Tyronne's POV Huminga ako ng napakalalim bago kumatok sa pinto. Buong gabi ko ito pinag isipan. Ito ang tamang gawin kahit na alam kong parehas kaming masasaktan sa magiging disisyon kong ito. Binuksan ko na ang pinto at nakita ko si Allison na nakahiga habang nag babasa ng libro. Napalingon ito sa akin. Nginitian niya ako at kahit gusto ko siyang ngitian ay hindi ko ginawa at nanatiling seryoso ang mukha. “Bakit nandito ka Tyronne? Diba dapat nagpapahinga ka?” Umupo ito at humarap sakin. “Kaya ko ang sarili ko Allison.”Malamig kong tugon dito. “Kumain kana?” Seryoso na rin itong nakatingin sakin. Iniiba na nito ang usapan at sigurado akong nakakahalata na ito. “Kakain ako kung gusto ko. ” Napaawang ang labi nito. “Allison...”Bahagya akong umurong palayo sa kanya na ikinakunot ng

