Episode 18

1152 Words
Tinungo ko na ang banyo upang magbihis.Nandoon naman si Partrick sa tabi ni Andrew kaya naisipan ko nalang maligo at magbabad sa malamig na tubig. Mabuti naman at mayroong shampoo ,body wash, bagong toothbrush ,toothpaste at towel na puwede kong magamit .Nakaready na talaga ang kwartong ito para sa bisita. Hindi nagtagal ay lumabas na rin ako , baka magising si Andrew at hahanapin na niya ako sa tabi niya. NADATNAN kong tulog pa rin si Andrew at sa tabi niya ay nakahiga rin si Patrick na mahimbing rin ang tulog.Halatang pagod na pagod siya.Umupo ako sa silya malapit sa kama at pinagmasdan silang dalawa. Magkamukhang kamukha sila ng anak ko.Magkamukha sila dahil sila talaga ang tunay na mag ama.Hindi totoong girlfriend ako noon ni Emman ng pumunta si Patrick sa America at nagmamakaawa sa akin.Kay Emman lahat ng planong yon para iiwas ako sa pinsan niyang manloloko dahil takot siya na sasaktan lang ulit ako ng pinsan niya .Ang hindi ko alam magbubunga pala ang nangyari sa amin bago ako umalis ..Tatlong buwan na ang tyan ko ng malaman kong buntis pala ako .Kasalukuyan pa akong nagtatrabaho noon sa isang kompanyang pag aari ng parents ni Emmanuel .Dahil sa balitang ikakasal na rin si Patrick at Irish kaya pinili naming itago ang aking pagbubuntis. Pinalabas naming lahat na anak namin ni Emman si Andrew. Masaya na ngayon si sir Patrick at alam kong nakamove on na rin siya sa nangyari. Ikakasal na sila ni Irish kaya mas mabuting mananatiling sekreto ang lahat.Masaya na ako na binigyan niya ako ng napakagwapong anak .. Si Emmanuel ang tumayong ama ni Andrew. Kaya bilib ako kay Emman, ipinaramdam niya sa anak ko ang pagmamahal ng isang ama . Mahal na mahal niya talaga si Andrew. “ Leah “ napabangon ng mabilis si Patrick ng makita akong nakaupo sa silya Ngumiti lang ako sa kanya. “ Kanina kapa dyan? Pasensya nakatulog ako “ . “ Ah hindi kakatapos ko lang” . “ Sige magpahinga ka na , iiwan ko na kayo ni Andrew” tumayo na siya “ Hmm siii Patrick ?” .tawag ko sa kanya “ Bakit?” “ Hindi pa ba tumawag si Daddy mo? , nag alala kasi ako sa kalagayan ni Emmanuel “ . “ Wait , tingnan ko ang phone ko “ Kinuha niya ang cellphone niya sa kanyang bulsa “ Nakapitong tawag na pala siya , sige tatawagan ko muna sa labas ha , balitaan kita mamaya” lumabas na siya ng kwarto . Matapos ang halos dalawampung minuto ay bumalik na siya sa kwarto . “ Kamusta na daw si Emman?” Agad kong tanong sa kanya. “ Inaasikaso na daw siya ngayon ng doctor ngunit unconscious parin siya hanggang ngayon.” “Ano ?!” Napatakip ako sa aking mukha at tumulo naman ang aking mga luha .Natatakot ako sa puwedeng mangyari kay Emman .Napakabait ni Emman para mangyari sa kanya ito. “ Magiging okay si Emman , alam kong lalaban siya para sayo at sa inyong anak Leah“. Patuloy pa rin ako sa pag iyak . “ Bukas sasamahan ko kayo ni Andrew magbisita sa Ospital “ “Salamat” “ Sige magpahinga ka na “ lumabas na siya sa kwarto at tinungo ang kanyang kwartong kaharap lang namin KINAUMAGAHAN “ Mommy , where are we?” .nagtatakang tanong ni Andrew “ Nandito tayo anak sa bahay ni tito mo Patrick “ “ Nasaan si Daddy ?” . “ Pupuntahan natin ang daddy ngayon kaya magbihis ka na ha “ . Pagdating namin sa ospital ay nandoon si Emmanuel nakahiga , malaki pala ang sugat sa kanyang ulo . “ Mommy ano nangyari kay daddy ?” “ Hindi pa siya nagigising anak .Huwag kang mag alala baka bukas magising na si Daddy Emman ha , para makauwi na tayo “. Inihatid uli kami ni Patrick sa kanyang bahay bago pumunta sa kanyang kompanya .Mga pinsan niya nalang daw ang magbabantay kay Emman sa opital . Ang boring pala sa bahay ni Patrick ang laking bahay ngunit tanging siya lang ang nakatira rito kaya wala akong may makausap . Wala siyang mga kasambahay at dahil gabi na , binuksan ko ang ref at humanap ng puwedeng malutong hapunan .Nagluto ako ng sinigang at inihanda ang mesa.Alas otso na ngunit wala pa siya kaya pinakain ko nalang si Andrew ,hihintayin ko nalang siya para may kasama siyang kumain mamaya. Alas dyes na tulog na rin si Andrew nang may marinig akong sasakyan na dumating kaya sinilip ko mula rito sa secondfloor. .Lumabas si Patrick sa sasakyan at binuksan ang front seat .Lumabas don ang isang babae , si Irish ang babaeng kasama niya .Pumasok na sila sa loob kaya dali dali akong pumasok sa aming kwarto .Narinig ko pa ang usapan nila bago sila pumasok sa kwartong kaharap lang namin .Bigla nanghina ang aking mga tuhod . Bakit parang nasasaktan ako ngayon ?. .Kahit gutom ay pinili ko nalang matulog , titiisin ko nalang ang gutom ko hanggang umaga. NAGISING kami ni Andrew na wala na si Patrick .Hindi na namin sila naabutan pa. Maaga pa siguro umalis . Pinagluto ko nalang siya ng agahan at pinakain. Pinaliguan ko na rin siya at binihisan dahil pupuntahan namin ngayon si Emman.Magtataxi nalang kami. BALAK ko ring ipasyal si Andrew sa mall ngayon , naawa ako sa bata bored na siya dito sa bahay. Wala na pala siyang diaper at gatas kaya dadaan na rin ako sa grocery mamaya . “ Mommy I want this “ .bitbit niya ang laruang robot “ Andrew anak mahal yan at marami ka ng ganyan diba regalo sayo ni daddy Emman?”. “ Nasa America yon mommy , dito sa Pilipinas wala akong toy “ .at parang maiiyak na siya habang tinitigan ang laruang bitbit. “ Baby , walang dalang extra money si Mommy ha , pambili lang to ng milk mo at diaper ang dala ni mommy .Babalikan lang natin yan okay ?” . Tumango siya at binalik ang laruan sa dating lalagyan . NAAWA ako sa kanya .Hindi ko maibigay ang gusto nya .Alam kong gustong gusto niyang bilhin ang laruan kasi wala siyang laruan sa bahay . “ Andrew doon tayo anak mamili sa medyo mura ha , bibilhan kita ng mga toys para may mapaglaruan ka sa bahay mamaya “.tinuro ko sa kanya ang lalagyang ng mga murang laruan “ Yeheey ! “ mabilis siyang tumakbo patungo roon .Kailangan kong magtipid dahil hindi ko alam kung hanggang kailan kami dito sa Pilipinas. Kailangan kong ibudget ang pera ko para sa gatas ,diaper at vitamins ni Andrew lalo pat hindi pa nagigising si Emmanuel. HABANG pumipila kami sa cashier para magbayad ay nahagip ng mata ko si Patrick na naglalakad habang nakahawak sa kanya si Irish .Kaya pagkatapos naming magbayad ay agad kaming umalis ni Andrew at bumaba sa 2nd floor.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD