Episode 13

1311 Words
LEAH POV Mag iisang linggo na rin kaming hindi nagkita ni sir Patrick . Minuto minuto tinitingnan ko ang aking cellphone at baka tumawag na siya o nagtext .Araw araw umaasa ako na paglabas ko sa inuupahang bahay ay nandoon na siya naghihintay sa kotse niya .Kapag sa opisina naman ay palagi ko ring tinitingan ang mga taong lumalabas at pumapasok sa elevator. "Leah nabalitaan mo ba? si sir Patrick at Emman ay nasa America pala ngayon " . balita ni Margarette " Talaga ? Sino nagsabi?" tanong ko "Narinig ko lang sa usap usapan kanina kaya pala hindi na nakapunta rito si sir Patrick " . Bigla akong nasaktan sa aking narinig. Hindi manlang nagpaalam sa akin si sir Patrick na pupunta pala siya sa America kahit tawag o isang message ay wala rin akong natanggap mula sa kanya. Ilang beses ko na rin siyang tinawagan ngunit hindi ko makontak . " Okay kalang ba Leah bakit natulala ka ?" " Ang kwaan.... anong sabi babalik pa naman daw si sir Patrick diba?" " Siguro , hindi naman pwedeng bastang basta niya lang iiwan ang kompanya niya rito pero balita ko si sir Emman daw don na maninirahan ". " Ganon ba ? Hindi manlang nagpaalam sa akin si Emman " .pagtatampo ko " Siguro biglaan lang ang desisyon nilang dalawa baka may importanteng aasikasuhin lang sa America". sabi ni Margarette . Inaya pa ako ni Emman na kumain sa labas noong nakaraang linggo. Kung alam ko lang na aalis na pala siya sana sumama nalang ako.Yon na pala ang huling pagkikita naming dalawa. "Sige Leah maiwan na kita , may tatapusin pa ako eh" iniwan na ako ni Margarette . Pumasok ako sa loob ng opisina at doon binuhos ang luhang kanina ko pa pinipigilan . " Bakit ganon sir ? Iniwan mo lang ako rito ng basta basta , hindi ka manlang nagpaalam na aalis ka" kausap ko ang aking sarili habang patuloy sa pag agos ang aking mga luha " Sobrang sakit .Hindi ko pa alam kong kailan ka babalik.Miss na miss na kita sir Patrick " humagolgol na ako sa iyak . Lunes ngayon, heto na naman ako, umaasang pagdating ko sa opisina ay nandon na ang lalaking mahal ko .Namiss ko na siya ng sobra . Pagpasok ko ay sinalubong agad ako ni Margarette , agang aga may ichichismis naman ang babaeng ito. " Leah, !!... nandoon na sa itaas ang boss nating suplado! ". " Talaga ? Sige sige mauna na ako " tumakbo na ako papuntang elevator. " Leah wait! may ichichismis pa ako sayo! ". habol ni Margarette " Mamaya nalang marg !" at nagpaalam na ako sa kanya at pumasok na sa loob ng elevator.Halos paliparin ko pa ang elevator para makarating agad sa 4th floor. Pagbukas ay tumakbo ako at mabilis na pumasok sa opisina ni sir Patrick. " Sir ?" tawag ko sa kanya kaya tumingin siya sa akin .Ngunit walang reaksyon ang kanyang mukha .Hindi niya ako namiss ? Nilapitan ko siya , "sir I miss you" at akma na sanang yakapin ng biglang bumukas ang pinto . " Hi babe " .pumasok ang isang magandang babae at tinawag na babe si sir Patrick .Parang binagsakan ako ng langit sa aking narinig . " Hello babe ,Good Morning " tumayo si sir Patrick para salubungin ang babae at tsaka niyakap at hinalikan sa noo. Para akong tuod sa gilid habang tinitingnan silang dalawa. " Babe , who is she?" " She' s my secretary . Hmmm Leah please meet Irish , my fiancee" .pakilala ni sir Patrick sa babae habang ang kanyang kamay ay nakayakap sa beywang nito. " Hi maam Irish , nice meeting you po" at pilit ko siyang nginitian .Sobrang sakit ng aking naramdaman ngayon ngunit pilit kong pinapakalma ang aking sarili at pinipigilan ang pagtulo