Episode 16

1140 Words
PATRICK POV Umuwi ako ng Pilipinas na luhaan. Kahit anong gawin kong pagmamakaawa ay hindi sumama sa akin si Leah .Pinili niyang maiwan kay Emmanuel . Hindi ko na alam kung ano ang aking gagawin pagdating sa Pilipinas .Hinihintay raw ako ni Irish ngayon sa opisina ngunit ayaw ko muna siyang makita .Hindi ko mahal si Irish , si Leah ang totoong mahal ko .Diba ang gago ko? ! Dahil sa ginawa ko nasaktan ko si Leah at masasaktan ko rin si Irish . Dumiretso ako sa bar ni Ethan para doon ibuhos lahat ng sakit na naramdaman .Iinom ako ng alak buong magdamag . Pagpasok ko ay nadatnan ko siyang lasing na habang lumalagok ng alak . " Oh Patrick mabuti nandito ka , samahan mo akong uminom. Iinom tayo hanggang umaaaaga" .yaya niya sa akin ng makita akong papunta sa kinaroroonan niya " Ethan lasing ka na , sobrang dami na siguro ng nainom mo " . " Kailangan kong uminom Brod , dahil Gago ako ! tumawa siya ngunit naramdaman kong may iba sa likod ng tawa niya . " Bakit? Anong nangyari sayo?" nagtatakang tanong ko . " Iniwan ako ng babaeng mahal ko , pumunta ng America " panimula niya " Si Leah ba?" .tanong ko sa kanya at kumuha na rin ako ng alak at linagok . " No brod , ang bestfriend ni Leah , si Hannah. Iniwan niya ako ng walang paalam, sinundan ko siya ngunit kahit anong gawin kong pagmamakaawa sa kanyang bumalik sa akin , hindi siya sumama!" sunod sunod parin ang paglagok niya ng alak . "Teka teka , bakit kilala mo si Leah , ?".nagtatatakang tanong niya " Secretarya ko siya at iniwan niya rin ako kaya naparito rin ako para magpakalasing " . " Hahahaha ikaw pala ang boss niyang suplado raw, madamot at walang puso .Hindi ka raw naawa sa kanya kaya kahit piso hindi ka nag iwan sa sahod niya kaya napilitan siyang magtrabaho rito sa bar ko para may pangkain " sumbat niya sa akin . " Ano ?" Nagtatrabaho rito si Leah ?" .gulat kong tanong " Oo brod , naging waitress ko siya , bestfriend siya ni Hannah .Si Hannah, ang babaeng ginawa kong s*x slave , umaasang mahalin ko pero sinaktan ko lang siya ng paulit ulit kaya ayon iniwan ako .. Napakagago ko!" mapait niyang halakhak " Pareho tayong Gago Ethan!" at tumawa kami pareho kahit nasasaktan . " Cge uminom tayo ng uminom dahil GAGO tayo " uminom kami ni Ethan buong magdamag . " Patrick magbago ka na ganyan ka nalang ba palagi? Umuwi ka namang lasing !" si Dad nandito sya bahay para pagsabihan na naman ako . " Bukas nalang tayo mag usap Dad , matutulog na ako" .dumiretso na ako sa loob " Hintayin mo ako Patrick wag kang bastos!" sigaw niya kaya napahinto ako " Puwede ba Dad bukas nalang natin pag usapan to , " No !!! Ngayon tayo mag usap dahil alam kong bukas lasing ka na naman ! .Pinabayaan mo na ang kompanya Patrick ! Ano ba nangyari sayo ?!" .galit na galit na siya sa akin " Kung rason ng pagpakakalasing mo ay yung dating sekretarya mo , wala ka na magawa Patrick , dahil kahit magpakalasing kaman araw araw hindi na mabago ang katotohanang kasal na sila ni Emmanuel at may anak na silang dalawa!" Natahimik ako, hanggang ngayon hindi ko pa rin matanggap ang katotohanan " Kaya please magbago ka na anak ,ayusin mo na yang buhay mo ". Umiyak na naman ako . " Dad"niyakap ko siya " Tama na Patrick please maawa ka sa sarili mo " Tama si Dad wala na akong magawa pa .Nangyari na lahat at hindi na yon maibabalik pa .Halos mag isang taon ng nawala sa akin si Leah , masaya na siya ngayon kasama ang kanyang asawa at anak kaya kailangan ko na ring ayusin ang aking buhay. Habang abala ako sa opisina biglang nagring ang aking cellphone .Si dad ang tumatawag . " Dad ?" . " Patrick birthday ko na sa susunod na buwan" . " Oo dad , hindi ko yon kinakalimutan .Bakit ?"tanong ko " May handaan sa bahay , gusto ko nandoon kayong lahat sa birthday ko .Pati mga tito , tita at mga pinsan mo ". " Yun lang ba ? Siyempre dad pupunta ako sa birthday mo , miss ko na rin mga kapatid ko eh " . " Uuwi rin ang pinsan mong si Emmanuel anak " .balita niya " Ano?" .hindi ko maintindhan ang naramdaman ko ngayon " Kasama niya si Leah at ang kanilang tatlong taong gulang na anak siguro naman hindi yan maging rason para hindi ka pumunta Patrick ". " Handa na akong makita sila muli Dad.Pupunta ako sa birthday mo , Promise ko yan". pangako ko kay dad . " Thank you anak " . Ngayon na ang birthday ni Daddy.Maaga akong pumunta sa venue .Masayang masaya ang lahat . Halos lahat ng aming kamag anak ay dumalo sa party. Inilibot ko ang aking paningin sa paligid .Nakita ko si Leah at Emmanuel na nakaupo sa isang mesa kasama ang tatlong taong gulang nilang anak na lalaki. Mas lalong gumanda si Leah . Ang puti puti na niya ngayon at sobrang kinis pa. Napakagwapo rin ng kanilang anak .Kamukha ng bata si Emmanuel.Mata lang ang nakuha niya kay Leah .Kung hindi ko sana sinaktan si Leah ako sana ang sa puwesto ni Emmanuel ngayon . Biglang tumakbo ang bata para kunin ang maliit niyang bola na gumulong papunta sa kinaroonan ko kaya pinulot ko at ibinigay sa kanya. " Thank you " ngumiti siya sa akin . " Hi what's your name? " tanong ko sa kanya " Andrew po " marunong pala siya magtagalog " Ako nga pala si tito Patrick mo " pakilala ko sa kanya " Nice meeting you tito Patrick .You look like my Dad" ngumiti ulit siya sa akin " Mas gwapo ako sa dad mo Andrew ".tumawa ako kaya napatawa na rin siya " Tito patrick pwede po bang magtanong?" " Ano yon Andrew ?" . " Basta secret lang natin ha , baka magalit na naman sa akin si Mommy . Promise?" . "Promise."Napangiti ako , ang cute ng batang ito. " Tito Patrick puwede po bang dalawa ang daddy ?" .seryosong tanong niya " Ano ? What do you mean? " .nagtatakang tanong ko " Narinig ko po kasi sa usapan ni Mommy at tita Hannah na may isa pa akong daddy." . " Isa lang dapat ang daddy Andrew hindi puwedeng dalawa". " Ganon po ba , bakit sa narinig ko may daddy rin ako dito sa Pilipinas" . " Ano?" .nagulat ako sa narinig mula sa bata " Andrew !!" .tawag ni Leah kaya napatingin kaming dalawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD