PATRICK POV
"May problema ba sir Patrick?". nagtatakang tanong niya habang inaayos ang kanyang sarili.
"Wala.Binitin mo lang ako".nilapitan ko siya at hinalikan sa noo.
" Sino siya?" .tanong ko
" Ah kaibigan ko yung tumawag akala ko kasi importante ." sagot niya habang nakatingin sa sahig .
" Nakita ko kanina diba Ethan ang pangalan? Ano ang last name niya? " .pakunwari ko gusto ko marinig sa kanya ang totoo
" Ethan Luxe Gomez ang tunay niyang pangalan . Napakabait niyang kaibigan .Bakit kilala mo ba? "
"No. Wala akong kilalang Ethan ". tanggi ko
" Ssss..."
Akma na sana siyang magsalita ngunit hindi niya itinuloy ang dapat sana niyang sabihin.
" Bakit ? May sasabihin ka ba?"
"Ang waalaa" .ngumiti siya
Niyakap ko siya ng mahigpit .Sobrang saya ko ngayon. Alam kong mahal rin ako ni Leah at hindi niya ako lolokohin .
" Gabi na , dito ka nalang matulog Leah , ihahatid nalang kita bukas sa inuupahan mo "
Tumango siya.
Naligo na ako dahil ang init at amoy pawis na rin. Pagkatapos ko ay naligo na rin si Leah , mabuti nalang at may extra shirt pa ako rito kaya ipinagamit ko muna sa kanya.
Paglabas sa banyo ay dumiretso siya agad sa couch at doon humiga .
"Halika rito sa kama, dito ka tumabi sa akin" yaya ko sa kanya
" Matutulog tayo sa isang kama?"
"Bakit may masama ba? " .
"Dito lang ako sa couch sir".
" Bakit ayaw mo bang tumabi sa akin?" pagtataka ko
" Hindi pa naman tayo mag asawa eh " .
Tumawa ako ng malakas .
" Leah nakita ko na lahat sayo , natikman ko na nga yan .Natatakot ka bang baka ituloy ko mamaya ang naudlot kanina ?" halakhak ko
" Cheee !!! Hinampas niya ako ng unan
" Oi nagbublush ka "
" Hindi nuh!!"
" Bakit pulang pula yang pisngi mo ?"
" Eh kasi nainitan ako" .palusot niya
" Kakatapos mo lang maligo eh at nakaaircon pa tayo " .
" Ewan ko sayo sir Patrick!" binagsak niya ang kanyang katawan sa malambot na kama at tumalikod sa akin
" Stop calling me sir Patrick " niyakap ko siya at hinalikan sa tenga
" Puwede bang wala munang may makakaalam tungkol sa atin sir? ".
" Bakit ? Proud ako sayo Leah kaya hindi na kita kailangang itago pa. Girlfriend na kita ."
" Siguro sir hintayin nalang natin ang tamang panahon para ipagpaalam sa lahat tungkol sa atin , hindi pa kasi ako ready na ipaalam sa mga kasamahan ko baka mabigla sila.Masyadong mabilis eh".
" Yan lang ba ang rason mo Leah? " tanong ko
" Oo sir ." .
"Sigurado ka? " kahit masakit gusto ko marinig sa kanya ang tungkol sa kanila ni Ethan ngunit tumango siya.
" Promise me Leah , ako lang ang lalaking nagmamay ari sayo simula ngayon wala ng iba".
" Promise sir " at niyakap na niya ako
" Good night ,matulog na tayo " dinampihan ko siya ng halik sa labi at ipinikit na ang aking mga mata
LEAH POV
Nakayakap siya sa akin ngayon .Mahimbing na ang kanyang tulog samantalang ako ay dilat na dilat parin ang mga mata dahil sa nangyari. Shiit ano ba itong pinasok ko .Girlfriend na ako ngayon ng boss ko .Ang rupok rupok ko !! Kung pwede lang sampalin at sabunutan ngayon ang aking sarili ginawa ko na. "Wala man lang pakipot Leah , deretso bigay agad? ang rupok rupok mo!" sigaw ng aking isipan .Hindi parin ako makapaniwala sa nangyari .Kung hindi pa tumawag si Ethan siguro wasak na ako ngayon .Nyahahaha.Tumawag pala siya para ipaalam sa akin na kailangan kong pumasok bukas ng gabi .Gusto ko sana ipaalam kay sir Patrick ang tungkol sa pagtatrabaho ko sa bar ni Ethan ngunit nahihiya ako .Siguro sa susunod nalang. Baka ano pa ang kanyang iisipin .Kailangan ko lang naman magtrabaho bilang waitress sa bar para may pangallowance ako dahil wala akong may nakuhang sahod sa kanya .
Kinaumagahan inihatid ako ni sir Patrick sa aking inuupahan .
" Thank you sa paghatid sir" . tinanggal ko na aking seat belt
Niyakap niya ako ng mahigpit
" Iloveyou Leah" .bulong niya sa aking tenga at hinalikan naman ako sa labi
"Mahal din kita sir Patrick" . lumabas na ako ng sasakyan at nagpaalam na
Sa opisina .
" Leah ! " tawag ni Margarette
" Hindi kita nakita sa ball hindi ka ba dumalo?" tanong niya
" Hindi " .pagsisinungaling ko
" Bakit?"
" Wala kasi akong masuot eh " .
" Ganon ba? Sayang ang saya pa naman . Pati si sir Patrick hindi namin nakita, si sir Emman lang ang nandon at hinahanap ka niya sa amin . Oy feel ko type ka ni sir Emman" .
" Oy sira , kaibigan ko si Emman noog college pa kami kaya malapit siya sa akin"
Nang akma na akong papasok sa opisina ay tinawag ako ni sir Patrick kaya napalingon ako .
" Leah don ka na sa 4th floor , at ikaw margarette ibalik na kita sa una mong trabaho".
Nginitian ako ni Margarette at bumulong sa aking tenga .
" Okay na ba kayo ni sir? "
" Hindi ko alam , siguro" .pakunwari ko
" Sige bye2 leah , " ngisi pa niya
Kaya sumabay ako kay sir Patrick papuntang 4th floor .Hindi kami nagiimikan sa loob ng elevator.Parang nahiya ako hindi ko maintindihan ang aking naramdaman .
Pagbukas ng elevator ay dumiretso na kami sa opisina .Namiss ko ang lugar na to .Hinaplos haplos ko pa ang aking mesa .Mahigit dalawang buwan ring hindi ako nakabalik rito.
Nakalipas ang isang linggo at naging maayos ang relasyon namin ni sir Patrick ng walang may nakakaalam. Hatid sundo niya ako sa aking inuupahan .
" Leah?! " sigaw ni Emman
Kaya napatingin kaming dalawa ni sir Patrick
Nilapitan niya ako at niyakap ng mahigpit
" Leah I miss you " bulong niya sa akin
" Bumalik ka na pala rito " .ang saya niya noong nakita niya ako .
" Ay oo " .nahihiyang sagot ko .Nang tumingin ako kay sir Patrick nakita ko na magkasalubong naman ang kanyang mga kilay .
" Mabuti kung ganoon. Kain tayo sa labas mamaya , namiss kita eh". yaya niya
" Ang kwaan ".
" Diba sabi mo may date ka Leah kaya mag early out ka mamaya?" putol ni sir Patrick
Ngumiti nalang ako at tumango .
" Date? As in Date? bakit may boyfriend ka na ba Leah?".
" Oo may boyfriend na yan ". si sir Patrick naman ang sumagot
" Kailan pa?"
" Matagal na" .sagot naman ni sir
" Teka teka bakit ba ikaw kuya ang sumasagot sa mga tanong ko , diba dapat si Leah.?"
" Leah bumalik ka na sa mesa mo , iwan mo na kaming dalawa rito" utos ni sir kaya umalis nalang ako
PATRICK POV
" Kuya totoo ba ang narinig ko ? May boyfriend na si Leah?" .tanong ni Emman ,hindi parin siya makapaniwala sa mga narinig .
" Noon pa kita sinabihan Emman" .tanging nasabi ko . Alam kong nasasaktan siya sa nalaman.
" Kuya ang tagal kong naghintay. Bakit kung kailan pa ako nagkaroon ng lakas ng loob na ligawan siya tsaka siya nagkaboyfriend .Naunahan na ako ng iba Kuya. "
" Ganon talaga Emman.Marami pa namang babae dyan".
" Hindi lang ganon kadali kuya .Mahal na mahal ko siya .Apat na taon ko siyang minahal ng lihim Apat na taon !".
Natahimik ako .
" Labas tayo kuya , punta tayo sa bar ni Ethan mamaya .Sabado naman walang trabaho bukas samahan mo akong uminom magdamag ".
"Okay " Tinapik ko ang kanyang balikat .
Pagdating sa bar ay uminom ng uminom si Emman ng alak .
" Kuya alam ko na kung sino ang boyfriend ni Leah" panimula niya
Nabigla ako sa narinig.Alam niya na kaya na ako ang lalaking umagaw sa babaeng matagal na niyang mahal
" Sino ?" tanong ko
" Diba sabi mo may date sila ngayon ng boyfriend niya?"
" Oo"
Si Ethan pala ang tinutukoy niya " .sagot niya
" Ano? Pano mo nasabing si Ethan ang boyfriend niya ?"
" Nandito si Leah kuya at kasama niya si Ethan.Kalalabas lang nila sa VIP room " .
" Lasing ka lang Emmanuel kaya kahit dito nakikita mo ang mukha ni Leah."
" Totoo ang sinasabi ko kuya nakita ko siya" inilibot niya ang kanyang mga mata sa paligid
" Diba si Leah yan?" tinuro nya ang babaeng kausap ni Ethan.
Nagulat ako sa nakita si Leah nga !!
" Shiit !!!"
" Damn !!" .
" Halika ka Emman , aalis na tayo rito at baka makapatay pa ako ng tao !". sigaw ko