Chapter 7

1224 Words
Kent's Pov           Nandito kami sa bahay nila Tyronne. Kaming mag totropa nadagdag lang si Blake. Nandito din siya sa tabi namin.            “Blake... ”Tawag ko dito, bored naman itong tumingin sa akin.             “Bakit? ”Kunot noo nitong tanong              “Kayo na ba ni Allison? ” Nakita ko sa peripheral vision ko ang pagkunot ng noo ni Tyronne.            “Bakit mo tinatanong? ” Cold na tanong nito           “Wala lang, Na-cu-curious lang ako”Tinignan lang niya ako at uminom ng wine           “Ang sungit mo. Di naman ganyan si Tyronne, mag-kapatid ba talaga kayo? Parang hindi kasi. Bawas-bawasan mo pagiging masungit mo. Maging mabait ka para makatagpo ka ng babae na cool parang si Allison. Kaya nga nagustuhan ni Allison si Tyronne dahil mabait ito. ” Napahampas ito sa may lamesa at nanlilisik ang matang tumingin sa akin.         Bakit ko nga ba iyon sinabi? Ewan. Lumabas na lang bigyan yun sa bibig ko. Grabe para siyang dragon!            “Bakit sinasabi mo bang hindi ako mabait? ”Madiin nitong tanong            Napakagat ako ng labi ko, nahahawa ako kay Venus ng kadaldalan. Buset!            “Bakit hindi ba? ”Prenteng sagot ni Tyronne            Nakangising tumingin si Blake kay Tyronne.            “Lil'brother wag mo akong sinusubukan. Makapag-salita ka akala mo santo ka sa sobrang bait. Santo nga ba? O nagsasanto-santohan? ”Nakangisi nitong tanong          Napahampas sa mesa si Tyronne, bago makalapit si Tyronne kay Blake ay agad na itong napigil ni Dominic.           Tumayo na si Blake at nag lakad pero agad din itong tumigil.            “Samuel wag na wag mo akong susubukan, di mo pa ako kilala. ”Pag tapos nung sinabi nito ay umalis na ito           “That f*****g bullshit! Napakayabang niya talaga”Oo nga! Kala mo kung sino mag salita.            “Kapatid mo ba talaga yun? ”Tanong ko. Wala kasi silang pagkakaparehas.            “Malay ko”Sagot nito           “Hindi nga natin talaga siya kilala. ”Napatingin kami kay Dominic. Ano sinasabi nito?            “Sinasabi mo? ”Tanong ko, nahipan ata ng hangin ang utak ni dominic.            “Si Blake... Napaka misteryoso niya. Kapag nagagalit siya para siyang demonyo na tulad ni Allison”           “Hoy Dominic! Grabe ka naman kay Allison. Di naman demonyo si Allison, noh? ”            “Ewan ko sayo Kent wag mo akong kausapin”Iritang sabi nito           “Oo na pupunta na lang ako kay Venus”Tumayo na ako           “Hoy Tyronne nandiyan si Allison”Sigaw ko           “Ha? Nasaan? ”Agad akong napahagalpak ng tawa. Inlababo parin pala itong si Tyronne kay Allison.           “Nasa puso mo”Agad kong sabi sabay karipas ng takbo sa labas           Naglakad lang ako, malapit lang laman sa kabilang kanto lang naman ang bahay ni Venus my labs.            Habang nag lalakad ako may nakabunggo akong lalaki. Aba siga!            “Hoy! ”Tawag ko dito          Lumingon naman ito at agad na nanlaki ang mata ko.          “Terrence? ”         “Kent? ”         “Bakit nandito ka? ”Tanong ko dito         “Nag-iikot lang”Napatango naman ako.           “Pakilala kita sa girlfriend ko para makaikot na rin. Doon lang naman yun sa kabilang kanto”Aya ko dito          Nag simula na kaming maglakad            “Siguradong maganda yang girlfriend mo. Chossy ka pa naman sa babae”Natatawa nitong sabi          “Di lang maganda, sexy yun”Sabi ko sabay tawa          “Naka-score na ba? ”Natatawa nitong tanong          “Gago seryoso ako sa gf ko”         Na miss ko si Terrence. Kasama ko yan lagi sa pambababae. Matinik yan sa chixs katulad ko pero mas gwapo ako sa kanya.          “Ako din may ipapakilala ako sayo”Napatigil ako saglit sa pag lalakad.           “Sino?”Tumuloy na kami sa paglalakad          “Basta, ipapakilala ko siya sayo”Tumango na ako at di na nagsalita dahil nandito na kami sa tapat ng bahay nila Venus          Agad kaming pinapasok ng guard.           “Ano kayang itsura niya? Naiimagine ko na”Sabi ni Terrence ng nasa tapat na kami ng pinto.           “Maganda yun kaso lang ang boses parang ang kausap eh nasa may bundok. ”Tumawa kami parehas at agad na pumasok          Nakitang kong nakatalikod si Venus na nag kakape. Agad ko siyang niyakap patalikod at hinalikan sa pisngi.          Nakapout na tumingin siya sa akin.          “Bakit nandito ka? ”Parang bata niyang sabi         “Siyempre binibisita ko ang damulag ko”Nakangiti kong sagot, ang cute niya talaga kapag naiinis. Namumula yung buong katawan.           “AANNNOOOONNNG SAAABI MO!!!!!!??? HOY KENT NA SUPOT HINDI AKO DAMULAG 'NO. SA GANDA KONG 'TO?DAMULAG?”Sigaw nito, tumawa lang ako ng tumawa.          “ehem”Napatingin ako at si Venus sa tumikhim.       Terrence's Pov          “Ehem”Tikhim ko, nakalimutan na ata kasi ako ni Kent eh.           Napatingin sa akin si Kent at si..... Venus? Don't tell me ang girlfriend ni Kent ay si Venus? Ay malamang nag boyfriend at girlfriend yung dalawa. Terrence hindi ba halata?          Napakunot ang noo ko at napatitig sa dibdib nito. s**t! Bakit kasi naka maluwag itong damit at maikling short?           Napaiwas ako ng tingin at sumipol-sipol pa. Alam na ni kent ang ibig sabihin non kaya napalingon siya sa bihis ni Venus at agad itong takpan.         “Ano ka ba namang babae ka? Bakit ganyan ang suot mo? ” Inis na tanong ni Kent          “Malay ko bang pupunta kayo at saka ang init init kaya ito ang suot ko no”Singhal ni Venus kay Kent, napakamot naman ng ulo si Kent.          “O sya, magpalit ka ng damit yung maayos”Utos nito sa akin          Mukhang hindi ako nakilala ni Venus.          “Bakit ba ang ingay-ingay niyo? ”Agad akong tumalikod          Si Blake, bakit siya nandito?         “Bakit nandito ka sa bahay ng GIRLFRIEND KO? ” talagang diniin pa niya yung salitang girlfriend ko          “Nandito kasi si Allison kaya nandito rin ako”Naramdaman kong may lumapit sa akin kaya napatingin ako         Nagkatitigan kami ni Blake at agad itong ngumisi         “Umalis ka dito kung ayaw mong malintikan”Utos nito sa akin, aba sino siya para utusan ako?           “Austin ano bang ingay yan? ”Sigaw mula sa taas          “Ah kent mauna na ako hinahanap na ako ng mga tropa ko eh”Tumango na lang ito          Lumabas na ako dun pero di ako umalis at nagtago lang sa may puno na katapat ng bahay nila Venus. Tinignan ko itong maigi.           Ang ibig sabihin mag kakilala sila Kent at Venus at kilala ni Kent si Allison, kilala rin ni Venus si Allison. Tadhana nga naman, talagang umaayon sa akin. Nakangisi akong umalis dun. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD