CHAPTER TWO
“HI, Miss Aya,” magiliw na bati ni Tanya pagpasok nito sa library.
“Tanya, ang aga mo naman ngayon,” nakangiting tugon naman ni Aya.
“Oo, e. Inaasikaso na namin ang OJT namin kasi kailangan. Siya nga pala, pinapatawag ka ni Dean Almoro sa opisina niya.”
Kumunot ang noo niya nang mapatitig kay Tanya.
“Sinabi ba niya kung bakit?”
Nagkibit-balikat si Tanya.
“Kung hindi mo pa kilala si Dean Almoro, lagi `yong nakakahanap ng rason para ipatawag ang mga faculty, staff, at estudyante rito sa LLU. Sobrang taas ng standards. Kaya siguro siya nahihirapan na makahanap ng pangalawang asawa.” Bahagya pang natawa si Tanya sa huling sinabi.
“Ikaw, ha,” saway rito ni Aya, pero pati siya ay napangiti na rin.
Biyudo na si Dean Almoro, pero marami ang nagsasabi na pwede pa itong mag-asawa dahil kahit nasa singkwenta na ay matikas pa rin ito at gwapo. Iyon nga lang, napakaseryoso nito palagi.
Maraming faculty at staff ang nagpapapansin dito, pero mukhang walang pakialam si Mr. Almoro.
“Ngayon na siguro ako pupunta habang hindi pa `ko busy,” ani Aya mayamaya pa. “Salamat, Tanya, ha.”
“You’re welcome, Miss Aya. Huwag kayong kabahan do’n kay Dean. Hindi naman niya kayo kakainin nang buhay.”
Napatango si Aya.
“Salamat sa paalala.”
Bago tumayo mula sa mesa niya ay mayro’n siyang dinukot sa loob ng kanyang bag.
DALAWANG beses lang kumatok si Aya sa opisina ng dean at nakarinig agad siya ng tugon.
“Come in,” ang buong-buong bosess ni Mr. Almoro.
Huminga muna siya nang malalim bago itinulak ang pinto.
Naabutan niya si Mr. Almoro na nakatayo sa kabilang bahagi ng silid. Nakatalikod ito sa kanya dahil nakatingin ito sa bintana.
Nakita ni Aya ang laptop nitong nakabukas sa mesa nito. Pasimple niyang inipit ang isang puting kwadrado sa laptop at isinara iyon. Saka siya tumikhim.
“Pinapatawag n’yo raw po ako, dean?” tanong niya sa inosenteng tono.
Humarap ang dean sa kanya. Nagtagpo ang mga mata nila. Ang tingin nito ay parang mayro’n itong alam tungkol sa kanya.
“How long have you been working as our librarian, Miss Mendez?” tanong nito habang papalapit sa kanya.
“A-almost a month, sir.”
“Yet I’ve heard a lot of positive things about you.”
“Is that a compliment?”
“But are you really doing your job well?”
“W-what do you mean, sir? May nakikita ba kayong mali sa trabaho ko?”
Napatikhim si Mr. Almoro.
“I happened to pass by the library last night. What time did you leave?”
“As usual, sir. Seven-thirty.”
“Wala kang narinig na kakaibang tunog kagabi?”
Nag-init ang mukha ni Aya.
“Specifically, ano pong tunog, sir?”
“I wish I could put it into words, Miss Mendez. Alam mo ba kung ga’no ko pinangangalagaan ang reputasyon ng eskwelahang ito bilang dean at co-owner?” tanong ni Mr. Almoro sa mariing tono.
Hindi nakatugon si Aya.
“Whatever your business outside work is not my problem anymore. Ang sa `kin lang, gawin mo nang maayos ang trabaho mo.”
“Of course, sir. I understand.” Sinalubong niya ang tingin nito. “Kung ano man ang tunog na narinig n’yo kagabi, makakaasa kayong... wala lamang `yon.”
“I hope so.”
“Do you have anything else to say?”
Bumuntong-hininga si Mr. Almoro.
“Wala na,” sabi nito, pero taliwas naman doon ang sinasabi ng mga mata nito.
Ngumiti si Aya.
“Kung gano’n, pwede na ba `kong bumalik sa trabaho ko, sir?”
“Kung nagkakaintindihan na tayo, makakaalis ka na.”
“Understood, sir. Have a good day.”
Kalmadong lumabas si Aya sa opisina nito kahit na ang totoo ay nag-iinit ang kanyang katawan sa tumatagos na tingin sa kanya ni Mr. Almoro.
Nang makaalis na si Aya ay saka lamang bumalik si Mr. Almoro sa kanyang mesa upang balikan ang kanyang mga ginagawa. Pero saglit siyang napatigil nang makitang nakatiklop ang laptop niya.
Paano nangyari iyon? Nakabukas iyon bago dumating si Aya.
Binuksan na lamang niya iyon at napatigil muli nang makita ang puting papel na nakaipit. Ang akala niya ay ordinaryong photo paper lamang iyon, pero laking gulat niya nang isa pala iyong retrato!
Maselang retrato ni Aya!
PIGIL na pigil ang ngiti ni Aya habang iniisip kung ano kaya ang naging reaksiyon ni Mr. Almoro sa inipit niyang retrato sa laptop nito. Magpupuyos kaya ito sa galit? Ipapatawag kaya siya nito at tuluyang sisesantehin?
Pero dumaan ang maghapon at wala na uli siyang narinig na balita mula rito. Buong araw tuloy siyang parang timang sa kakaisip. Pero hindi bale na. Tiyak na mayro’ng reaksiyon si Mr. Almoro doon. Kahit naman medyo malamig ang pakikitungo nito sa lahat, alam niyang hindi pa tuluyang nagiging bato ang puso nito.
Ngayon ay kailangan niya itong unahan para magtuloy-tuloy ang plano niya.
MR. ALMORO, THIS IS AYA MENDEZ. I HAVE A VERY PERSONAL ITEM THAT I BELIEVE IS IN YOUR POSSESSION. PLEASE CALL ME.
Napakagat-labi si Aya nang i-send niya ang text message na iyon sa pribadong numero ni Mr. Almoro. Nakuha niya iyon sa registrar, at wala namang nag-usisa pa.
Hindi na niya nakita si Mr. Almoro hanggang matapos ang araw kaya naman kinagabihan siya nag-text dito. Siguro naman ay nagpapahinga na ito sa trabaho.
Ilang sandali pa ay tumunog ang kanyang cell phone. Pigil na pigil ni Aya ang hagikhik nang sagutin niya iyon.
“Mr. Almoro.”
“Ano ba ang gusto mong mangyari, Miss Mendez?” may-diing tanong nito sa kabilang linya. Halatang hindi ito natutuwa at nagpipigil.
“So, tama nga ang hinala ko? Nasa sa inyo ang pribado kong retrato? Mr. Almoro, hindi ko alam kung pa’no napunta sa inyo `yan, pero ang nobyo ko lamang ang dapat na nakakakita niyan.”
“Really? You didn’t do it on purpose?”
Siyempre, sinadya niya iyon. Pero gustong makipaglaro ni Aya rito.
“N-no. Hindi n’yo naman siguro itinapon `yon, ano? It’s the only copy I have. A-and I want it back.”
“Para sa’n pa? Hindi mo dapat iniiwan kung saan ang bagay na `yon.”
“I’m begging you, Mr. Almoro,” ani Aya sa nagsusumamong tono kahit gusto na niyang humalakhak. “That’s for my boyfriend.”
Narinig niyang bumuntong-hininga ito. “Pick it up from my office first thing in the morning.”
“Sige, Mr. Almoro. Thank you!”
“Miss Mendez, alam mong pwede kang mapatalsik sa eskwelahan sa kapabayaan mong `to, tama?”
“Of course, sir.”
“Pa’no kung iba ang nakakita n’on?”
“Hindi `yon mangyayari, sir,” kampante niyang sabi. “So, I’ll see you tomorrow, sir? Good night.” Napakagat-labi si Aya bago niya pinatay ang tawag.
NANGINGINIG ang kamay ni Hubert nang matapos na ang tawag. Naiinis na ibinato niya sa kama ang larawan ni Aya. Hindi niya iyon iniwan sa opisina niya sa takot na baka may ibang makakita.
Oo, at mas mabuti kung itinapon o sinunog na lang niya agad ang maselang larawan ng babaeng `yon para wala nang problema, pero hayun at natagpuan niya ang sariling tinititigan ito dahil hindi siya dalawin ng antok.
That was a wrong move. Staring at Aya’s almost naked body made him hard down there. At ngayon, kailangan na niyang isauli ang larawan nito.
But he could always make a copy for himself, couldn’t he?
***
Announcement:
Hi.
Kung gusto n'yong mabasa ang buong kwento, maaari kayong bumili ng e-book version nito sa halagang 30 pesos lamang!
Details:
Title: Lust Library
Author: Yasha
Genre: Erotica
Number of pages: 94
Format: PDF
Mode of Payment: GCash
Mag-email lamang po sa iamredweasley@g*******m para sa iba pang mga detalye. Thank you!