ng aking mga luha. " Babe hindi na ako tatagal aalis narin ako may importante kasi akong puntahan eh .Bye" .humalik na ang babae kay sir " Bye babe ,I love you , ingat ka " . " I love you too babe". " Bye Leah " ngumiti ang babae sa akin at nagpaalam na rin Naiwan kaming dalawa ni sir Patrick " Sir ano to ?" panimula ko " Anong ano to?" " May fiancee ka na pala ? Pano ako? Pano tayo?". umiyak na ako sa harapan niya " Walang tayo Leah " .walang emosyon niyang sagot " Ano ang ibig mong sabihin ? Akala ko girlfriend mo ako at boyfriend na kita" humagolgol na ako sa iyak .Ang sakit sakit sobrang sakit ! " Bakit tinuring mo ba akong totoong boyfriend Leah?" ngisi nya " Oo dahil mahal kita , at akala ko mahal mo rin ako .Bakit para sayo hindi mo ba ako naging girlfriend ?" . " Hindi kita naging girlfriend at kahit kailan hindi mo ako naging boyfriend!". " Ano? Sabihin mong hindi totoo ang lahat ng nakita ko sir Patrick , please" . " Totoo lahat ng nakita mo Leah at ikakasal na ako sa susunod na buwan ". " Linoko mo ako!! Manloloko ka sir Patrick , akala ko mahal mo ako !.Pinaniwala mo akong mahal mo ako sa loob ng isang Linggo!" sumisigaw na ako . " Bakit ikaw hindi ba manloloko?" ngisi niya "Kahit kailan hindi kita niloko sir Patrick minahal kita ng totoo!" . " Enough !! ayaw ko na marinig ang mga kasinungalingan mo Leah , umalis ka na sa harapan ko !!" " Magreresign na ako bilang sekretarya mo Mr Rodriguez!!" " Bakit? May pambayad ka na ba utang mo?" Natahimik ako . "Hindi ka pa bayad Leah , makakaalis ka lang sa kompanyang ito pagbinayaran mo na ng buo ang perang inutang mo .Sa oras na aalis ka at hindi ka pa bayad kakasuhan kita!" . Tumalikod na ako sa kanya . "Babalik ako at babayaran kita !! " tumakbo na ako papasok sa elevator "HANNAH CALLING " " Hello Han ?" " Leah " .umiiyak siya sa kabilang linya " Bakit ka umiiyak ?" .tanong ko sa kanya " Leng , aalis nalang ako ng Pilipinas , lalayo na ako kay Ethan, tama ka , masasaktan lang ako sa piling niya" . " Saan ka pupunta?" " Sa America Leng nandoon ang pinsan ko at doon nalang ako magtatrabaho ng matino". " Pwede bang sumama sayo Han?" tanong ko " Bakit ? Aalis ka na sa kompanyang tinatrabuhan mo ?" " Oo han ,gusto ko lisanin ang lugar na to". " Bakit?" nagtatakang tanong niya " Saka ko nalang ikwento sayo pagnagkita na tayo". " Okay" . Binaba na ni Hannah ang tawag .Pareho kaming nasasaktan ngayon .Nagmahal kami ng lalaking hindi kami kayang mahalin . Wala akong pambayad sa utang ko kay sir Patrick. Kailangan ko siyang mabayaran bago umalis sa kompanya niya. Hindi ako makaalis ng bansa dahil sa babala niya Sinigurado niya talagang hindi ko matatakbuhan ang utang ko sa kanya .Bahala na , gagawin ko to at sisiguraduhin kong hindi na kami magkita pa ulit . Pumunta ako sa opisina bitbit ang aking resignation letter. " Magreresign ka ? Bakit may pambayad ka na ba?" ngising tanong niya "Oo " sagot ko " Saan?" Checke ba o cash?" . " Sarili ko ang ipambayad ko sir" .deretsang sagot ko " What do you mean?" " Ibigay ko ang sarili ko sayo para bayad na rin ako sa utang ko ". " Nagpapatawa ka ba Leah? Sa tingin mo ba nagkakahalaga ka ng halos kalahating million ?" " Sobra pa sir kaya hindi ka na lugi". Natahimik siya " Tanggapin niyo na ,ito lang ang mayroon ako sir, ito lang anf puwede kong ipambayad sayo " " Okay . Kailan mo ako babayaran?". " Linggo ng gabi" .seryosong sagot ko " Okay , magkita tayo kung saan kita dinala noong ball"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD