Allison's Pov
Naalimpungatan ako ng biglang tumunog ang cp ko. Hayst ano ba yan!? Ngayon pa nga lang ako makakatulog!
Sinagot ko yung tawag at pumikit.
“Bakit?”Hindi ko alam kung sino yung kausap ko kasi masyadong nanlalabo pa ang mata ko.
“[Hoy Allison! Anong oras na? Nakahilata ka pa rin ba? Ngarag pa yang boses mo eh. ]” Kinusot ko ang mata ko. Kakatulog ko lang, utang na loob kailangan ko ng tulog.
“Kbye tulog na ako”Sabi ko at agad na pumikit.
“Oh s**t! ”Sigaw ko ng may magtulak sa akin sa may kama ko
“Bakit ba parang puyat na puyat ka naman!? ”Sigaw sa akin ni Venus habang nakapamewang pa sa harapan ko. Nandito pala siya may patawag-tawag pang nalalaman.
“Puyat ako Venus kaya konting respeto patulugin mo ako”Umiling-iling ito sa akin. Napa-irap na lang ako sa hangin. Ano pa bang magagawa ko?
“Bakit mo ba ako ginigising?”Irita kong tanong sa kanya
“Nakalimutan mo!? ”Gulat na tanong ni Venus. Ano yung nakalimutan ko?
“Yung alin? ”Taas kilay kong tanong at tumayo ako mula sa pagkakahulog ko sa may kama.
“B-day ngayon ni Tyronne at nag pahanda ang Mommy ni Tyronne. Nandiyan nga pala yung daddy mo inivite siya ng mga Montefalco”Tumango na lang ako at naligo na at nag-ayos.
Naka red dress ako at naka red na high heels din. Si Venus naman ay naka off shoulder na blue at pantalon.
“Puyat ka ba? ”Tanong ni Dad sa akin nakangiti akong umiling sa kanya. Hindi ako komportable sa soot ko si Venus kasi ito yung pinasuot sa akin.
“Dad mauna na kayo ni Venus may pupuntahan lang ako”Tumango lang si Dad. Pag-alis nung sasakyan nila agad akong pumasok sa bahay at nagpalit ng damit.
Hindi ko alam sa sarili ko kung bakit nag long red dress ako na kita ang likod.
Nag-lipstick ako ng kulay pula at konting foundation lang at ayos na.
Sumakay ako sa sport car ko pero bago ko mapaandar ito ay lumabas bigla si Xenon na halata mong kakagising lang. f**k nandito nga pala si Xenon at si Dad. Lagot ako nito kay Dad, buti hindi sila nagkita.
“Saan punta mo? ”Tanong nito habang kinukusot-kusot pa ang mata
“Wala ka na dun”Sagot ko at agad na pinaharurot ang sasakyan ko.
Tyronne's Pov
Ang sakit na ng panga ko kakangiti. Kanina pa ako palingon-lingon sa pagilid baka kasi makita ko si Allison. Nandito na yung dad niya at si Venus pero wala pa rin siya. Pupunta kaya siya?
Aalis na sana ako sa kinatatayuan ko. Agad akong napalingon at halos lahat ata ng bisita ko ay nakuha niya ang atensiyon. Naka-shades ito at naka sport-car na kulay red. Bumaba siya sa sport car niya at kitang-kita ang magandang hubog ng katawan nito. Naka red long dress ito na nakita ang likod, naka red lipstick din ito.
Feeling ko sumikip bigla yung tuxedo kong suot ng bigla itong lumapit at inilapit ang bibig niya sa tenga ko. Pinipigilan ko yung hininga ko at pinagpapawisan ako. Nararamdaman ko ang bawat paghinga niya sa tenga ko.
“Happy b-day”Bulong nito sa akin
Iniwan niya akong tulala doon, namumula. Pumunta siya sa dad niya at nakibeso sa mga kakilala ng dad niya.
Umupo na siya sa tabi nila Venus. Niyaya ako ni Venus doon kaya agad akong pumunta. Gusto ko sana sa tabi ni Allison kaso nandoon ni Blake at wala ng upuan sa tabi niya.
Ingay lang sila ng ingay. Tahimik lang si Allison habang umiinom ng alak.
“Tama na yan Allison baka malasing ka”Pigil sa kanya ni Blake pero hindi ito nakinig at agad na uminom.
Di ko na napigilan ang sarili ko at agad kong kinuha yung bote sa kanya na kanina niyang nilalaklak.
“Hindi ako mabilis malasing”Inis na sabi ni Allison. Nilagok ko yung natitirang alak sa bote para wala na siyang mainom.
“Naku Tyronne wag mong hayaang malasing yan”Tatawa-tawang sabi ni Venus
“Bakit? ”Di ko naman talaga hahayaang malasing si Allison pero nacurious ako kung paano malasing si Allison.
“Kapag good mood siya at wala kang mababanggit na ikaiinis niya. Nakakatawa yang malasing. Para yang baliw, pero kapag bad mood yan at may masabi kang hindi hindi nagustuhan. ”Lumapit sa akin si Venus
“Patay tayong lahat”Napatingin ako kay Allison, namumula na ito.
Biglang tumayo si Allison at pumasok sa bahay namin. Napakunot ang noo ko at agad kaming sumunod sa kanya.
Nakita naming nakahiga na siya sa mag sofa at matutulog na. Umupo kaming lahat sa bakanteng upuan.
Nagtataka kaming napalingon kay Allison ng biglang itong tumayo at lumapit kay Blake. Dumagan ito kay Blake, nakaramdam agad ako ng inis ng magkalapit na ang mukha nila.
Kinuha ni Allison yung kinakain niyang mush mallow at pilit sinusubo kay Blake. Natawa naman kaming lahat.
“Ayoko Allison”Natatawang tanggi ni Blake
“Kain mo yan”Pilit ni Allison
Hindi ko inaakalang kakainin talaga yun ni Blake. Napakaarte pa naman niyan. Lahat talaga gagawin niya para kay Allison.
Umalis na si Allison sa pagkakadagan niya kay Blake. Agad na pumasok ng kusina si Blake.
Ako naman ngayon ang dinaganan ni Allison.
“Happy b-day”Bati nito sa akin, nginitian ko na lang siya.
Magkadikit na ang ilong namin at ramdam ko ang paghinga niya.
Hinawakan niya ang labi ko gamit ang hintururo niya na para bang hindi niya ako pinagsasalita.
“Alam niyo bang maraming nagbabantay ngayon? Hindi mga bodyguard ng mga Montefalco. ”Napakunot naman ang noo ko, ano bang sinasabi ni Allison?
May tinuro ito kaya agad kaming napatingin sa tinuturo niya.
“Yang lalaking nakatutok ng baril sa atin”Tumayo siya sa pagkakadagan sa akin
“Kay Venus”Agad na sabi nito at tinulak si Venus
Nabasag ang vase na kaharap ni Venus.
“Marami pang nagbabantay kaya mag ingat kayo. Sumunod ka sa akin Blake may pupuntahan tayo”Sabi nito at umalis.
Maraming nagbabantay? May mga bagong kalaban ba ulit? Napatingin ulit ako sa kaninang tinuturo ni Allison meron akong naaninag na anino.