bc

Lust Library [Preview Only]

book_age18+
27
FOLLOW
1K
READ
one-night stand
HE
office/work place
assistant
like
intro-logo
Blurb

Meet Aya, ang misteryosang librarian na may ginagawang kababalaghan sa library tuwing gabi.

chap-preview
Free preview
First Lust
CHAPTER ONE MAG-IISANG buwan pa lang na substitute librarian si Aya, pero pakiramdam niya, matagal na siyang nagtatrabaho sa Lustria Libera University. Nakasundo agad niya ang mga estudyante, at hindi makapaniwala ang mga ito na malapit na siyang magtreinta. Nasa limang talampakan at tatlong pulgada ang kanyang tangkad at balingkinitan ang kanyang pangangatawan kaya naman madalas siyang mapagkamalang estudyante rin doon. Gustong-gusto siya ng mga estudyante. Hindi kagaya ng dating librarian doon na si Miss Glenda, mabait si Aya at palangiti. Kaya nga laking tuwa ng mga ito nang magpasya si Miss Glenda na tumira sa ibang bansa dahil nakapangasawa ito ng banyaga. Hindi raw inakala ng mga ito na makakapag-asawa pa ang dating librarian dahil masungit nga ito at napakaistrikto bukod sa malapit na itong magkwarenta. “Ikaw, Miss Aya, `wag ka munang mag-aasawa, ha?” hirit ng palaging tambay sa library na si Ram. “Hay, naku, Ramonito, `wag mo nang pangunahan si Miss Aya,” pakli naman ng kaklase nitong si Tanya. “Wala ka pa ring pag-asa sa kanya.” Sumimangot naman agad si Ram. “Tanggap ko na `yon, Tanya. Siyempre, kapag nag-asawa si Miss Aya, baka mag-resign din siya rito sa LLU. Minsan na nga lang tayo makakita ng mabait na staff, e.” “Sabagay, may punto ka riyan,” ani Tanya. Marahang tumawa si Aya. “Huwag kayong mag-alala. Matatagalan pa sa ibang bansa ang nobyo ko kaya malabo akong mag-asawa agad. Saka hindi naman kami nagmamadali. Matagal n’yo pa `kong makikita rito sa LLU,” sabi niya. Napangiti naman sina Tanya at Ram sa narinig ng mga ito. “Wala pa ba kayong klase? Anong oras na?” paalala pa niya sa mga ito. Parehong napalingon sa orasan ng library ang dalawa. “Sampung minuto na lang pala. May quiz pa tayo,” ani Tanya. “Tara na, Ram.” “Sige. Kita na lang tayo bukas, Miss Aya, ha?” Napangiti naman si Aya. “Galingan n’yo.” Nang umalis ang dalawa ay si Aya na lamang ang naiwan. Iniligpit niya ang mga libro sa mesa. Sa loob ng kalahating oras ay magsasara na rin ang library. Mag-a-alas-siyete na ng gabi. Alas-siyete y media naman ang out niya. Alas-otso natatapos ang klase ng ilang natitirang estudyante kaya tahimik na sa palapag na iyon ng eskwelahan. Naro’n din sa palapag na `yon ang opisina Mr. Almoro, ang dean, at ng faculty, pero madalas na nasa klase rin ang ilan sa mga ito, at ang iba naman ay nakauwi na. Matapos magligpit ay pinatay na ni Aya ang nag-iisang ilaw sa loob ng library. Pero hindi agad muna siya umaalis dahil maaga pa naman. Lumapit siya sa pinto at sinadyang iniwan iyon na bahagyang nakaawang. ANG ILAW mula sa cell phone ni Aya ang tanging pinanggalingan ng liwanag sa loob ng library. Nasa likuran siya ng isa sa mga shelf at ang cell phone niya ay nasa mesa, nakatutok sa kanya. Matatag at matataas ang mga lalagyan ng libro roon kaya kahit anong galaw niya ay hindi malalaglag ang mga libro. Napakagat-labi siya nang buksan ang huling butones sa suot niyang mahabang blusa. Ang kanyang itim na palda ay nasa sahig na habang ang kanyang panty naman ay nasa paanan niya. Ngayon ay malaya nang umaalog ang maumbok niyang dibdib. Hindi sobrang laki, ngunit hindi rin naman maliit. Gustong-gusto iyon ng nobyo niya. “Hmm...” Tinakpan niya ng isang kamay ang bibig upang supilin ang mga ungol na kumakawala sa kanyang lalamunan. Idinikit ni Aya ang paborito niyang laruan sa gilid ng shelf upang malaya niya iyong magamit. Doon ang paborito niyang pwesto, pero marami na rin siyang balak subukan sa mga sulok ng library. Habang iniisip niya iyon ay lalong namamasa ang kanyang p********e, lalong nag-iinit ang kanyang katawan. Lalo siyang ginaganahan. Napatiyad si Aya at napahawak ang libreng kamay sa shelf habang bumibilis ang kanyang pag-ulos sa kanyang laruan. Malapit na siya sa sukdulan. “Oh!” Naipikit niya ang mga mata, ang kanyang paghinga ay bumibilis. “Mmp!” Saglit siyang nanigas sa kanyang pwesto, at pagkatapos ay hindi na niya napigilan ang panginginig ng kanyang katawan nang maabot niya ang rurok ng kaligayahan. Nanatili siya sa ganoong pwesto hanggang sa bumagal ang kanyang paghinga at mabawi niya nang kaunti ang kanyang lakas. Mayamaya pa ay dahan-dahan niyang inalis ang laruan sa pagitan ng kanyang mga hita. Nakaramdam pa rin siya ng panginginig nang bahagya siyang lumuhod at hinaplos ang bagay na iyon. “Hmm...” Walang seremonyang isinubo iyon ni Aya at inilabas-pasok sa bibig niya, iniisip na tunay na ari iyon ng lalaki. Nalasahan niya ang alat at init ng sarili niyang katas. Kinuha niya ang kanyang cell phone at pinindot ang stop button. Napatingin siya sa oras. Malapit nang mag-alas-siyete y media. Sapat na oras pa rin iyon para makapagbihis siya, pero hindi naman siya palaging nagmamadali. Lumabas siya ng library na parang walang nangyari. Dahil nasa likuran lang naman ng university ang apartment niya, nilalakad na lang niya iyon pauwi. Pag-uwi niya sa tinutuluyan ay nananabik na ni-review niya ang kinunan niyang video sa sarili. Nakadapa siya sa kama habang pinanonood iyon. Bigla niyang pinindot ang pause button nang may mapansin siya. May bulto ng tao na lumitaw sa kabilang dulo ng shelf, pero hindi niya maaninag ang mukha nito! Nang pindutin uli niya ang play ay nanatili roon ang pigura nang ilang sandali na para itong estatwa. Nakita pa nito kung paanong narating niya ang sukdulan bago ito naglaho! MAGANDA ang mood ni Aya nang sumunod na araw. Gaya ng dati ay excited siyang pumasok. May pilya na naman siyang ideya. Katatapos lang niyang maligo. Kinuha niya ang life-sized stuffed toy na regalo sa kanya ng nobyo niya at dinala iyon sa kama na kaharap ng body mirror. Inalis niya ang tuwalya sa kanyang katawan at pinaupo sa sahig ang teddy bear. Inilingkis niya ang mahahabang binti sa balikat ng stuffed toy upang matakpan ng ulo nito ang maselang bahagi ng kanyang katawan. Pagkatapos ay lumiyad siya at kinunan ang sarili sa salamin. Nang matapos niyang magbihis ay nagpa-print siya ng maliit na size n’on sa kanyang printer. Ang totoo, marami na ang nag-alok kay Aya na maging modelo at maging artista at ipampuhunan ang kanyang katawan. Pero galing siya sa konserbatibong pamilya, kaya hindi niya tinanggap. Hindi naman siya nanghihinayang. Marami namang paraan upang magawa niya ang kanyang gusto sa kanyang katawan.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
129.3K
bc

The Sex Web

read
134.2K
bc

THE BILLIONAIRE'S AMNESIA (COMPLETED)

read
91.5K
bc

Belles and Saints 1: RAVISHED R-18

read
39.2K
bc

DELA COSTA EMPIRE SERIES 1: DEBT

read
12.4K
bc

NANNY FOR THE BILLIONAIRE'S TWINS

read
66.8K
bc

Escaping My Mafia Boss Fiance

read
35.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook