Chapter 6

1315 Words
Tyronne's Pov            Yakap-yakap ko yung unan ko, ang bango naman ng unan dito. Hinigpitan ko pa lalo yung yakap, napadilat ako ng may maramdaman akong kamay na yumayakap din sa akin.            Napatitig ako kay Allison ang ganda nito talaga. Hinalikan ko yung noo niya at inayos siya ng higa, yung ulo niya nasa dibdib ko.            Natawa ako ng maalala ko yung kagabi.  Flashback            Bagsak na silang lahat at kami na lang dalawa ni Blake ang nag iinuman.              “Matulog na tayo”Aya ko dito dahil inaantok na din naman ako. Tumango lang ito at nahiga sa sofa.              Naikuyom ko ang kamao ko ng makita kong magkatabi  yung Xenon at Allison. Napangisi ako sa naiisip kong gawin.            Itinulak ko yung Xenon at agad na nahiga sa tabi ni Allison.             “Ano ba?! Pwesto ko yan”Nag kunwari akong tulog at nag hihilik pa ng nag hihilik.              Naramdaman kong umalis na ito kaya niyakap ko na si Allison at natulog.  End of Flashback             “Anong tinatawatawa mo diyan? ”Napatingin ako at gulo-gulo ang buhok nila na nakatingin sa akin, sa amin ni Allison. Nakataas ang kilay ni Xenon na nasa harapan ko.             “Wala naman”Nakangiti kong sagot dito             Napatingin ako kay Allison dahan-dahan nitong iminulat ang mata niya at biglang nanlaki na makita niya ang pwesto namin.            Natulak niya ako, ang sakit ng likod ko tumama din kasi sa may lamesa yung likod ko.            “Ngayon naramdaman mo rin ang mahulog sa sofa”Tatawa-tawang sabi ni Xenon            Napatayo si Allison at tinagnan ang buong katawan niya. Kala mo namang ginahasa ko siya, niyakap ko lang naman.             Agad na lumapit si Blake sa kanya at inayos yung buhok ni Allison.             “Ok ka lang? ”Tanong nito dito napairap naman ako             Tumango lang si Allison habang hawak-hawak ang dibdib niya siguro gulat pa rin siya hanggang ngayon.           “Aray! Ang sakit ng likod ko!”Daing ko agad na napalapit sa akin si Allison            “Sorry hindi ko sinasadyang itulak ka, b-bakit kasi nasa t-tabi mo ako?”Halatang-halata na namumula si Allison dahil maputi ito.           Nagkukunwari lang akong masakit ang likod ko kahit konting sakit lang naman talaga             “Aray! Ang sakit talaga! ” Sigaw ko halatang natataranta na ito.          Tinayo ako nila Kent at Dominic.            “Mag bibihis lang ako at may pupuntahan kami nila Xenon at Austin”Paalam ni Allison, napakunot naman ang noo namin. Saan sila pupunta?           “Saan kayo pupunta? ” Tanong ko agad namang napalingon ito at natahimik. Bakit nag-iisip pa siya ng sasagutin niya? May tinatago ba siya o sila.            “Ah sa-sa m-may ano?” Napakagat labi ito, napahunot naman ang noo ko.            “Saan man kami pumunta wala ka na dung pakielam kaya itikom mo ang bibig mo”Napatingin ako kay Blake             Sila Venus, Kent, Christian at Dominic ay nakatingin lang sa amin.              “May pakielam ako...D-dahil kailangan akong alagaan ni Allison dahil siya ang dahilan kung bakit masakit ang likod ko” Pinagpapawisan ako habang sinasabi ko ang mga katagang yun.            “Pero kailangan na naming umalis”Sigaw ni Xenon habang nakatingin sa oras. Bakit parang nagmamadali sila? Saan ba sila pupunta?           “Saan ba kayo pupunta? ” Sa wakas nagsalita na rin si Venus                “Bakit kailangan niyo pang malaman? ”Tanong ni Blake            “Bakit ayaw niyong sabihin? Mahirap bang sabihin yung lugar na pinupuntahan niyo? Atsaka bakit nandito yang Xenon? Saan niyo siya nakilala? Bakit dito siya sa bahay nila Allison titira? ”Sunod-sunod kong tanong sa kanila           “Tyronne wala kayong alam sa ginagawa ko o namin. Lahat ng ginagawa ko ay para sa inyo din”May huli pa siyang sinabi pero di ko na narinig dahil bulong na ang ginawan niya doon.           Nakalabas na sila ng pinto at marami na namang tanong ang nasa utak ko.           Umupo sila sa may sofa at gaya ko ay nagtataka na rin sila.  Biglang tumayo si Dominic kaya napatingin kami sa kanya.          “Na-cu-curious na rin kayo diba? Una yung nasa may Star bucks tayo sabay na tumunog yung cellphone nila Allison at Blake atsaka may sinabi si Blake na sikreto nila. Tapos ngayon aalis silang tatlo at hindi nila masabi kung saan sila pupunta? Saan ba talaga kasi sila nag pupunta at bakit hindi nila masabi kung saan sila pupunta? Saan naman nila nakilala yung Xenon na yun? Bakit dito siya titira sa bahay ni Allison? ” Tulad ko ay yan din ang tanong ni Dominic, gusto ko rin malaman lahat ng sagot na yan at kung ano ang ibig sabihin ni Allison dun sa sinabi niyang wala kaming alam sa ginagawa nila? Ano ba ang ginagawa nila?           “Lalong naging mysterious yung mga yun”Sabi ni Venus           “Uwi muna ako”Paalam nila Kent at Dominic at Christian          “Uwi na rin ako”Paalam na din ni Venus           “Sabay ka na sa amin, Venus? ”Aya ni Kent kay Venus          “Wag na”Pag-tanggi nito, tumango na lang si Kent at hinalikan si Venus sa pisngi.            Umalis na sila Kent, Dominic at Christian. Kami na lang ngayon ni Venus ang naiwan dito          “Aalis na ako, di ka pa ba uuwi? ”Tanong nito sa akin          “Aalis na rin maya-maya”Tumango lang ito at umalis na Venus's Pov           Lutang ako habang nag lalakad at kung minamalas nga naman, umulan pa.            Patuloy pa rin ako sa paglalakad, basa na rin naman ako kaya panindigan ko na papaulan na ako.            Ang dami kasing tanong sa isip ko. Yung mga tanong ni Dominic ay ganun din ang akin. Nag-iba lalo siya ng bumalik siya dito sa pilipinas.                Napatigil ako ng hindi na ako nababasa ng ulan at may nakikita akong sapatos. Napaangat ako ng tingin at pinapayungan ako ng isang pamilyar na tao. Parang nakilala ko na siya pero di ko matandaan kung saan. Magkatitigan lang kami, nakangiti siyang nakatingin sa akin at cute siya aaminin ko          “Thank you? ”Bigla ko na lang nasabi iyon. Na aawkward kasi ako.           “Para saan? ”Natatawa nitong sabi          “Sa pagpapayong sa akin”                “Hahaha anong akala mo? Libre? Hahaha may kapalit yan noh”Napakunot ang noo ko at agad na tinabig yung payong kaya pati siya ay nababasa na rin.              “Bakit sabi ko bang payungan mo ako?”Mataray kong tanong dito           “Hindi ”Natatawa nitong sabi, baliw na ba to?            “Terrence Willford ”Nilahad niya ang kamay niya sa akin pero tinignan ko lang iyon.            Terrence Willford? Parang narinig ko na yun          Bigla akong matawa ng maalala kung sino siya. Siya yung sinipa ko sa may junior.                Sinipa ko ulit yung junior niya kaya agad na napahawak siya dito.             “Aray! ”Sigaw nito habang tumatalon-talon sa sobrang sakit            Tawa lang ako ng tawa habang pinapanood siya.             “babush”At iniwan ko siyang namimilipit sa sakit doon.                                           
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD