Chapter 5

1352 Words
Allison's Pov            Nasa harapan ako ng lahat ng tao dito. Tinitingala at ginagalang. Nakaluhod sila sa harap ko.            “Lahat kayo makinig may bago na tayong reyna, reynang kaya tayong protektahan, malakas, matapang at higit sa lahat walang inuurungan. Galangin natin siya at sundin natin ang mga iuutus niya dahil siya ang ating reyna na pangangalagaan tayo. ”Sabi ni Veniz, Veniz lang ang tawag ko sayo dito ayoko siyang tawaging Madam Veniz.             May lumapit sa akin lalaki kaya napataas ako ng kilay. Lumuhod ito sa akin at nilahad niya ang kamay niya sa akin.             “Master Allison, I'm your butler Xenon Ty at your servise Madam Allison. Kahit saan ka mag punta ay nandoon din ako, babantayan kita at aalagaan”Sabi nito sabay kindat sa akin, bored ko lang itong inirapan.            “I can protect myself ”Madiin kong sabi             “Pero Master Allison kailangan may butler ka”Sabi ni Veniz sa akin             “I'm here to protect Allison”Singit naman ni Austin na kanina pa tahimik              “Kung gusto nito Master Blake kayo nalang dalawa ni Xenon ang magbabantay kay Allison ”Napa roll eyes naman ako          Ano ako bata? I can protect myself. Pero ano bang magagawa ko? Kailangan daw eh           “Fine”Napangiti naman yung Xenon at tumayo na sa pag kakaluhod niya                 Kinuha ko ang cp ko ng tumunog ito.  From:Venus           Allison bukas punta ka sa bahay namin bonding tayo To:Venus            What time?  From:Venus          Mga 7 pm           Tinago ko na ang cp ko at pumunta sa pwesto ni Blake na ngayon ay nakabusangot ang mukha.              “Uwi na tayo”Yaya ko dito inaantok na din kasi ako              “Mabuti pa nga”Sabi nito at nauna ng mag lakad.              Nang nasa may pintuan kami ay may naramdaman akong nasunod sa akin at may naririnig akong gulong ng maleta. Agad akong napatingin sa likod ko pati rin si Blake ay napalingon.           “At saan ka pupunta? ” Nakapamewang kong tanong dito            “Ewan ko. Sinusundan ko lang naman kayo eh” Napahawak ako sa noo ko. Tatanda ako ng maaga.              “Uuwi na ako kaya umuwi ka na rin” Ngumiti naman ito sa akin “Ok” Buti na lang at makikiusapan ko itong kumag na ito. Sumabay na ako kay Blake ng lakad pero ng nasa labas na kami ng bar ay napalingon ako sa likod ko at gayun din ang ginawa ni Blake. Nakasunod pa rin sa akin yun Xerox ba yun o Xenon?            “Bakit sinusundan mo pa rin ako? Diba sabi ko sayo umuwi kana”Hays bakit ba ang kulit nitong lalaking 'to?              “Kaya nga. Kung saan ka nakatira doon din ako titira kasi babantayan kita”Napanganga ako sa sinabi niya. Nababaliw na ba siya?            “Ulol sa tingin mo ba papayag akong makasama mo sa iisang bubong si Allison? ” Inis na tanong ni Blake dito            “Hindi pero hindi ko naman kailangan ng permiso mo, diba? ”Pang-aasar naman nito kay Blake             “Kung titira ka sa bahay nila Allison titira din ako”Napasapo ako ng noo ko, ano na lang iisipin ni Dad?             “Bakit kailangan niyo pa kasing tumira sa bahay ko? ”Mahinahon kong tanong, nakakatamad sumigaw eh              “Kasi kailangan” Pilosopong sagot ni Xenon sa akin.             “Bahala kayo sa buhay niyo”Irita kong sabi             Sumakay na ako sa kotse ko at sumakay na din sila. Nakakahiya naman kasi yung pagiging gentelman nila kaya ako na yung nag drive.             Pinaharurot ko na ang sasakyan sa bahay namin. Napakunot ang noo ko ng marinig kong bukas ang T.V sa sala.            Binuksan ko ang pinto at halos mamula na ako sa sobrang inis sa nadatnan ko. Napakakalat ng bahay ko at sila Venus, Dominic, Christian, Tyronne at Kent ay nandito.            “Anong ginagawa niyo dito? ”Irita kong tanong            “Dito kami matu- sino siya? ”Sabay turo ni Venus kay Xenon na bitbit ang maleta niya. Napakunot naman ang noo nila.            “Hi! I'm Xenon Ty, Allison's b-”Agad kong tinakpan ang bibig niya bago niya pa masabi ang salitang butler            “Bakit? ”Kunot noo nitong tanong sa akin             “Hindi nila pwedeng malamang butler kita at saka nasaan si Austin? ”             “Ahh si Master Blake ba? Ayun umuwi kukuha lang daw siya gamit niya, ginamit niya pala ang sasakyan mo. Back to the topic na. Bakit bawal kong sabihin na butler mo ako? Ano sasabihin ko boyfriend mo ako?” /smirk;            “Ewan ko sayo”Umupo ako sa tabi ni Venus at ito namang si Xenon ay parang asong sunod ng sunod sa akin. Naiirita ako.            “Can you please stop following me?”Bulong ko dito nginitian lang ako nito            Nakabusangot ang mukha kong nanood ng horror, hindi ko alam kung ano yung title.              “Wahhhhh ang pangggeeeettt!!!!”Sigaw ni Xenon sabay yapos sa akin. Napa face palm naman ako.             “Tsk ang ingay mo at pwede bang wag mo akong yapusin”Sabi ko dito sabay tabig ng braso niya sa akin. Tumayo ako at lumipat sa tabi ni Christian pero sumunod ito at tumabi pa rin sa akin.            “Wahhhhhh”Sigaw nilang dalawa ni Christian sabay yapos sa akin.            Tumayo ulit ako kaya no choice kaya tumabi ako kay Tyronne kahit ayoko talaga. Napaayos naman ito ng upo at napatingin sa akin.            “Excuse me nga palit tayo pwesto”Sabi naman ni Xenon kay Kent napahilamos na ako sa mukha ko. Isang araw ko pa lang siya nakakasama parang mamamatay na ako.            “Ano ba Xenon?! Hindi mo ba ako tatantanan?! ”Sigaw ko kunting-konti na lang at mabibingo na 'to sa akin.            “Parang tatabi lang para namang inaano ka”Bulong nito habang naka pout, parang batang may sapak sa ulo.             Inirapan ko na lang siya at hindi pinansin hindi rin ako komportableng katabi ko si Tyronne.             Sumandal ako sa sofa na inuupuan namin. Nagulat ako ng biglang may humawak sa kamay ko, napatingin ako kay Tyronne na ngayon ay nakasandal na rin sa sofa at nakatingin sa pinapanood namin.              “Natatakot ako”Napakunot ang noo ko. Kailan pa naging duwag sa horror movies si Tyronne? O baka may iba siyang ibig sabihin?            “Allison naiwan mo yung cp mo sa-bakit kayo nandito? ” Napatingin ako kay Austin, nandito na pala siya. Tatayo na sana ako para kuhanin yung cellphone ko pero ang higpit ng hawak nito sa akin.           “Paki lagay na lang dyan Austin ”Sabi ko at ganun nga ag ginawa niya.            “Dito rin kami matutulog yahooo”Sigaw ni Venus sabay tayo at nag sasayaw sayaw sa unahan.             Tumayo din si Kent at nakisabay kay Venus hanggang sa lahat sila ay nag enjoy na. May alak pa silang dala.             Umiinom lang ako ng alak at nakikitawanan sa kanila. Si Xenon naman napaka daldal mukhang lasing na ata eh.            “Alam niyo bang dito na *hik* ako twitira? ”Sabi ni Xenon nag tawanan naman silang lahat            Medyo nahihilo na din ako kasi masyadong madami ang nainom ko kasi sila naman ay patigil-tigil ng inom dahil nag kujuwentuhan pa pero ako ay tuloy tuloy lang.                      
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD