“Ano daw order Jenemel?” tanong ko sa aking kasama na nasa tapat ng kaha at nagpapa-order ng customers habang nag-beblend naman ako.
Tiningnan ulit ni Jenemel ang o.s nya at sinabing, “Apat na medium na durian Xeria.”
“Dyeske! Apat?! Sure ka?!”
Tumango naman agad ito at wala na akong nagawa kundi kunin ang durian powder sa drawer at pagkabukas na pagkabukas ko nito ay sya ding pagtigil namin sa paghinga.
Ibang klase din ang best seller namin. Kung ano ang isinarap yun din ang ibinaho!
Pa three months na akong nagtatrabaho dito pero hindi pa ako masanay-sanay sa amoy ng pinagpalang durian na ito!
Minabuti naming bilisan ang trabaho para maubos na yung pila ng mga customer at makapaglinis na kami kahit papaano.
Baka may dumating na company inspector ay malintikan pa kami pag naabutang madumi ang store namin.
Magandang kasama si Jenemel. Malinis at very serious sa work. Medyo merong pagkatahimik lang ng kaunti. Pero overall a nice girl.
“Xeria break mo na!”
Sabay kaming napairit ni Jenemel ng bigla na lang sumulpot sa likod namin at sumigaw ang isa pa naming katrabaho na si Emery.
Eighteen years old pa lang ito at sobrang childish. Bigla na lang itong susulpot at mabubulahaw. Nakakairita pag minsan pero once you get over her attitude, you can find a hardworking girl na always present, never absent maliban na lang kung may emergency.
“Emery please naman! Mano man lang bang wag kang manggulat?! Muntik ko nang mabubo itong durian powder, baka ilang araw na naman tayo nitong magpabango dito sa sobrang baho!” inis na sabi ko dito habang hawak ang muntikan nang matapon na durian tupperware.
Napakamot na lang ito sa ulot habang si Jenemel naman ang kasunod na nangangaral dito.
Ako naman ay nagtanggal na ng apron, visor at hairnet. Bumagsak ang buhok kong hanggang bewang pero mabilis ko iting pinuyod.
“Beh, sayang ka talaga! Ang ganda mo na sana pag nakalugay hair mo!” puna ni Venice na ngayon ay nag-seseal naman ng mga binebenta niyang popcorn.
Tumawa na lang ako at umiling, “Sobrang init dito sa Binan Venice. Nakapuyod pa ako nyan ha? Paano pa kaya kung nakalugay na? Lalong nagmukha akong fountain of sweat?”
“May point ka dyan beh. Hala siya larga na,” pagtataboy nito sa akin.
Nagpaalam ako sa dalawa kong kasamahan at dumeretso na ako sa Savemore para bumili ng turon.
Yes, turon.
Turon ang aking meryenda! Masarap na, mura pa! Plus masustansya pa!
Dala ang aking handy tubigan ay umupo ako sa isang monoblock chair na para sa mga customer at tinira na ang aking turon.
“I love you!”
“I love you too!”
Napalingon ako sa aking likod at nakita ko ang dalawang mag syota na naglalampungan at naghaharutan.
Nawawalan ako ng gana kaya minabuti kong lumayas na at humanap ng ibang mauupuan.
Napapunta ako sa stairs ng mall at dun ako sumiksik sa gilid para manginain.
Ayos na sana ang lahat ng makita ko na naman siya...
Ang binatang duguan ang tagiliran at basang-basa ang katawan na nakatayo sa ibaba ng hagdan katapat ko.
“Bakit?”
Mahinang tanong niya na parang kalapit lang ng tenga ko ang bibig niya ngunit nakatayo naman siya ilang steps sa baba ko.
Umiling ako at nanlamig. Nabitawan ko ang aking turon at mabilis akong tumakbo pababa, pailag sa kanya at deretso sa store namin kung saan gulat na gulat sila Jenemel at Emery.
“Oh, hindi pa tapos ang break mo ah!” puna ni Emery ng makita niyang dali-dali kong sinusuot ulit ang hairnet, vizor at apron ko.
Tumingin si Jenemel sa orasan at tumango, “Oo nga Xeria. Para kang nakakita ng multo!”
Pinilit ko na lang tumawa pero nakita ko si Venice na may cheese popcorn sa kanang ilong na nakatitig sa akin na parang alam niya ang nangyari.
-0-
“Pop! Gummy Popcoooooooooooornnnnnnnnnnnnnnnnnn poooooooooooooooo!”
Napalingon ako kay Venice na nagtatawag ng customer at sinisigaw ang bago nilang item na Gummy Popcorn.
Pareho kaming opening ng araw na iyon kaya heto, pilit nagtatawag ng customer dahil maaga pa at kakaunti ang tao sa mall.
Nameywang ito at nakangiting nakatitig sa akin, “Ano ang tinitingin-tingin mo diyan Xeria?”
“Wala lang Venice. Nakaktuwa ka kasi! Lagi kang happy everyday!”
Tumawa naman ito at tumango, “Why yes beh! Because I WANT to be happy kaya happy ako. Nakakatanggal pagod at stress--- Yes Ma’am, fifty pesos lang po ang Gummy Popcorn---,” masayang sabi nito ng biglang may bumili sa kanya.
Lumingon ulit sa akin si Venice at ngumiti, “As I was saying, nakakatanggal ng pagod at stress ang pag ngiti! Tingnan mo ako!” hinaplos niya ang makinis niyang balat at kahit petite lang ito ay very adorable naman at flawless. Swerte ng Kettleroo na may trabahador silang katulad niya, “Kinis diba? Effect yan ng pagiging happy! Hindi mo katulad! Yang mukha mo para kang laging minumulto!” makahulugang sabi niya sa akin.
“Eto namang si Venice oh!” pinilit kong tumawa, “Happy naman ako mostly!”
Akmang sasagot pa siya ng mapatingin siya sa likod ko. Lumingon ako at nakita ko sila Jenemel at Emery na papalapit na sa store ko.
“Pano ba yan, nandyan na ang workmates mo! Work-mode na tayo beh!” announce niya sa akin.
Napakamot ako sa ulo, “Venice bakit ayaw mong kausapin silang dalawa? Parang hindi kayo nagpapansinan!”
“Basta... sige work na beh! Lot’s of corn to pop pa ako! Dami kong customers sureness!” masaya nitong sabi sabay abot ng popcorn sa isang dambuhalang mama na customer niya.
“Oh! Nakatulala ka na naman diyan Xeria!” puna ni Jenemel na nag-aayos na ng gamit niya.
Tumango naman si Emery na nagsusuot ng apron, “Yes! Lagi ka na lang ganyan! Sino ba yang iniisip mo ha? Lalake ba yan?!”
“No! Tsk. Hala siya magtrabaho na tayo. Madami pa tayong ishe-shake na durian!” sabi ko sa kanila sabay pa-order ko sa bagong dating naming customer.
Nag-high five naman sila Emery at Jenemel at pumwesto na din pero biglang nagsalita si Emery...
“Amoy popcorn na naman. Saan ba yun?!”
Napalingon ako kay Venice na nagluluto ng sweet and chily flavor popcorn at kumindat siya sa akin.
-0-
Nagpakita na naman siya...
Ang lalaking parang lagi akong sinusundan...
“Bakit?”
Mahinang tanong niya sa akin. Ngayon ay naglalakad na siya papalapit sa akin.
Kahit anong lingon ko o kurap ng mata hindi pa rin siya nawawala.
Tumakbo ako...
Tumakbo ng tumakbo ako pero sa bawat paglingon ko ay kasunod ko siya. Paulit-ulit siyang nagtatanong ng bakit sa akin.
Hindi ko na alam kung saan ako patungo pero takbo parin ako ng takbo.
Hanggang sa hindi ko namalayan ay nakarating na ako sa tabi ng isang ilog na tahimik na dumadaloy sa ilalim ng bilog na buwan.
Lumingon ako pero hindi ko na siya nakita.
Pero sa pagbalik ko ng tingin sa ilog ay nakita ko ang isang katawan ng duguang lalaki na naanod sa aking tapat.
Nagpakawala ako ng isang malakas na irit...
*MY ANACONDA DON’T! MY ANACONDA DON’T! DO-DON’T WANT NONE UNLESS YOU GOT BUNS HUN!*
Nagising na naman ako sa alarm ko at napahikbi ako.
May panaginip na naman ako pero hindi ko na naman matandaan.
Huminga na lang ako ng malalim at dumeretso na sa banyo para maligo. Hindi ako magkakasweldo kung hindi ako papasok.