“Beh, libre yan. Sige ka baka magbago ang isip ko, takbuhan kita!”
Napatawa ako sa sinabi ni Venice.
Nandito kami ngayon sa isang mamahaling restaurant sa Manila. Nagyaya kasi siya kanina na magpapalibre daw siya dahil naka quota daw siya ng malaki.
Napatingin kasi ako sa mga in-order niyang pagkain. Napaka-ironic kasi at the same time nostalgic.
It’s all her favorite foods way back when she is at school.
Lasagna, enchiladas, turkey, crumpets at salmon.
“Hay sige kainan na Venice! Matagal na akong hindi nakakatikim ng ganito! Thanks!” sabi ko sabay tira sa mga pagkain.
Tumawa lang si Venice ng mahina at hinayaan akong kumain.
Ok na sana ang lahat ng makita ko na naman sya...
Nakatayo sa hindi kalayuan sa amin. May dumaang waiter pero tumagos lang ito sa kanya.
Nakatitig na nakatitig siya sa akin. Hindi ko maaninag ang mukha niya pero alam kong sa akin siya nakatingin.
“May mga multo talaga na mahirap takasan. Minsan wala sa kanila ang problema. Nasa tao na din kasi hindi nila kaya silang pakawalan...”
Napalingon ako sa kaibigang ko na ngayon ay nakangiting nakangiti sa akin at kampanteng nakaupo na parang nasa kanya lahat ng oras.
“Venice? Nakikita mo siya?” wala sa loob na tanong ko.
Sa halip na magtanong ay tumango siya, “Oo beh. At hindi ka niya titigilan hanggat hindi mo siya pinapakawalan.”
“Hindi ko naman siya kilala---“
Napatigil ako sa pagsasalita ng dahan-dahang lumapit ng kaunti ang lalaki sa akin.
Umiling lang si Venice at nagbukas ng isang Extra Large Kettleroo Gummy Popcorn at ipinatong ito sa table.
“Beh, kwentuhan mo naman ako ng tungkol buhay mo. Handa akong makinig. Sino ka ba talaga? Saan ka galing at saan ka papunta?”
Hindi ko alam kung bakit pero sa halip na tumanggi ako ay tumango na lang ako sa kanya.
“I’m... I’m from Semi-Autonomous Island of Versalia...” simula ko.
“They said it was the island of dreams, diba beh?” tanong ni Venice sa akin.
Sa hindi ko malamang dahilan ay napangiti ako ng labag sa aking sarili at tumango, “and it was Venice. It really was...”
Napatingin ako sa madilim na madaming bituin sa langit at naalala ko na ganitong ganito rin ang langit ng una kong gabi sa Versalia Island.
Ang unang gabi sa Isla ng Pangarap...
-0-
“Hindi ka pa ba tutulog anak?”
Napalingon ako sa babaeng biglang tumabi sa akin habang nakatayo ako sa balkonahe ng aming bahay at nakatingala sa kalangitan na puno ng mga bituwin.
Umiling ako at ibinalik ko sa langit ang aking mga mata, “Not yet Mom. May kaunting jetlag pa ako. Besides, namamahay ako.”
“Well you better sleep soon. Maaga pa ang pasok mo bukas right? It’s your first day as a freshman here in Versalia University and a Vasquer like me to boot!” excited na sabi ng kanyang ina habang napatingin ito sa mga kabahayan ng Reef, ang exclusive village only for the students of the Sixth Class Vasque Faction. One of the Eight Factions of Versalia University.
Deep inside, ayaw ko talagang pumasok dito sa Versalia University in the first place.
Masaya na ako sa dati kong school sa F.E.U. Well technically doon ako enrolled pero the truth is homeschooled ako using the curriculum of the said school.
Masyadong protective ang Dad ko so since kinder to grade six, sa bahay lang ako nag-aaral.
I preferred to stay that way pero I know this is inevitable.
Hindi pumayag si Mom at Dad sa gusto ko since they themselves are Versalistas in the first place.
Mom as a student from Vasque and Dad from the Third Faction of Phidoch. It’s only natural for me to study there too since we’ve got the cash and the reputation to enter this prestigious university na para lamang sa mga nakakaangat sa buhay at mga kilalang tao.
My mom is Creusa Montealto a celebrated lifestyle writer while my Dad is Yosef Llarena only son and heir of Josefo Llarena a steel businessman on the surface, black market trader underneath.
I have a privileged life. Lahat ng gusto ko nakukuha ko, except freedom of course.
May mga katulong ako, body guards and drivers to do my bidding.
Napatingin ako kay Mom na naka night gown at salamin. A very nerdy yet beautiful mother indeed.
Ngumiti naman siya sa akin at kumindat bago malambing na hinatak ako papasok sa aking kwarto at inihiga sa aking kama.
“Sleep my Xeria. You’ll need it,” utos niya sa akin.
“Pero Mom...”
Inilagay niya ang kanyang hintuturo sa aking mga labi at umiling, “Shhh my daughter. Walang pero-pero. You are here and you have to be here. You will enjoy it as time passes by. Trust me ganyan din ako dati.”
Hinalikan niya ako sa aking noo at lumakad na palabas ng aking kwarto.
Akmang isasara na niya ang pintuan ng bigla siyang tumigil at ngumiti ng pilya sa akin, “I will be leaving early this morning Xeria and I will be taking the bodyguards with me leaving you with Yaya Mena and Manong Jun here. It’s your chance to fly my sweet. Your Dad is not here. You’re free,” sabi niya sabay kindat at isanara na ang pintuan.
I stared at the ceiling of my room and realized, maybe it’s not so bad.
Malaya na ako...
-0-
“Are we really underwater?” hindi ko napigilang tanong sa tour guide namin the next day.
Dinala ako ni Manong Jun, ang driver namin sa school compound ng Vasque Faction.
At first, I was expecting more than a tall lighthouse/observatory besides an artificial lake as a school building. Syempre ine-expect ko mala-Fenrir na kastilyo man lang or something. Nadaanan kasi namin on the way here dahil naligaw pa kami sa lawak nitong University.
To my surprise, sa halip na up button ang pinindot ng tour guide namin sa elevator, ay yung down ang priness niya and to my surprise we are going under the lake itself!
Tumango ang guide sa akin at itinuro ang mga magagandang lamang dagat na naglalangoy sa labas ng see-through naming elevator as we glide downwards on our way to what seems a school building underwater!
“Yes we are. In my opinion, our school building is the best in the whole university. We are literally studying underwater. Not to be bias but what do those Almoricans got? A lot of sand?” napatawa siya at itinuro ang mga naglalangoy na seahorse sa aming paligid, “We’ve got half the entire water species around us.”
Nagbulungan in excitement ang mga kasama kong fresmen habang patuloy kaming bumababa until finally nakarating kami sa school building proper.
To my amazement, lahat ng Vasquers ay nahahati sa tatlong category. Either they are mechanical, technical or educational type.
All of them are wearing standard Versalia University uniform pero may mga orange arm-band sa kanilang kaliwang braso at pearl studded silver seahorse brooch sa kanang dibdib.
Naglalakad sila pero either meron silang sinusulat sa papel na kung ano, kinakalikot at binubuksang gadget or nakasubsob ang ulo sa makakapal na libro or nagmememorize ng mga scietific terms.
I wonder kung paano nila nagagawa yun while walking and not even looking where they are going na hindi sila nabubunggo sa pader o nakakaumpugan ang mga ka-faction nila.
It’s like they memorized the entire layouts and corridors of this school building na kahit hindi sila nakatingin sa dinadaanan nila ay nakakapaglakad sila smartly while still doing things.
“First years, this way please! Ituloy na natin ang ating tour!” malakas na tawag ng guide namin at nagpatuloy na kami sa aming paglalakad sa school building under the lake.
-0-
“Ms. Llarena can you tell me what’s the answer in question number eighty three?” malakas na tanong ng teacher sa akin.
Obviously sa aking sarili, hindi ko alam ang sagot!
God! First grading period pa lang kami pero yung test questions abot hanggang fourth grading! And what’s worst, ako lang ang bukod tangi sa mga magkakaklase ang hindi alam ang tamang sagot!
“I don’t know sir. Sorry”, honest kong sagot dito.
This time hindi na tumingin ang mga classmates ko sa akin. Dati nung first week namin, bentang benta ang “kabobahan” ko sa class subjects.
I mean really! Score mo sa test na over one hundred ay eighty five, tapos lowest of the low yun kasi yung next na lowest score ninety seven?!
Ang alam ko school ang pinasukan ko, hindi scientist’s association!
Hindi ako boba pero when you compare me sa mga classmates ko na umpog na sa kisame ang taas ng IQ magmumukha talaga akong engot.
And that’s my biggest problem here.
Napabuntong hininga ang teacher namin at napailing.
“Ms. Llarena, can you please show at least some enthusiasm in studying? If I’m not mistaken, for the first time in a decade, ngayon lang kami nagkastudent na kagaya mo. No study habit whatsoever. You can’t just rely on stock knowledge alone and......”
Wala na akong naintindihan sa sinabi niya at wala na akong balak antindihin. Paulit-ulit lang ng sinasabi ang mga teachers ko dito. I bet yung next teacher yan din ang sasabihin pag hindi ako naka forty five and above sa test nya na over fifty.
I fixed my sliding glasses at tumango na lang ng tumango hanggang sa matapos ang mantra ng teacher ko about my laziness and complete lack of initiative to study.
After what seems an hour ay pinaupo din ako after the tongue lashing at nagpatuloy na siya sa pagtuturo while pinagtitinginan ako ng mga classmates ko.
-0-
“Wow beh, medyo extreme naman ata ang pagiging matalino ng mga classmates mo,” comment ni Venice ng tumigil ako ng saglit sa pagkwekwento, “I mean, big brains underwater? Now I’ve heard it all!” eksaheradang reaction niya sabay subo ng Gummy Popcorn.
Tumango ako at napatingin sa plato ko.
“I tried naman Venice pero talagang hindi ko magawang makasabay sa kanila. It’s just not me or mas nag fufunction ang utak ko pag solo lang ako mag-aral. Like nung nag-homeschooled ako,” inis kong sabi na parang kanina lang nangyari ang lahat.
Napatingin ako sa lalaking multo na nakatayo pa rin sa hindi kalayuan sa kinauupuan namin.
Venice just waved her hand na parang nagpapalayas lang ng langaw.
“Oh don’t mind the ghost beh. He won’t come closer unless you wish it to go away. Besides, there are more things that are scarier than a ghost,” thoughtful na imik nya sabay subo ng popcorn.
Napamaang ako kay Venice but she just smiled at me and said, “Continue your story beh.”
Tumango ako at huminga ng malalim then I started to travel back in time in my mind as I recall the memories of the past long forgotten.