Episode 19

1165 Words
Hapon na kami nakarating sa bahay ni Patrick.Naglaro muna si Andrew ng mga bagong laruan niya habang inaayos ko ang aming pinamili. Bumili ako ng tinapay at pang almusal niya puro karne at manok lang kasi ang laman ng ref ni Patrick.. Nagluto na rin ako ng aming hapunan .Mayamaya pa ay may dumating na sasakyan .Nandito na si Patrick at mag isa lang siya “ Hi tito !” Bati sa kanya ni Andrew nong pumasok na siya sa loob. Nginitian niya lang ang bata . “ Look tito oh !marami akong toys binili namin ni mommy kanina “ at pinakita lahat ng kanyang mga laruan Tumingin sa akin si Patrick “Umalis kayo kanina?” tanong niya “ Ay oo , binisita namin si Emmanuel , pinasyal ko na rin si Andrew at tsaka nagrocery narin ako , wala na kasi siyang gatas eh” “ Ganon ba ?Nagtaxi lang kayo ?” Tumango ako . “ Patrick ihanda ko na ba ang mesa, ? maghahapunan na tayo ”tanong ko sa kanya “ Kumain na ako sa labas kanina kasama si Irish . Hindi pa pala kayo naghapunan?” “Hindi pa eh , hinintay ka namin para sana may kasabay kang kumain.” “ Kumain nalang kayo ni Andrew kahit wala pa ako , wag niyo na akong hintayin pa dahil sa labas ako kumakain kasama si Irish at minsan doon sa kanilang bahay “ sabi nya “ Ganon ba” .tinawag ko na si Andrew para kumain .Pumunta na si Patrick sa kwarto niya at hindi na lumabas pa . Ang sakit pala isipin na kasama niyo ng anak mo ang tatay sa iisang bahay ngunit hindi puwedeng matawag na isang pamilya .Dahil masaya na rin siya ngayon kasama ang bagong minamahal niya at gagawa na rin sila ng panibagong pamilya . Masaya sana kami ngayon kung minahal niya rin ako katulad ni Irish . Tama nga si Emman kung mahal niya ako ay hindi siya agad sumuko .Sumuko siya at binalikan si Irish para pakasalan. “ Mommy are you crying ?” .nagtatakang tanong ni Andrew .Nakita niya pala ang pagpatak ng mga luha ko habang titig na titig sa pagkain . “ No anak,napuwing lang si mommy sige na kumain ka ng marami ha” Pagkatapos ko maghugas ng pinagkainan ay umakyat na kami sa taas para makapagpahinga na sa kwarto. Ilang linggo naang nakalipas ngunit hindi pa rin nagising si Emman. Paubos na ang gatas ni Andrew at kaunti nalang ang natira kong pera. Dumating si Patrick na kasama naman si Irish at sa ngayon nandito pa kami ni Andrew sa baba kakatapos lang kasi naming kumain. Kaya pagpasok ni Irish ay tumakbo agad papunta sa akin si Andrew .Hindi ko alam kung bakit takot na takot siya sa pagmumukha ni Irish .Siguro dahil sa kapal ng make up nito. “ Good evening maam Irish “ bati ko sa kanya Tiningnan niya lang ako hanggang baba. “ I remember you diba ikaw si Leah ?Ang sekretarya ni Patrick noon .?” “Yes maam” .nahihiyang sagot ko “ Ano ang ginagawa mo dito ? bakit ka nandito at kaninong anak yan?” tinuro niya si Andrew sa likod ko na kanina pa nagtatago. “ Irish si Leah ang asawa ng pinsan kong si Emmanuel .Anak nilang dalawa ang batang yan.Nasa ospital kasi ngayon si Emman kaya dito muna sila pansamantala”. paliwanag ni Patrick “ Oh okay .Akala ko sayo ang batang yan, kamukha mo eh .Kaya pala hawig anak pala siya ni Emmanuel “ . “ Hmm Leah aakyat na kami ha kayo nalang bahala rito ni Andrew “ pamaalam ni Patrick Hindi ko alam kung bakit hindi na ako makapagsalita . Kahit ang pagtango manlang hindi ko na magawa “ Tara na babe “ at inakbayan niya na si Irish PAG ALIS nila niyakap ko ng mahigpit si Andrew at tumulo naman ang aking mga luha . GUSTO ko ng umalis sa bahay na ito at bumalik sa America ngunit hindi ko maiwan si Emmanuel. Buong araw dalawa lang kami ni Andrew sa malaking bahay na ito .Maaga pa umaalis si Patrick at gabi na minsan umuuwi.Mamaya dito daw maghapunan ang dalawa kaya maaga akong nagluto. “ Babe pagkatapos ng kasal natin dito ba tayo titira?”.tanong niya kay Patrick habang kumakain kami sa mesa . “ Ayaw mo dito ?” “ Hmmm okay lang sa akin dito titira basta kukuha nalang tayo ng kasambahay hindi kasi ako marunong magluto at maglaba eh “ .nagpout pa siya sa harap ni Patrick “ Okay babe , maghihire nalang tayo ,” . “ Ikaw Leah , hanggang kailan kayo dito ?”.tanong ni Irish “ Hanggang magising si Emmanuel “ si Patrick na ang sumagot. NATAHIMIK siya. “ Hmmm malapit na pala ang kasal niyo habang nandito pa naman ako puwede rin naman ako nalang ang maging kasambahay niyo “ . seryosong sabi ko Nabigla si Patrick sa narinig kaya tinitigan niya ako sa mata .Inaalam niya kung seryoso ako sa mga sinabi ko. “ No Leah asawa ka ng pinsan ko “ . “ Okay lang sa akin Patrick , sanay ako sa gawaing bahay at nandito lang naman ako eh” . “ Hahanap nalang kami ng kasambahay Leah "hindi parin siya payag. “ Siya na nagsabi babe, mas mabuti nga kung si Leah nalang ang hirap kaya humanap ng mapagtiwalaan ngayon" “ Are you sure Leah?" tanong ni Irish . “ Yes maam , nandito lang naman ako eh, ako nalang muna ang maging kasambahay rito hanggat hindi pa nagigising si Emmanuel “. " Leah ano ba ang pumasok sa utak mo at gusto mo maging kasambahay ka namin dito? Ano nalang ang sasabihin ni Emmanuel? Ginawa kong katulong ang asawa niya?". hindi parin siya makapaniwala sa desisyon ko kaya kinausap niya ako pag alis ni Irish. " Sir nahihiya na ako sayo rito at isa pa kailangan kung makapera habang nandito pa kami sa Pilipinas , kaunti nalang kasi ang gatas ni Andrew kaya simula bukas ako na maglalaba ng mga damit mo , ang ibabayad mo sa iba sa akin mo nalang ibabayad". seryoso parin ako " No! " napasigaw na siya " Bakit ba ayaw mo ? Magaling naman ako maglaba eh". " Dahil asawa ka ng pinsan ko .At isa pa kung pera ang kailangan mo , nandyan naman sayo ang bag ni Emmanuel nadyan ang checkbooks niya pwede ka magwithdraw sa banko niya total mag asawa naman kayo , hindi mo na kailangang mamroblema pa sa pera Leah ". " Hindi ako puwedeng magwithdraw . Sa kanya yan".sagot ko " Leah mag asawa kayo kaya siguro naman nakajoint accout naman kayo " .pagtataka niya " Hindi Patrick " tanging nasabi ko . " Bakit ? " naguguluhan na siya " Ah basta gusto ko paghirapan ang perang gagastusin dito kaya simula bukas kasamabahay mo na ako dito" . Tinalikuran ko na siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD