LEAH POV
Nakita ko si Andrew na kausap si sir Patrick kaya agad ko siyang tinawag.
“ Andrew !” .napalingon silang dalawa
“ Mommy kausap ko lang si tito Patrick” ngumiti sa akin ang anak ko
“ Say babye na kay tito mo Patrick babalik na tayo kay Daddy mo .”
“ Bye tito Patrick, ang sekret natin ha “
“ Bye Andrew”nginitian niya si Andrew at tumingin siya sa akin .
Titig na tiitig siya sa akin na parang may gusto itanong kaya nginitian ko nalang siya.
" Nice meeting you again sir Patrick " .bati ko sa kanya.
Tanging ngiti lang ang sinagot niya sa akin kaya nagpaalam na kami ni Andrew at bumalik sa aming mesa .
Habang pabalik na sa upuan ay tinanong ko si Andrew tungkol sa sinasabing secret daw nila ni Patrick.
“ Secret nga po mommy .Diba ikaw na po nagsabi na pagsecret ay bawal sabihin “.
Ang talino ng batang to, kahit anong tanong ko ay hindi niya daw sasabihin dahil secret daw nila yon .
Malapit na matapos ang party. Pinuntahan namin ang birthday celebrant at nandoon din pala sa tabi niya si sir Patrick .
“ Happy birthday po ulit tito Elfred !” bati ni Emmanuel
“ Happy birthday sir” bati ko rin sa kanya
“ Naku iha , asawa ka na ng pamangkin ko kaya wag ka ng mag sir, tito nalang “ .
“ Okay po , tito “ nginitian ko siya
Tahimik pa rin si sir Patrick sa kanyang tabi .
“ Kuya, long time no see ! “ lumapit sa kanya si Emman at niyakap siya .Ngunit seryoso pa rin ang kanyang mukha .
Kaya nagtinginginan nalang kaming tatlo .
“ Sus ang apo ko , napakagwapo mana talaga sa lolo” . niyakap ni tito Elfred si Andrew
“ Tingnan mo Patrick ,Rodriguez na Rodriguez talaga ang pagmumukha , sus ang gwapong bata!” .kaya napatawa nalang kami ni Emmanuel samantalang seryoso parin ang kanyang mukha
“ Bilis bilisan mo na Patrick , matanda na ako at gusto ko na rin magka apo ng katulad nito .Siguradong gwapo rin ang maging apo ko sa iyo” .
Totoo ba ang narinig ko , wala pang anak si sir Patrick ?
“ Magpakasal na kayo ni Irish at bigyan niyo na ako ng Apo” dagdag pa niya
Hanggang ngayon hindi pa pala sila kasal.
“ Kailan ang kasal mo kuya?” .seryosong tanong ni Emmanuel
“ Sa susunod pa na buwan “ .walang modong sagot niya .Hanggang ngayon galit pa rin siya sa pinsan niya
“ Galit ka pa rin ba sa akin kuya?”
“ No.” Tipid niyang sagot
Natahimik kaming lahat sa inasal ni sir .
" Ay siya nga aalis pa pala ako " pag iiba ni Emman ng usapan.
“ Iiwan ko muna kayo dito Leah ha , Andrew wag kang magpasaway kay mommy .”
" Opo daddy " .sagot ni Andrew
" Kuya , tito ,aalis muna ako kukunin ko lang ang mga gamit namin sa hotel " paalam niya ngunit parang wala lang narinig si sir Patrick
" Mag ingat ka iho " .
Iniwan muna kami ni Emman, kukunin niya ang aming mga gamit sa hotel at doon na daw kami dederetso sa bagong bili niyang bahay na tanging siya lang nakakaalam kung saan .Hindi niya kasi sinabi sa akin at pasurpresa niya daw .Nasa america na rin kasi ang mga parents niya kaya naibenta na ang kanilang bahay dito sa Maynila .
NATAPOS na ang Party at halos lahat ng mga bisita ay umuwi na pero hindi parin nakabalik si Emmanuel .Mag alas onse na ng gabi ngunit wala pa siya .Antok na antok na si Andrew sa katunayan nakatulog na siya sa balikat ko .
Biglang may tumawag sa numero ko isang “unknown number “.bat bigla akong kinabahan
" Hello ?"
“ Hello maam, asawa po ba kayo ni sir Emmanuel Rodriguez,?"
" Bakit po? " pagtatakang tanong ko
“ Maam si sir Emmanuel Rodriguez po , naaksidente at sinugod namin sya sa ospital .”
“ Ano !!??” napasigaw ako kaya napatingin sa akin ang lahat ng taong nasa paligid ko .
“ Nabangga po ang kotse niya at natagpuan namin siyang duguan , isend ko sayo ang pangalan ng ospital na pinagdalhan namin “
“ Sige po , hintayin ko ang text niyo .Maraming salamat po.”
Pagbaba ko ng tawag ay umiyak ako ng umiyak kaya pumunta sa kinaroroonan ko si sir Patrick at ang ama nito .
“ Iha anong nangyari ?” .nagtatakang tanong niya
“ Tito naaksidente si Emmanuel. Kailangan ko siyang puntahan ngayon sa ospital! .” humagolgol na ako sa iyak .
" Ano ?!!! " napasigaw si Tito Elfred sa narinig .
" Opo tito, kaya kailangan ko siyang puntahan ngayon, tinext na sa akin ang pangalan ng opsital kung saan siya dinala" .
“ Maging maayos din ang lahat iha, dito ka nalang kami ng mga pinsan niya ang pupunta sa kanya .Kailangan ka ng anak mo dito “ .
“ Ikaw Patrick , ikaw na bahala kay Leah at Andrew .Dito mo nalang sila patulugin sa bahay “
“ Masyadong marami na kayo dito Dad nandito rin kina tita mas mabuti siguro kung dadalhin ko nalang sila sa bahay ko maraming bakanteng kwarto roon “
“ IKAW bahala Patrick aalis na kami “ .
Nabahala na ang lahat sa nangyari kay Emman .Samantalang patuloy pa rin ako sa pag iyak .Hindi ko alam kung ano ang gagawin namin ni Andrew . Si Emmanuel na ang tumayong ama ni Andrew sa loob ng mahigit tatlong taon . Minahal niya kami ng sobra .
"Tahan na " si sir Patrick habang tinatapiktapik ang aking balikat
Hindi ko siya pinansin patuloy pa rin ako sa pag iyak .
" Leah maging okay rin ang lahat . Magtiwala ka lang. "
" Halika ka na sumama kayo sa akin , doon muna kayo sa bahay habang nasa ospital pa si Emmanuel " .
" Sir Patrick , si Emman !"
" Shh shh tahan na Leah" .niyakap niya ako habang kandong ko si Andrew .
" Halika ka na , para makapagpahinga na kayo ni Andrew" .
Sumama nalang ako sa kanya. Gabi na at naawa na rin ako sa bata kailangan niya ng magpahinga .Sumakay na kami sa kotse niya at matapos ang kalahating oras na byahe ay nakarating na kami sa kanyang bahay .Napakalaki pala ng kanyang bahay .Mag isa lang siya rito? Wala kasi akong nakitang ibang tao, siguro dahil gabi na ay nagpapahinga na ang mga kasamahan niya.
" Ito Leah ang magiging kwarto niyo ni Andrew ." binuksan niya ang kwarto at napamangha ako sa laki nito .
Inilapag ko na sa kama si Andrew na hanggang nayon napakahimbing parin ang tulog.Inilagay ko sa couch ang bag na may lamang diaper,gatas at kaunting damit ni Andrew.
Napaisip ako bigla , wala pala ako ni isang damit sa bag tanging kay Andrew lang dahil nandoon lahat sa hotel o baka nasa kotse na ni Emman lahat ng mga gamit namin .Ah bahala na bukas nalang ako siguro bibihis .
" Leah may problema ba ?" tanong ni sir Patrick ng makita akong nakatulala.
" Kwaan sir wala kasi akong damit rito
" Madami akong tshirt sa loob , pahiramin kita" seryosong sabi niya.
" Okay lang sir , hindi pa naman siguro ako mabaho at tsaka malapit namang mag umaga" .
" Wag ka na mahiya , nandoon pa ang tshirt na ginamit mo noon " .seryosong sabi niya kaya natahimik ako .
" Sorry " .sabi niya ng maalala ang nasabi niya
Hindi na ako sumagot
" Leah puwede ba wag mo na akong tawaging Sir , hindi na kita empleyado , asawa ka na ng pinsan ko " .
"So ano itatawag ko sayo Kuya?" tanong ko
" Mas lalong hindi puwede," .
" Eh ano ?" pagtatakang tanong ko
" Patrick nalang Leah " .
" Okay" .
Tumalikod na siya sa akin at pumasok sa isang kwarto kaharap lang ng kwarto namin ni Andrew.Paglabas niya bitbit niya na ang isang puting tshirt at ibinigay sa akin .
" Magbihis ka na don , ako nalang muna babantay kay Andrew. " at umupo siya sa kama sa gilid ni Andrew na mahimbing pa rin ang tulog .