LEAH POV
“ Leah wag mo akong talikuran !” Sigaw niya ngunit hindi ko siya pinansin
Sinusundan niya ako ngayon kaya napahinto nalang ako .
“ Patrick ano ba? Wala namang masama kung maging kasambahay ako rito diba? “
“Leah hindi na kita maintindihan kung bakit kailangan mo pang magtrabaho para sa gatas ng anak niyo eh mayaman si Emmanuel ! All you need to do is to withdraw ,at magkagatas na yang anak niyo “ .tumataas na ang kanyang boses .
Hindi ako nagsalita .
“ Okay okay kung ayaw mo talaga , pahiramin nalang kita ng pera “.
“ No! ayaw kong humiram ng pera sayo , kaya nga gusto ko magtrabaho rito dahil ayaw ko magkautang na loob sayo Patrick !” sabi ki kaya nagkasalubong naman ang kanyang mga kilay.
“Pamangkin ko naman si Andrew, Leah! .”
“ Kahit na ayaw ko” buo parin ang desisyon kong wag tatanggap ng pera mula kay Patrick .
“ Dahil ba ayaw mong pagbabayarin kita ng hmmm “ at ngumisi na siya sa harap ko
“ Seryoso ako Patrick kaya please wag mo nang ibalik ang nakaraan .Wag mo ipaalala sa akin kung pano mo ako niloko”.seryosong sabi ko
“ Kunsabagay may asawa ka na at ikakasal na rin ako kaya kalimutan na natin yon,isa lang yon masamang panaginip leah. At isa pa buntis na rin si Irish kaya excited na rin akong magiging ama “ .
Bigla akong nasaktan sa narinig .Parang tinuturok ng karayom ang aking puso .Sa tagal ng panahon bakit hindi ko pa rin makalimutan ang naramdaman ko para sa kanya .Kaya hanggang kaibigan lang kami ni Emman at palabas lang to lahat.
Ang buong akala kong nakamove on na ako hindi pa pala .
“ Congrats magiging ama ka na pala” .tanging nasabi ko
“ Kaya nga nagkaedad na rin si Daddy at kailangan ko na rin siyang bigyan ng apo “ .ngumiti siya sa akin .Nakikita ko ang saya sa kanyang mukha ngayong magkaanak na rin sya
SIMULA noong pag uusap namin ni Patrick ay umiiwas na ako sa kanya Naging busy na rin siya para sa nalalapit nilang kasal .Ilang araw na ring dito namamalagi si Irish sa bahay .Medyo maselan daw ang kanyang pagbubuntis kaya dito na siya nagpahinga .
“ Leah kuha mo nga ako ng tubig “ tawag ni Irish habang nanonood ng tv. Kaya dali dali akong kumuha ng tubig at ibinigay sa kanya .Ngunit sa hindi inaasahan dahil madulas ang aking kamay at hindi niya pala agad nahawakan ang baso kaya nahulog ito .
“ Leah wag kang tanga tanga !!! Sigaw niya sa akin
Kaya agad kung pinulot ang bubog dahil sa sobrang kaba at nasugatan ako sa kamay
“ Sorry sorry maam linisin ko nalang “ .tumayo agad ako at kumuha ng walis at dustpan para kunin ang mga bubog.
Ang bait ni Irish pag nandyan si Patrick pero kapag wala ay palagi niya akong sinisigawan. Tinuring niya talaga akong kasambahay .Kung makautos wagas .Naawa nga ako kay Andrew dahil palaging umiiyak dahil sa sobrang takot kay Irish .
Isang gabi habang nagmamop ako sa sahig malapit sa hagdanan ay lumabas ng kwarto si Irish .
“ Leah sa ganitong oras ka talaga magmamop ? Alam mo namang sa ganitong oras ako lumalabas ng kwarto , gusto mo bang madulas ako rito ?”
“ Pasensya na maam hindi ko akalain ngayon ka pala lalabas” at umalis na ako sa harapan niya ngunit nung umikot ako bitbit ang mop ay natamaan siya nito .
“ Leah sinasadya mo ba talaga?!! Tumaas naman ang kanyang boses at nilapitan pa ako para sabunutan .
“Bakit mo inaaway si Mommy , monster ?!” si Andrew lumabas ng kwarto namin .Tama ba narinig ko monster ang tawag niya kay Irish ?
“IKAW na bata ka pareho lang kayo ng nanay mo ! “ dinuro duro niya pa si Andrew
“ Bitiwan mo si Mommy !” tumakbo si Andrew papunta sa amin .
“ Umalis ka ang bata ka kung ayaw mong ihulog kita sa hagdan !” takot niya kay Andrew
“ Wag mo pakialaman ang anak ko Irish at magpakamatayan tayo rito!” napasigaw na ako .
“Monster , bitiwan mo ang mommy ko !” at tinulak na ni Andrew si Irish kaya nahulog ang isang paa nito sa hagdan at naoutbalance siya kaya tuluyan nalang ito nahulog.
Dumating si Patrick
“ Anong nangyayari dito!?” Sigaw niya ng madatnan kaming nagkagulo sa itaas
“ Babe , tulungan mo ako , ang baby natin!” Sigaw ni Irish
NAKITA kong may dugo ngang dumadaloy sa kanyang paa.
“ Sorry Irish “ sabi ko
“ Bakit anong nagyari ?” tumakbo si Patrick sa kinaroonan ni Irish
“ Hindi ko alam kung bakit tinulak ako ng batang yan !tinuro si Andrew
“ At hindi rin pinigilan ng kanyang kunsintidor na nanay !” tiningnan niya ako ng masama
“ Hindi yan totoo Patrick “
“ Enough Leah !! Dahil sa inyo inilagay ninyo sa panganib ang buhay ng magiging asawa ko at anak !” sigaw niya habang karga si Irish
“ Umalis na kayo rito ng anak mo ! AYAW ko na sa pagbalik ko nandito pa kayo , naintindihan mo ? Dalhin mo yang walang asal mong anak ! Hindi niyo tinuruan ng maayos “ sigaw niya habang dinuduro kami .Umiiyak na sa likod ko si Andrew
“ Patrick gabi na wala kami pwedeng mapuntahan ngayon , bukas ng umaga nalang kami aalis rito ,” .
“ Wala na akong pake kung wala man kayong puwede puntahan ngayon Leah , basta umalis na kayo sa pamamahay ko !” at mabilis na itinakbo si Irish at isinakay sa kotse .Naiwan kaming dalawa ni Andrew na umiiyak .Hindi ko alam kung saan kami pupunta ngayon . INILIGPIT ko ang aming mga gamit .
“ Mommy nagawa ko lang yon dahil monster siya at papatayin ka nya !” .umiiyak pa rin si Andrew .
“ Shhh tahan na anak ha , aalis na tayo rito ngayon lalayo na tayo sa monster “ pinahiran ko ang kanyang mga luha
“ Saan tayo pupunta ngayon mommy ?” nagtatakang tanong niya
“ Hindi ko pa alam anak basta aalis na tayo “ .