Allison's Pov Unti-unti kong minulat ang mata ko at agad itong nanlaki ng makita ko si Tyronne. Halos 1 inch na lang ang pagitan ng mukha namin, ngumiti ito sa akin. Sa sobrang gulat ko agad ko siyang nasampal. Agad akong tumayo at tinignan ang sarili ko, napahawak naman si Tyronne sa pisngi niya at naawa naman ako dahil namumula na ang mukha nito na sinampal ko. Agad akong lumapit sa kanya, nakanguso siyang tumingin sa akin. Napairap naman ako. “Sorry ”Iwas kong sabi dito Tumayo ito at napa atras ako ng unti-unti itong lumalapit sa akin. “Bakit? ”Iwas kong tanong. Mapang-akit na ngumiti ito sa akin. Hinawakan niya ang labi ko kaya napalunok ako. Inilihis niya ang pagkakahawak niya sa labi ko at inilagay sa may gilid ng

