Chapter 4

1203 Words
Eryn's Pov           Nakaayos na ako at naka pag practice na rin ako ang hinihintay na lang namin ay si Allison. Pa VIP kasi yung bwisit na yun. Lumabas muna ako para magpahangin sa makita ko si Blake kaya agad akong lumapit sa kanya.          “Manood ka sa laban namin ni Allison, ha?Para makita mo kung paano ko matatalo si Allison. Yabang kasi niya masyado tignan na lang natin kung ano ang ipag mamalaki niya kapag matalo ko na siya ”Ngiting-ngiti kong sabi kay Blake           Namula ako ng ngumiti ito sa akin, minsan lang yang ngumiti kaya mapapatigil regla niyo kapag nakita niyo.             “Manonood talaga ako dahil gusto kong makitang nakaupo si Allison sa kanyang trono at kung paano mo siya galangin bilang mas nakakataas sayo. Tandaan mo Eryn mas higit na malakas si Allison sayo, hindi mo siya kilala kaya wag kang umasta na parang kilala mo siya. Nakakatakot yan Eryn, wag mong babanggain dahil baka hindi mo alam kamatayan mo na ang binabangga mo”Napawi ang ngiti ko sa kanya ang matamis na ngiti naman nito ay napalitan ng ngisi, ngising nang aasar.              Iniwan niya ako doon. Napakuyom kamao ako at matalim na tumingin sa kawalan.            Sino ka ba talaga Allison Autumn Sy? Bakit ang taas ng tingin sayo ni Blake?            “Eryn nandito na si Allison, mag sisimula na ang laban niyo”Tumango na lang ako at pumasok na                   Magkatitigan kami ni Allison, aaminin kong maganda ito at malakas ang appeal pero, siyempre mas maganda at mas malakas ang appeal ko kesa sa kanya.           Tumunog na ang bell hudyat na simula na ng laban namin pero, magkatitigan pa rin kami at walang gustong maunang tumira.            “Naduduwag ka na ba ngayon? ”Mayabang kong tanong dito pero hindi pa rin siya kumilos doon kaya Umalingaw-ngaw sa paligid ang bulungan.            “Ako na ang mauuna kung ayaw mo”Sigaw ko at sinugod siya           Suntok at sipa lang ang ginagawa ko at bored itong umiiwas sa akin. Ang yabang talaga nitong babaeng to.             Nang mapagod ako ay tumigil na ako at napangisi naman ito ng mapansin niyabg napagod ako sa ginawa ko.             “Wag kang matuwa dahil wala pa yung ginawa ko”Nakangisi kong sabi           Dinaanan niya ako at parang nag slow motion ang galaw nito.            “Wag mo akong sinusubukan baka mag sisi ka sa huli”Sabi nito pag kadaan sa tabi ko          Nanlaki ang mata ko at napasuka ng dugo. A-anong ginawa niya? Dinaanan lang niya ako pero bakit ako sumuka ng dugo at bakit parang namamanhid ang buo kong katawan?              ‘Anong nangyari? ’Rinig kong bulungan              Kahit sila ay hindi rin alam kung ano ang ginawa sa akin ni Allison. Kilala akong mabilis gumalaw at mabilis mag isip pero bakit hindi ko napansin ang galaw niya?           Pinilit kong tumayo kahit na namamanhid na ang buo kong katawan. Feeling ko konting oras na lang ay babagsak na ako.             “Tama na ang laro, Allison. Ngayon ako naman”Seryoso kong sabi at agad na sumugod sa kanya            Umikot ako sa kanya ng umikot para mahilo siya at hindi niya mapansin ang iaatake ko pero nagulat ako ng biglang nasa isang sulok lang ito at pinapanood akong umikot. Kanina pinaiikutan ko lang siya? Paanong nakapunta siya agad dun?           Nanigas ako ng hagisan niya ako kutsilyo pero hindi niya ito pinatamaan sa akin pero nasa taas ng ulo ko banda patama.            Agad akong sumugod sa kanya, papatamaan ko ang ugat niya sa leeg.            Mabilis ang galaw nito at hindi ko man lang siya mapatamaan.              “May gagawin pa ako kaya wala akong time makipag laro”Bulong nito sa akin, sinuko ko siya sa sikmura pero parang baliwala lang yun sa kanya.             Siya naman ngayon ang umikot sa akin. Medyo nahihilo ako sa ginagawa niya.              Agad din siyang tumigil at prenteng sumandal sa pader. Tinignan niya ang relo niya at napangisi.               Parang bumigat bigla ang katawan ko kaya agad akong natumba. Ang sakit ng buo kong katawan. Feeling ko nabalian ako ng buto.              Napasigaw ang ng subukan kong igalaw ang tuhod ko. Biglang tumunog ang ring, hudyat na tapos na ang laban.             “Hindi, kaya ko pang makipag laban”Sigaw ko             Matamis na nginitian ako ni Allison bago umalis. Kinuha na ako doon at pinunta sa clinic.           Nabalian ako ng buto sabi ng doctor. Bwisit yung Allison na yun. Gaganti ako sa kanya, maghintay lang siya.            “Ayos ka lang ba? Masarap bang maging talunan? ”Napatingin ako doon sa nag salita si Madam Veniz pala           “Wala ka ng kwenta at wala ka ng pakinabang sa akin. Bakit ngayon ko lang naisip na ilaban dito si Allison? Yang si Allison ang paborito ko, walang-wala ka kasi kay Allison. Hindi man lang napag pawisan si Allison sa ginawa niya pero tignan mo ang sarili mo. Kaawa-awa ka”Naikuyom ko kamao ko, plastik talaga itong babaeng to. Manloloko pa.           “Umalis ka na dito habang may respeto pa ako sayo”Seryoso kong sabi dito           Lumapit ito sa akin at hinawakan ang panga ko.             “Wag mo akong babastusin, kilala mo akong magalit Eryn. ”Banta nito sa akin            Bahala na kung mapatay man ako nitong matandang to dito mismo.            “Paano kapag may nakatalo kay Allison? Ganyan din ba ang gagawin mo sa kanya? Ay hindi mo nga pala kaya kasi mas malakas sayo si Allison at aso ka lang ni Allison. Para kang asong ulol na sunod-sunuran sa amo mo”Nakangisi kong sabi pero pinagpapawisan ako sa niyerbyos.            “Aaminin ko sayo Eryn mas malakas nga sa akin si Allison lalo na ngayong kasama niya si Blake pero wag kang masyadong mayabang alam ko ang plano mo. Isang buka lang ng bibig ko tapos ka kasama ang pamilya mo. Booom”Napakuyom ako ng kamao, humahalakhak naman itong umalis sa kwarto ko.           “Pag babayaran mo to Allison, sisiguraduhin kong mag sisisi ka sa ginawa mo. Uubusin ko ang lahi mo Allison at sisiguraduhin kong magiging mag-isa ka na lang. Bwisit ka Allison! Sa susunod nating pag lalaban sisiguraduhin kong babaha ng dugo mo”Sigaw ko wala akong pake kung may makarinig sa akin.           Nag dial ako at agad nitong sinagot ang tawag ko.            “Pumapayag na ako”           “[Tulad ng inaasahan ko Eryn. Mag pagaling ka muna jan at ako na ang bahalang mag protekta sa pamilya mo at kapag magalin ka na gawin mo na ang una mong misyon]”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD