang connection roon upang mas mapabilis ang paghanap ko kay Leah . Nandito na ako ngayon sa America .Dumiretso na ako sa bahay ni Emman .Pagbukas ko ng pinto ay tumambad sa aking harapan si Leah at Emman na nakaupo sa sofa habang masayang nagtatawanan.Nandito si Leah? Bakit sila magkasama ng pinsan ko ? Nagulat sila ng makita akong pumasok . " Kuya Patrick bakit ka nandito?" .tanong niya " Kukunin ko lang ang girlfriend ko Emman " seryosong sabi ko " Girlfriend? Sinong girlfriend? Diba nandoon sa Pilipinas sino nga yun Irish?" . " Girlfriend ko ang babaeng kasama mo ngayon Emmanuel". seryoso pa rin ako Tumawa siya . " Kuya hindi mo siya girlfriend , girlfriend ko si Leah .Nanaginip ka ba?" " No!! Girlfriend ko siya! kaya nandito ako para kunin siya sayo!" .lumapit ako sa kanila.Hindi ko inaasahang ganito pala ang madadatnan ko sa America " Girlfriend ka ba niya Leah ? Totoo ba?" tanong ni Emman kay Leah na kanina pa tahimik Umiling siya " Hindi Emman .Ikaw ang boyfriend ko at hindi ko siya naging boyfriend". sagot niya " No Leah!! , sabihin mo ang totoo na girlfriend kita ! " napasigaw na ako " Hindi kita boyfriend sir Patrick at never mo akong naging girlfriend". walang emosyon niyang sabi .Binabalik niya ngayon lahat ng sinabi ko sa kanya noon " So totoong boyfriend mo si Emmanuel?".tanong ko "Oo" . " Sa loob ng isang linggo naging kayo na agad? masyadong mabilis naman Leah". " Talaga ba sir Patrick , mabilis para sayo ang isang Linggo?" may panginsulto niyang tanong.Natahimik ako . " Please Leah sumama ka na sa akin, uuwi na tayo ng Pilipinas" " Masaya na kami kuya kaya please wag mo na kaming guluhin pa ." sabat ni Emman ngunit hindi ko siya pinansin " Leah please , bumalik ka na sa akin" .pagmamakaawa ko " Bakit naman ako sasama sayo ? Bayad na ako sa utang ko sayo sir Patrick kaya pabayaan mo na ako ". " Sorry sa lahat ng nagawa ko Leah" lumuhod na ako sa harapan niya " Umuwi ka na , sigurado akong hinihintay ka na roon ni Irish .At congrats pala sir sa darating niyong kasal " . Umiyak na ako sa harapan niya . "Leah patawarin mo ako " . Ngunit hindi niya na ako pinansin at tuluyan na niya akong tinalikuran .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD