Allison's Pov Napadilat ako ng biglang tumunog ang cellphone ko. Tinagnan ko ang screen at si Dad pala ang tumatawag kaya agad ko itong sinagot. “Dad” “[Anak nandito ako sa airport, sunduin mo ko]”Agad akong napabangon “Nandito ka na sa pilipinas ? ”Gulat kong tanong “ [Oo. Bakit ayaw mo ba?] ” “Hindi naman sa ganun. Nabigla lang ako. ”Pinatay ko na ang tawag at agad na nagayos Kinatok ko ang kwarto ni Xenon. Gulo gulo at may panis na laway na binuksan ni Xenon ang pinto. “Ano ba yang Allison? Ang aga-aga ng gigising ka”Kinamot niya ang ulo niya, halatang naiinis siya. “Umalis ka muna dito. Pupunta si Dad dito.”Nataranta naman siya. “Pag balik ko dapat wala ka na dito kung hindi... ”Tinignan ko

